NASA spa sina Luther at Jianna. Nakahiga sila sa tabi ng isa’t isa. Nakapikit. Habang pareho nilang ninanamnam ang masahe mula sa mga therapist. Ang ganda ng ambiance ng spa na pinagdalhan sa kaniya ni Luther. So relaxing. Tapos may soft music pa. Amoy-lavender ang hangin na nalalanghap nila. Ang totoo niyan, hindi na bago kay Jianna ang ganoong spa. Mas maganda pa nga ang spa nila sa bahay. Pero pipiliin pa rin niyang balik-balikan iyon basta si Luther ang kasama niya. “Ji, I’ve been thinking…” kapagkuwan ay bulong ni Luther habang nakapikit pero nakabaling ang mukha sa gawi niya. “What is it?” nakapikit din na tanong niya rito. “Parang gusto kong mag-Europe trip. Where do you want to go?” tanong nito. Bakas ang excitement sa boses. That made her smile. “Talaga? Parang gusto ko

