“NIYAYAYA mo akong mag-date?” tila kinikilig na ulit ni Jianna sa sinabi ni Luther. He smiled. “Yes. A date. Hindi pa tayo nagde-date simula nang dumating ka rito sa New York.” Totoo nga na hindi pa sila nagde-date simula nang maging sila ulit. Hindi rin sila lumalabas nang magkasama dahil baka may makakita sa kanila. Kilala pa naman sa New York si Jianna bilang asawa ng bilyonaryong negosyante na si Marsean Caballero. Lalo na at malapit lang sa apartment nila ang gusali ng kaniyang asawa. Humarap siya kay Luther at napatitig dito nang ilang segundo bago nagsalita. “Are you sure? Eh, paano kung may makakita sa’tin? Nakalimutan mo na ba na may asawa ako at hindi pa kami hiwalay?” Napakamot ito sa sariling batok at nakangiwing ngumiti. “Yeah. I know. Pero nami-miss ko na ‘yong tulad nan

