“LUTHER!” hiyaw ni Jianna nang kumubabaw sa kaniya ang dating nobyo. Itinulak niya ito pero hindi pa sapat ang lakas niya. Dahil siguro sa hangover kaya medyo nanghihina pa siya. “Umalis ka nga diyan,” saway pa niya rito. Tiningnan lang siya ni Luther kaya nagtama ang paningin nila. Pasimple siyang lumunok nang ilapit nito ang mukha sa mukha niya. Halos dangkal na lang ang pagitan. And it’s making her heart beat so fast. Stupidly fast! “Aalis lang ako dito kapag sinabi mo sa’kin kung ano ang panaginip mo kagabi at gano’n ka na lang umungol,” hirit ni Luther at idinikit ang katawan sa kaniya kaya nabuhay ang kakaibang init sa katawan niya. “Kasi malakas talaga ang kutob ko na ako ang napanaginipan mo.” Nilabanan niya ang malakas na pagtibok ng puso niya at kakaibang init na nararamdama

