Kabanata 1
Ang Hotel Orient na nasa pusod ng Paranaque ay pag-aari ng mag-anak na Rosales. Isa itong five start hotel na seven years na ring nag-o-operate.
Bagama’t tubong Davao ang mga Rosales, nagawa ni Teofilo na mag-venture sa business na hotel management. In addition sa pag-aari nitong plantation sa Hacienda Tres Maria. Pangalang isinunod nito sa tatlong anak na babe. Sina Margery Marie, Maydie Marie at Markie Marie.
Kilala ang pamilya ng mga Rosales sa Dampalog, Davao del Norte bilang may sinasabing angkan. Bukod dito, dahil na rin sa pamamayagpag ng tatlong bituin na hindi mapapasinungalingan ang angking ganda.
Magmula sa kanilang ina na si Maripaz, ang Mutya ng Dampalong noong ito’y dalaga pa. Si Margery ang panganay at tapos sa Computer Science, ay minsang nagging tanyag. Bilang runner-up sa Mutya ng Pilipinas. Si Maydie na graduate ng HRM ay isa namang ex-Miss Manila. Titulong napasakamay ni Maydie sa kadahilang mas matagal ang inilagi nito sa Maynila kaysa sa Davao. Naging bonafide citizen na noon ang dalaga kaya nag-qualify sa nasabing pa-contest. And recently, and bunsong si Markie na sa kasalukuyan ay nakikipagbuno pa sa kurso nitong Business Management sa St. Peregrine College na nanalo naman at napabilang sa Magic Six ng Search for Miss Calendar Girl sa sakit na TV noontime show. Sa tatlo, si Markie ang masasabing pinaka-least ang accomplishment. Bagay na ipinagdidiidnan pa ng dalawa niyang ate. Ngunit hindi na lang pinapansin ni Markie.
Nang matapos sina Margery at Maydie, sa pag-aaring hotel sila bumagsak. Sil ang nag-supervise sa Hotel Orient. At si Markie, kapag bakasyon sa school ay obligadong tumulong sa hotel. Dahil ang kanilang ama ay nag-stay na sa Davao upang pangasiwaan naman ang kanilang hacienda at plantation. Bagama’t mayaman, ganoon hinubog nina Teofilo at Maripaz ang tatlong anak na babae.
Occipied ng tatlong magkakapatid ang biggest suite sa ground floor. Iyon ang nagsisilbi nilang bahay kapag sila’y nasa Manila.
Kasalukuyang nag-uusap noon sa loob ng suite sina Margery at Maydie. Ang topic ay ang kani-kanilang conquest.
“Sinabi mo!” nakaigkas ang isang kilay na sambit pa ni Maydie.
“Pero cute naman sya, a? ‘Yon nga lang... hindi ganoong rich.”
Ang suitor ni Maydie na si Troy ang tinutukoy ng mga ito. Na kulang na lang ay sambahin ang dalaga.
“So, tell me... sino sa kanila and well... sabihin nating matimbang sa ‘yo?”
Lumuwang ang ngiti ni Maydie. Waring nag-glow ang mga mata nito.
“ I think... si Javier Martin.”
“Sabi ko na nga ba. Good pick, sister.”
Si Javier Martin ay isang international fashion model, na talaga naman super guwapo. Maraming kolehiyalang nagso-swoon sa binata pag ito’y nasasalubong sa mga malls. Mula pa ito sa isang buena familia. May three months na ring regular itong tumatawag kay Maydie. Ilang beses na rin silang lumabas as friends.
“So, sinagot mo na ba siya or... soon to be pa lang?”
“Hmmm... later.”
May kilig pang humagikhik ang dalawa na animo mga teenagers na nakita ang kanilang campus crush.
“Ikaw naman? May decision ka na rin ba?”
Si Margery naman ang nag-glow ang mga mata.
“Siyempre naman, ‘no! Guess who.”
“Hmmmm... si Rigor Sebastian! Tama?”
“Ba’t mo alam?”
Nanunudyong umingos si Maydie sa kapatid.
“Obvious ka po ‘no? At saka nahuli ko kayo once na nagli-lips to lips sa car. O, ano?”
Nag-blush si Margery.
“Kayo na ‘no? Aminin m na.”
“Actually, two weeks pa lang.”
“Sarap naman. Masarap may boyfriend, ‘no?”
“Superb!”
Tawanan. Ang tagpong iyon ang napasukan nang parating na si Markie. Napalingon dito ang dalawa.
“Ate...”
“O, ano? Na-check mo na ba ang mga beddings?”
Bahagyang napasimangot si Markie. “Pati ba ‘yon gagawin ko? Di ba, Ate Maydie, trabaho mo ‘yon?”
“Nakita mong nag-uusap nga kami, ‘no? May kaunting problema sa mga wines natin na... wala ka nga palang alam tungkol do’n. Kaya ikaw na muna ang gumawa no’n, puwede?
Huminga sya ng malalim. “Sige na nga.” “yung list of menu para buks nasabi mo na ba sa cook natin?”
“Oo, kanina pa.”
“Mabuti naman. Sige na i-supervise mo muna ‘yung sa beddings. Mahirap nang mapahiya tayo sa mga guests.”
Walang nagawa si Markie kundi sumunod. Sa maraming pagkakataon, nagiging tau-tauhan si Markie sa mga ate niya. Bukod sa mas matanda sa kanya ang mga ito ay talagang pinagpapasensyahan na lang siya.
“Ano na nga ‘yung pinag-uusapan natin?” pakli ni Maydie paglabas ni Markie. "A... sa kiss. Ano... masarap bang humalik ang boyfriend mong anak ng Congressman?"
"What do you think?" tudyo ni Margery na ngumiti ng papilya.
"Sigurado. Right?"
"Well... medyo lang. Medyo tumitirik ang mga mata ko sa sarap."
Kinikilig na tumili pa ang dalawa.
Siesta time ng tatlong magkakapatid. Half of the day is almost over, ngunit pakiramdam ni Markie ay triple ang pagod niya sa araw na iyon. Dahil ang daming tourists na nag-check-in sa kanilang hotel.
Bukod sa staff, personal talaga nilang pinangangasiwaan ang pag-a-accomodate sa kanilang mga guests. Siya ang mas kumikilos. Ang dalawa niyang ate ay panay lang ang utos.
"Kung ako'ng tatanungin, ayoko talagan umuwi ng Davao," prangkang sabi ni Maydie.
Napakunot-noo si Markie. "Pero, Ate, silver wedding anniversary 'yon ng mama at papa. Bakit ayaw mong umuwi?"
Nakatakdang idaos ang second wedding sa hacienda nina Teofilo at Maripaz. Abay ang magkakapatid.
"Kung puwede lang naman 'yon. Pero siyempre dadalo ako, 'no?" pairap pang katwiran nito.
Sa ilang taong na rin nilang pananatili sa Manila, totoong madalas niyang maringgan ang mga ate niya na ayaw na ayaw nang uuwi sa kanila sa Davao. Kabaligtaran niya. Dahil kung siya ang papipiliin, mas gusto niya sa probinsya nila. Lamang ay hindi pa nga siya tapos mag-aral. Second year college pa lang siya. Gano'n pa man ay buo na sa loob niya na once na siya's makatapos, uuwi siya sa Davao. Doon ay tutulong na lang sa Papa niya sa pagma-manage ng kanilang hacienda at plantation.
Simpleng babae lang kasi Markie. Na may simpleng ambisyon sa buhay. Ambisyong tanging sa Yaya Felisa lamang niya nasabi. Gusto niyang maging perfect wife at perfect mother in the future. Hinihiling niya sa Diyos na sana'y tulad ng kanyang Papa and lalaking ibibigay niyo sa kanya. Kahit na hindi katulad ng mga suitors nga dalawa niyang ate. Anway, hindi naman siya nakikipagkumpetensiya sa mga ito. Dahil alam niya kung sino siyaat kung ano siya.
Gano'n pa man, paminsan-minsan ay hindi niya maiwasan na hindi makadama ng inggit sa mga ito. Lalo na kapag nagkakasabay-sabay ang mga lalaking dumarating sa kanilang suite. Na puro guwapo at puro may sinasabing tao. Samantalang siya, zero. Kahit isang duling na suitor ay wala siya. Kaya kahit paulit-ulit pang sabihin sa kanya ng bestfriend niyang si Monet na siya'y maganda, kulang pa rin ang paniniwala niya. Ang pagkapanalo niya sa Miss Calendar Girl bilang Miss June ay no big deal a kanya. Lalo pa't minamaliit iyon ng dalawang ate niya. Ang baduy-baduy nga rin niya at sumali siya sa ganoong klaseng beauty contest.
"Susunduin ba tayo ng chopper or..."
"Kausap ko kahapon ang Papa," sambit niya. "Magdomestic plane na lang daw tayo. May sira daw yata 'yung chopper natin, e."
Nag-ring ang phone. Nilingon siya ng mga ito. Ibig sabihin, siya ang sumagot. Pati iyon ay inaasa pa rin ng mga ito sa kanya. Tumayo siya at nilapitan ang kinatatayuan ng phone.
"Hello? Oo... sandali. Ate, si Rigor."
Nagmistuland may pakpak si Margery. Minutes later, cellphone naman ni Maydie ang nag-ring.
"Hello? Javier! What's up?"
Naitsapuwera na naman si Markie. Wala siyang nagawa kundi ang lumabas ng suite. Ayaw niyang mainggit dahil masama iyon. Kaya minabuti niyang tapusin na ang kanyang siesta.
"Felisa? Felisa!" malakas na sigaw ni Maripa sa yaya ng tatlong anak noong ang mga ito'y maliliit pa.
Natarantang pumasok ng salas ang edad fifty-two na matandang dalaga.
"Bakit ba? Ako nama'y tinataranta mo. Ano ba 'yon? Ako'y may ginagawa sa kusina, e."
Busy na noon ang lahat sa hacienda Tres Marias. Dahil sa darating na Linggo na ang silver wedding anniversary ng mag-asawang Teofilo at Maripaz.
"Wala na ba tayong nakalimutan na padalhan ng invitation? Ayokong may magtampo sa akin kung mayroon akong hindi naimbitahan."
"Aba'y wala na naman siguro. Ilang araw mo ng hawak 'yang listahan mo, di ba?"
"Baka kasi mero'n pa akong nakalimutan. 'Yun nga palang maglilitson ng baka at baboy... nagkalinawan na ba kayo sa bayaran?"
"Aba'y sina Domeng na lang daw ang gagawa no'n, hindi ba?"
"Akala ko ba'y iuupa na 'yon?"
"Sabi ng asawa mo'y hindi na raw. Kaya na raw 'yon ng mga tauhan niya."
"Gano'n ba? Hindi ko alam 'yon. Teka nga pala... 'yung mga..."
"Ano ka ba naman? Huwag ka ngang mataranta r'yan. Pati ako'y nahahawa sa 'yo, e. Maayos na ang lahat, huwag kang mag-alala. Sa tagal ba naman ng paghahanda natin para sa okasyong ito. O, may kailangan ka pa ba? Inaasistehan ko ang mga katulong sa kusina, e."
"Wala na. Ay, teka... sigurado bang darating ang tatlong anak ko sa Sabado?"
"Oo, yata."
"Bakit may yata pa? Hindi puwedeng hindi sila umuwi dahil sila ang mga abay namin."
"Ay! Pambihira kang tao ka, oo. Para bang ngayon ka pa lang ikakasal, a? Siyempre darating ang tatlong Maria mo. Hay, naku! Ano na kaya ang itsura ni Markie ko. Nasasabik na ako sa kanya."
Sa bahay na iyon, si Markie ang pet ni Yaya Felisa at ng amang si Teofilo. Si Margery at Maydie naman ang pet ng inang si Maripaz.
Siyang sulpot ni Teofilo mula sa front door.
"Ako'y babalik na sa kusina kung wala ka ng itatanong pa."
"Sige na. O, maaga ka yata?" Usisa ni Maripaz sa asawa.
"Tumawag ang bunso mo. Sinabi lang na darating sila this Saturday."
"Mabuti. 'Yon nga ang nililinaw ko kay Felisa."
Nakangiting ibinagsak ni Teofilo ang katawan sa sofa.
"Excited na si bunso. But she is worried."
"Sa kanyang isusuot na damit," bahagya pang nangiti si Teofilo. "Ang taba raw kasi niya ngayon. Baka hindi magkasya 'yung ipinasukat niyang damit last month pa. Napaka-beauty conscious talaga ng anak mo."
"Natural. Gano'n ang mga babae. Lalo pa't kasing ganda ng mga anak ko. O, kumutsa raw sila ro'n?"
"Okay naman daw. Talagang puwede na nating silang pakawalan. Masuwerte tayo sa ating mga anak. Kaya nga proud na proud ako sa kanila."
"Dapat."
Nagkatawanan pa ang mag-asawa.
"Lalo na kina Margery at Maydie, dapat kang maging proud. Sa dami ng karangalang inakyat nila sa ating..."
"Hayan ka na naman. Initsapuwera mo na naman ang bunso mo. Ba't ka ba ganyan sa anak mo?" Tumiim na ang tingin ni Teofilo sa asawa. "Wala kang pinupuri kundi 'yung dalawa. Si Markie... lagi na lang panghuli sa iyo."
"Wala akong sinasabing gano'n. Pare-pareho ko silang anak kaya..."
"Iyon na nga, e. Kung minsan hindi mo lang nahahalata, nagtatampo na sa iyo si Markie. Kundangan kasi..."
"Ikaw rin naman. Palagi mong pinapaboran ang bunso mo. Samantalang kay higpit-higpit mo sa dalawa. Ikaw ang..."
"Tama na nga. Magtatalo na naman tayo sa walang kuwentang bagay."
Mabilis na tumayo si Teofilo na obvious na napikon sa asawa.
"Saan ka pupunta?"
`
"Kina Damian. Ipaaayos ko 'yung nasirang bakod."
Sa maraming pagkakataon, laging nauuwi sa sagutan ang mga ito pagdating sa tatlong anak.
"Pambihira naman sila." iritadong komento ni Monet, ang bestfriend ni Markie. "Isa man sa kanila, walang sumipot ngayon dito. Ni hindi ka man lang sinuportahan?"
Totoo ang sinabi ni Monet. Kaya nga masama talaga ang kanyang loob. Hindi nga lang niya ipinahahalata rito.
Iyon ang araw ng grand finals ng Miss Calendar Girl, sa studio KPSP o Kalatog Pinggan sa Pananghalian. Ngunit tanging si Monet lang ang dumating na supporter niya. Beforehand, tumawag ang kaniyang papa. Humingi ito ng paumanhin dahil hindi makakarating. Di umano'y nagkaroon ng problema sa hacienda. Ang mama niya ay hindi na niya inaasahan pa. Pero ang dalawang kapatid, dito masamang-masama ang loob niya.
Katwiran ng mga ito'y hindi maiiwan ang hotel. Ganoong pag may lakad naman, sukdulang may kaguluhan na sa hotel ay aalis at aallis pa rin ang mga ito.
"Alam mo sa totoo lang, ha? Iba ang tingin sa iyo ng pamilya mo."
"Monet..."
"Huwag mo na silang ipagtanggol 'no? Dahil kilala ko na sila. Puwera lang ang papa mo at ang Yaya Felisa mo."
Totoo iyon. Kilala na ni Monet ang buo niyang pamilya. Ilang beses na rin niya itong naisama sa hacienda. At sa tuwina, si Money and kanyang confidante at shock absorber. Wala na siyang maililihim pa rito.
"Napaka-importanteng araw nito para sa iyo. Pero nasaan sila?"
"E, k-kasi..."
"Stop it. Huwag mo na silang ipagtanggol dahil talaga namang minamaliit ka lalo ng dalawang ate mo, 'no! Sino ba sila sa akala nila? Alin, kung ako'ng tatanungin di hamak na maganda ka sa kanila."
Napangiti siya rito. Ngiting salat sa saya.
"Kahit pa hindi, 'no! Ang tataray at matapobre ng dalawang iyon, 'no, kahit pa sabihin mong magaganda sila. E, ikaw? Labas at loob mo, maganda."
"Iyan ang gusto ko sa iyo, e. Puring-puri mo 'ko. Hayaan mo... after the show, win or lose, ibo-blow out kita. Promise."
Pinukol siya nito ng matinding irap.
"Ang hirap sa 'yo, hinahayaan mo lang na apihin ka ng mga ate mo. Alin... kung ako ang nasa lugar mo, never! Pare-pareho lang yata kayo ng tayo sa mundo, 'no?"
Hindi siya nagkomento. Dahil noon pa niya alam na tama lahat ang mga ipinaiintindi nito sa kaniya. Pero likas sa kanya ang kababaang-loob. Kaysa makipagtalo sa mga kapatid, mas pipiliin niyang sumunod na lang. Kahit siya'y inaapi ng mga ito, hindi niya maitatangging mahal niya ang dalawa niyang ate. Ang kanyang mama na kakaunti ang atensyong ibinibigay sa kanya, kumpara sa dalawang ate niya. Dahil mas maraming karangalan ang inakyat nga mga ito sa pamilya nila kaysa sa kanya.
"Hayaan mo na nga sila."
"Girls... girls! Mag-ready na kayo," wikang paalala ng PA sa kanila.
Nasa dressing room sila noon.
"Kayo na ang susunod after the commercial."
"Pagbutihan mo. Dapat kang manalo. Para naman hindi ka na lait-laitin ng dalawang ate mo, 'no?"
Ngunit hindi nagdilang anghel si Monet. Napasama lang siya sa special award. Hindi niya iniuwi ang title. Gano'n pa man, iniuwi niya ang bagong experience.
Sa puntong iyon ay napasinghot na si Markie. Bahagya niyang sinulyapan sa kabilang kama ang dalawang kapatid. Tulog na tulog na ang mga ito. Mukhang nananaginip pa nga yata dahil mga naka-smile.
Hindi na naman siya makatulog. Kaya naglakbay minsan pa ang diwa niya sa mga eksenang naganap noon. Na hindi niya malimutan. Dahil nagdulot sa kanya ng sama ng loob. Isa na roon ang hindi pagsuporta ng kaniyang pamilya sa tanging contest na sinalihan niya. Nang sapilitan pa. Ang pagsali sa Search for Miss Calendar Girl ay kagustuhan ni Monet sampu ng kanyang mga kaklase sa kanilang department.
Mabilis niyang pinahid ang luha. Ang tangi niyang nagagawa sa tuwing bumabalik sa isip niya ang malulungkot na tagpo sa sa buhay niya.
Sinikap makatulog ni Markie bago pa siya abutin ng umaga.