Kyle:
You still in for later?
You:
I don’t remember agreeing about any plans for later
Kyle:
Oh come f*****g on
Some friend you are huh
Sinabi ba ng boytoy mong huwag nang makihalubilo samin?
You’ve always been a b***h but I never thought you’ll be easily manipulated like this—like a dog
Pathetic
I held back a livid profanity after reading his messages. Mabigat agad ang paghinga ko’t halos panlisikan na ng mata ang screen ng phone. This bastard have no idea what he’s saying.
Mahigpit ang hawak ko sa phone at ang mga salitang gusto kong isigaw ay mabilis nang umaandar sa isip. Nang aktong ititipa ko na sana ang reply ay muli akong nakatanggap ng message galing sa parehong tao.
Kyle:
I’m sorry—that was Tamara
She’s just upset because you don’t hang out with us anymore
I drew out an exasperated sigh, trying to calm myself. Ilang beses kong sinubukang magtipa ng reply at lahat ng iyon ay natutuluyan lamang sa pagbura. May parte sa aking ayaw pumayag na tanggapin na lang ang mga salitang ‘yon at gantihan ang nagsabi. Ngunit may parte rin sa aking nagsasabing hindi na ako ganoon.
I don’t know how it happened but I’m no longer interested on things they’re into. It was fun then—drinking in school grounds during class hours, cutting classes, cheating on exams and all that—but it’s different now.
Kalmado na ako ng sa wakas ay nagawa kong magtipa ng reply.
You:
I’m sorry you guys
Some friends you just outgrow from
And tell Tamara to try to not be a b***h about it
Walang Raf ang naghihintay sa akin sa labas ng classroom nang mag-uwian. Even at lunch. Alam ko nang hindi na siya narito sa school pero panay pa rin ang paglinga ko sa tuwing naglalakad. The anticipation and hope that I might see him is still inside me. Kung minsan naiinis na ako sa sarili dahil sa patuloy na pag-asa at paghanap sa wala.
“Lewis!”
Malaki agad ang ngiti ko pagkalingon sa tumawag. I was expecting Raf with that huge smile on his face while waving at me. Ngunit masalimuot ang katotohanan.
“What?” Wala nang ni katiting na bahid ng ngiti sa mukha ko nang hinarap ko ang kaklaseng tumawag. Agad naman itong napangiwi sa nakitang pagbabago ng ekspresyon ko.
“Uh, itatanong ko lang sana kung hindi ka pa babalik ng room… malapit na kasing mag-bell…”
My lips twitched at his statement. Dang, I lost track of time, dahil sa paglingon-lingon. “Pabalik na 'ko!”
I was like that for almost a month, hanggang sa tuluyan ko nang natanggap na wala na talaga si Raf sa school. My dumbass took this long to finally accept that truth.
Walang palya siyang umuuwi rito tuwing weekends kaya 'pag ganoon lang kami nagkikita. I met his mom and her mom’s partner a few times and every time I see them, I can’t help but make a silent promise to myself: that I’ll never gonna marry someone, unless I’m sure as hell that he’s the one I can spend my remaining lifetime with. Ayaw kong matulad sa parents niya—is what I’ll never tell him.
But there was this one time that I insist to go to Manila for a visit during a weekday, and wait for him outside his school after my classes are done—because I badly wanted to see him. Kaya’t lumuwas agad ako patungo sa univ niya matapos ang mga klase ko. It was just an hour away from home—hindi ganoon kalayo kung iisiping makikita ko naman siya.
He still have a three hour class the time I got there. Ngunit hindi ko lubos akalaing tatlong oras nga akong maghihintay! Though I know I'm the one who insist to wait, nabibigo at naiinis pa rin ako sa dami ng naiisip. His university is bigger than our high school back home and the chance to meet someone else is the same as huge. Paano kung may makilala siyang iba bigla? Paano kung may mapalapit sa kaniya? I am an hour away and I wouldn’t be able to do anything if that happens!
And just about that time I was thinking of devastatingly frustrating things when I saw him got out of the gate—with a girl beside him. They were casually talking and exchanging laughs while making their way outside. Ni hindi ako nakita ni Raf na naroon nakaupo sa nilampasan nilang bench!
Boy was I furious. The agony of betrayal are seething within me, bleeding to confront them and clarify things out.
“Rafiele!” sigaw ko sa likuran ng dalawa.
Agad namang napahinto at lumingon si Raf sa akin, ang gulat ay agad rumehistro sa mukha matapos makita ang ekspresyon ko.
Sunod na lumingon sa akin ang babaeng kasama niya at mabilis akong pinasadahan ng tingin.
“Anong ginagawa ng high schooler dito?” The smug look on her face irate me more. The way she looked at me tells me that she's proud of something just because she happen to be years older than me or whatever.
“Lew, you’re still here?” Lumapit sa akin si Raf nang hindi nag-aalis ng tingin. Worry washed over the look of surprise on his expression as his eyes checked the whole of me, as if he’s looking for something wrong. “How long have you been here alone? You stopped replying, kaya akala ko umuwi ka na. Has anyone tried to talk to you?”
Imbes na sagutin ang mga tanong niya’y malamig kong sinulyapan ang babae, hindi kalayuan sa likod niya. “Who is this wench?”
Ang pag-apila at panlalaban ay rumehistro kaagad sa mukha nito at ang pagsugod ay nakinita ko na kung hindi lang nagsalita si Raf.
“Your language please. She's a block mate.”
Tumaas ang kilay ko at sarkastikong tinapunan ng tingin ang babae. Block mate? Not even his friend huh? Eh bakit ganiyan kung makatingin sa akin? She looked threatened, almost territorial like I’m snatching something that’s hers. How funny. Ano bang kaniya rito?
“Sino 'yan, Raf? One of your fan girls or perhaps a stalker?” Ginantihan ako ng sarkastikong tingin ng babae habang nakangisi.
What an outright b***h. Kung wala lang dito si Raf baka nahila ko na ang pekeng pagkakaunat ng buhok nito.
Raf sighed. “Lew, this is Cloy. Cloy, this is Lewis, my girlfriend.”
Now it's my time to throw a smug look at the surprised expression on the wench's face.
Nang makabawi ay sarkastiko itong ngumisi sa akin. Tila imbes na sumuko ay mas lalo lamang naaliw sa nalaman. “Your girlfriend is a high schooler? Didn't expect you to be the bad boy type, Raf. Playing with a young a girl's heart…”
Nandilat ang mga mata ko sa bagong iritasyong namuo dahil sa sinabi ng babae. Si Raf naman ay binalewala lang iyon at hinawakan ako sa braso, as if a gesture to restrain me. Yes! Restrain! Ni hindi ako gumagalaw dito ah?! If anything needs to be restrained, that would be this b***h’s foul mouth!
With a ragged breathing, I cursed myself to stay calm. But when the wench speak again, I’m not sure what calm is anymore.
“Maybe we can go home together by tomorrow, iyong wala nang sagabal.” A flirty giggle. “Bye, Rafie! I’ll text you when I got home.” Then bid goodbye with a tap on Raf’s shoulder. Ang panliliit at awa ay nasa mga mata nang sumulyap sa akin bago tuluyang umalis.
“You f*****g—”
Humigpit ng bahagya ang hawak ni Raf sa braso ko.
My feet are bleeding to go after the b***h and teach her a lesson she would never forget. My hands are itching with rage I wanted so bad to pluck the remains of her eyebrows—no, not just that but every hair visible on her skin and that wouldn’t still be enough.
Ah. I never know until this moment that I was capable of violence up to the extent of losing myself.
“Lew.” Raf tugged at my arm and suddenly I was drawn out of my reverie—more on my dangerous thoughts.
“What?!” I spat. Marahas kong binawi ang braso sa hawak niya at nauna nang maglakad, leaving him behind.
“Galit ka ba?”
“Hindi!” sarkastiko kong singhal. “Pumapalakpak nga ‘yung tenga ko sa tuwa o!”
“Lew.” Muli niyang sinapo ang braso ko at marahan akong hinigit paharap sa kaniya, seryoso ang banayad na mga mata. “Talk to me. Why are you so upset? Natagalan ka ba sa paghihintay? Ang sabi ko naman sa ‘yo ‘wag mo na akong hintayin…” Malamyos ang boses niya maging ang mga mata nang sinabi iyon.
“’Wag kitang hintayin? Para ano? Para makasabay mo ‘yung impaktang ‘yon? Rafiele, diretsuhin mo ng ako. Are you just playing with me?” dire-diretso at walang emosyon kong sambit kahit halos mawasak ang puso ko pagkasabi nito.
“Anong sinasabi mo? Of course not!” namamangha ngunit kalmado pa rin niyang depensa.
“Then why didn't you say anything to that wench to defend me?!”
Napapikit siya nang mariin, nag-iigting ang panga at mukhang kinokontrol ang sarili. Matapos magbuga ng isang mabigat na buntonghininga ay hinila niya ang braso ko nang walang sinasabi.
“Raf! Tinatanong kita, bakit wala ka man lang sinabi? Kasi totoo, gano'n? Now that you’re back with your old life, you’ll just have to think of a way to get rid of me? Bakit hindi mo na lang sabihin agad sa ‘kin nang diretso para hindi na tayo nagsasayang pa ng panahon sa wala?!”
Nagpatuloy lamang siya sa paghila sa akin at ni hindi ako sinusulyapan. Ang hawak niya sa braso ko ay bahagyang humihigpit.
Is he mad? Wow, at siya pa ang may ganang magalit? I waited for him for almost three long hours para lang makita siyang may kasamang babae tapos…
“Hey! Where do you think you're dragging me to?! Sumagot ka sa tanong ko, Rafiele, o maghihiwalay tayo! Hindi ako nagbibiro!”
Natigilan siya sa sinabi ko. Or maybe not. Dahil naroon na kami sa isang waiting shed nang tumigil siya sa paglakad.
“May dala ka bang payong?” Kumunot ang noo ko sa paunang tanong niya't pagbalewala sa mga sinasabi ko. Kung tubig lamang sa isang drum ang iritasyon ko'y umaapaw na ito ngayon. Punong-puno at hindi magkandamayaw sa pagtapon ang sobra-sobrang tubig, na patuloy pa rin sa pagragasa.
“So wala kang pakialam kung maghihiwalay tayo? You're more concerned about a frigging umbrella right now?!” I let out an infuriated laugh. “You gotta be f*****g kidding me!” Halos manginig ang boses ko sa tila sinilabang galit at pagkabigo.
“Lewis, calm down. And please stop swearing,” halos pakiusap niyang sabi, seryoso. “Makulimlim at malayo pa ang bahay n’yo rito.”
Seriously? Hindi ba niya narinig ang mga sinabi ko? At talagang wala nga siyang pakialam ganoon ba? Hindi sa nanunumbat ako dahil alam kong siya ang palaging naghihintay sa akin. At nasanay ako roon. But I f*****g waited that long, alright! And my overthinking got the best of me. Ang dami kong senaryong naisip sa loob ng tatlong oras na 'yon!
And of course I know that's only my worries and imaginations doing but damn it! Can't he just at least tell me and assure me that all of that isn't true? That it's not gonna happen for us? Pero ano ang ginagawa niya? Did he think it's best if he'll just avoid my thoughts and questions? Bakit? Dahil tingin niya immature ang mga iyon? Ah, right! He's just playing with a high schooler like me!
“To hell with that. Uuwi na lang ako kung ayaw mo ako rito. At 'wag kang mag-alala dahil hindi na rin ito mauulit. I won't wait for you anymore!” Natuluyan sa panginginig ang boses ko dahil sa bukol na bumara sa lalamunan.
Tinalikuran ko ang nasurpresang mukha ni Rafiele at walang habas na iniwan siya roon. Mabilis ang hakbang ko paalis at hindi ko alam saan ako papunta. Siguro uuwi o siguro magliliwaliw kung saan o bahala na!
“Lewis!”
Dire-diretso ako ng lakad sa gilid ng kalsada sa sama ng loob, ni hindi ko halos mapagtuunan ng pansin ang nilalakaran at mga taong nakasasalubong.
“LEWIS!”
Napatalon at marahas akong napasinghap, dahil sa magkasabay na sigaw ni Rafiele at nakabibinging busina ng isang sasakyan. Ang sama ng loob ko'y agarang napalitan ng kaba at takot, nang matantong muntik na akong nahagip nito kung hindi lang ako nahila ni Raf.
“I know you're upset but please look at your damn surrounding, Lew!” Mabigat ang paghinga at halos nagpupuyos siya sa galit, ngunit pinilit pa rin niyang sabihin iyon sa akin nang mahinahon.
Sa gulat ay naestatwa ako at hindi nakapagsalita.
“And don't you ever spout nonsense like breaking up with me! Dahil lang sa mga sinabi ng isang kaklaseng wala namang basehan!” He's furious and I can sense that he wanted so much to shout at me, but he kept his anger in check and only half shouted this.
“And if I haven’t said it enough, Lew, gustong-gusto kita na halos mabaliw ako araw-araw sa kaiisip—kung mag-skip na lang kaya ako ng klase para masabayan ka sa pag-uwi? O magpunta kaya ako sa school mo tuwing lunch para makasabay ka lang kumain? I am this close to transfer at some university in your hometown and leave my father here alone, so that I could spend more time with you!
“Hindi mo alam kung anong mga kabulastugang naiisip ko araw-araw para lang makahanap ng rason na makita ka, para lang makasama ka sa maikling oras… tapos heto ka, binibigyang halaga ang mga salita ng isang hamak na kaklase…”
Literal akong natulala at natigilan sa haba ng sinabi niya at sa kung paano niya itong sinabi, na para bang ang tagal na niya itong kinikimkim.
Tumitig siya sa gulat kong mukha, sinusubukang basahin ang iba pang maaaring emosyong naroon. Ilang sandali ng katahimikan ang lumipas bago siya nagbuga ng hangin at napailing sa sarili. While I’m gaping at him, pretty sure my cheeks are burning. Hanggang sa…
“s**t!” Raf cussed. Muntik pa akong nagulat roon kung hindi lang umagaw eksena ang biglaang pagbuhos nang malakas na ulan.
Tumakbo kami pabalik sa waiting shed ngunit huli na ang lahat. Basa na kaming pareho dahil sa lakas ng ulan.
“I think it's relevant to ask now… may dala ka bang payong?” muling tanong niya, ang ngisi ay sumisilay na sa labi.
Nagtagal ang tingin ko sa kaniya. Ang butil ng namumuong tubig ay pumapatak sa ilang hibla ng buhok niya. Ang iba'y naroon pa sa mukha niya. His white shirt is already soaked too. At Ramdam kong maging ang suot kong uniform ay ganoon din ang sinapit.
“To hell with that,” muli ko ring sagot, walang ekspresyon ang mukha.
Ang umuusbong na ngisi niya'y agarang umurong at napalitan ng pagsimangot.
I tilted my head and grinned at him. “Who needs a shed when they're already soaked?!” sigaw ko nang mas lumakas ang ulan.
Namilog ang mga mata ni Raf at ang pagtataka ay agad kong nabasa ro’n. I yanked him out of the shed and as we run in the pouring rain, I felt myself smiling with the silliest thing as the load I carry from my chest fell off.
Para kaming mga batang tawa nang tawa pagkarating sa bahay nila, parehong basang-basa. It was nearby so we agreed to stop by at least until the rain stopped or calmed down.
“Is anyone home? Hello?”
“Dad's still at work.”
“Okay…” So that means we're alone here?
“Take off your clothes,” balewala niyang sabi bigla pagkaturo sa suot ko.
“Huh?” I blinked in confusion. Is Rafiele asking me to… oh s**t. s**t! Right now? As in right now?!
My chest boomed with an unknown emotion.
Bumaling siya sa akin. Nang bahagya akong napaatras ay natigilan siya sandali sa pagtataka. “Bakit?”
Holy s**t. Ganito rin ba siya sa mga naging girlfriend niya? Na ganito na lang niya ako ka-casual na ayain? Is this really how it works? What the!
But… Well… On the other hand though, I think it's normal since we're dating and all… Isa pa… I'm… Fine with it… I think… If it's with him.
“Lew, take off… your… uni—oh sh…” Natigilan siya ulit nang mukhang may napagtanto. He looked at me defensively and I can see him turning red in panic. “T-That's not what I meant!”
My brow shot up. “It's not?” Nagulat pa ako sa pagkabigo imbes na pagkalito na narinig sa sariling boses.
“Hubarin mong uniform mo para malabhan ko! You can’t… you can’t go home all soaked like that,” pag-iiwas niya ng tingin bago ako tinalikuran.
I smiled at myself while watching him almost fumble on his way upstairs.
Rafiele you cute little fiend.
Ilang sandali akong naiwan doon hanggang sa muli siyang bumalik.
“Lewis!” Napatalon ako at natigilan sa ginagawa dahil sa pagalit niyang sigaw.
“What?” tanong ko sa pagtataka.
“What are you doing?! Bakit diyan ka naghuhubad?!” halos pahisterya niyang sigaw. “Use the goddamn bathroom for Christ’s sake!”
Hindi siya makatingin sa akin nang lumapit siya at binalot ako ng dalang malaking towel. Marahan niya akong pinagtulakan sa CR nila at agad sinaraduhan ng pinto roon matapos.
“You told me to strip, Rafiele!” natatawa kong uyam sa kaniya. “Nilamig ako sa tagal mong bumalik!”
“I didn't mean for you do it in the goddamn living room!” Mabibigat ang narinig kong buntonghininga bago siya muling nagsalita. “Iwan mo ang uniform mo sa labas, ikukuha kita ng damit. Don't wander around without new clothes, alright?!” sigaw niya, ang paghihirap ay dama ko sa tinig.
I chuckled after taking a look at my unbuttoned blouse. Parang ito lang kung maka-react naman siya akalang talagang hubo't hubad na ako.
“I'll leave my clothes here for you—” Bago pa man siya matapos sa sasabihin ay agad ko nang binuksan ang pinto ng CR at dinungaw siya.
“Lewis!” problemadong angil niya habang nag-iiwas ng tingin sa akin.
“Here's my uniform.” Inabot ko sa kaniya ang blouse, blazer at skirt ko. Tinanggap naman niya ito nang hindi sumusulyap sa akin.
Paalis na sana siya nang hinigit ko ang braso niya pabalik. Napatalon siya sa gulat at malalaki ang mga matang napabaling bigla ng tingin.
“B-Bakit?”
Mula sa pagdungaw sa bahagyang nakabukas na pinto ay ngumisi ako sa kaniya. I saw how his Adams apple moved when he swallowed hard as if trying to calm himself down.
“You haven't given me your spare of clothes yet.”
“Ah.” He blushed and idled for some time before handing me his clothes. Hindi na naman siya makatingin sa akin ng muling nagsalita. “I'll w-wash this…”
I crinkled my nose as I gave him a sweet smile. “Thank you.”
I donned his black shirt and running shorts. Matangkad siya kaysa sa ‘kin kaya halos umabot sa tuhod ko ang shirt niya. The sleeves almost reached my elbows too.
Lumabas ako ng CR at bumalik sa sala nila. He's not there so I kept myself busy by looking at the picture frames hanging by the wall. There was pictures of Rafiele with different ages and places on it. May ilang recent pictures din doon kasama ang tingin ko'y ate niya, given their resemblance. He was smiling from ear to ear while holding a new born baby in his arms. Nagtagal ang tingin ko roon. I can feel myself smiling as I imagine Rafiele holding his own. He's a good person and I'm sure that he'll also be a good father. Ngunit nang matanto ko kung ano ang naiisip ay agad nag-init ang mukha ko.
Did I just assume a future with him and our child?
“Look at that precious little pumpkin. She's really cute, isn't she?”
Pagkalingon ko sa bandang likuran ay naroon na si Rafiele. Malaki ang ngiti habang nakatingin sa picture na tinitignan ko kanina lang, the one with her sister and him holding his niece. Muli ko itong binalingan ng tingin at bahagyang napanguso.
“You like babies?” Susulyap sana muli ako sa kaniya, ngunit natigilan ako nang maramdaman ko ang pagdapo ng palad niya sa tuktok ng ulo ko.
“Who doesn't?” Sabay yukod niya at dungaw sa mukha ko, the same smile never leaving his face.
Kinagat ko ang labi at tumingin pabalik sa kaniya. “What do you want yours to be? A boy or… a girl?”
“Hmn…” He pressed his lips together and narrowed his eyes a bit, as if thinking. Nang mukhang may naisip nang sagot ay nagbalik siya ng tingin sa akin. “Gusto ko babae.”
“Why?” Bahagyang kumunot ang noo ko sa pagtutol.
I want a boy! I mean, ang hirap maging babae—having monthly period and bearing a child. Not to mention the moodiness!—at ayaw kong makitang nahihirapan ang anak ko.
Gamit ang palad niyang nanatili sa ulo ko'y tinapik niya iyon nang marahan. At sa namumungay na mga mata ay tumitig siya sa akin at banayad akong nginitian sabay sinabing, “I want a girl because I want her to resemble you.”