Alas-Diyes ng gabi, nag-record ng sound sa EVP si Jules, nag-try makukuha ng frequency sa Spirit Box, all the while na naka-record ang mga cameras for later review. Pinauwi na ni Hepe si P02 Paterno since tingin niya'y hindi naman na niya kailangan ito. At dahil sa matatakutin ang pulis, baka kung ano pang aksidente ang magawa nito, aniya. Malakas ang palo ng K2 meter na hawak ni Jules. Ito ang gadget na sumusukat sa level ng EMF, o Electro Magnetic Field na magsasabi kung may otherworldly na presence. Tawag din dito ay Ghost Meter, ang pang-detect ng mga multo. Nasa loob sila ng ikalawang guest room, ang Dead Room, kung saan ayon sa salaysay, dito ang mga pasyente ni Dr. Nakadai ay hinayaang mamatay matapos pag-experimentuhan. Ang kuwarto ay bare maliban sa kamang pang-ospital. Malamig

