bc

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House

book_age16+
465
FOLLOW
1.3K
READ
brave
scary
small town
supernatural
asexual
priest
like
intro-logo
Blurb

Kabilang sa mga notorious na haunted house sa Pilipinas ay ang Laperal House sa Baguio, Bahay na Pula sa San Ildefonso, Bulacan, at Herrera Mansion o Bahay na Bato sa Tiaong, Quezon Province. Noong panahon ng ikalawang digmaan, ang mga bahay na ito ay saksi sa mga karumal-dumal na mga kaganapan: Mga babaeng ginahasa ng mga Hapon, mga taong pinugutan ng ulo, mga sundalong pinatay dito.

Sa tatlo, ang Herrera Mansion ang pinakamalapit na inspirasyon para sa nobelang ito. Dito umano'y may makikitang dalawang multong mag-asawa na naglalakad sa hardin 'pag gabi, mga sundalong walang ulo, at tunog ng kinakaladkad na kadena sa loob.

Nguni't, ang nobelang ito'y hindi lamang tungkol sa isang haunted house at ang malagim nitong mga sikreto. Ito'y tungkol din sa batang si Berta na anak ng isang simpleng magsasaka na sinapian ng isang malakas na dimonyo at sa grupo ng paranormal experts na siyang magpe-perform ng kanyang exorcism, sina Father Markus na exorcist, Hannah na psychic at si Jules na parapsychologist. Para matalo ang kampon ng kasamaan, kinakailangan ng grupo ng tulong mula sa ancient religious artifacts.

THE EXORCIST MEETS INSIDIOUS MEETS THE DA VINCI CODE.

chap-preview
Free preview
Prologue
Agosto Biente-singko nang bumulaga ang malakas na bagyo sa maliit na bayan ng Daigdigan sa probinsiya ng Quezon. Sumisipol ang hangin at nagsisipagyukuan ang mga puno sa palo nito. Matataba ang patak ng ulan na tila may masamang galit sa lupa. Bumuhos ito dakong alas-onse ng gabi, kung kaya't ganoon na lang ang gulat ng mga mamamayan, na karamihan sa kanila'y ang hanapbuhay ay pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop. Nagising mula sa masarap na paghimbing sa dagundong sa yerong bubong at wasiwas sa nipa, nagkandarapa sila sa pagsagip sa mga naiwang sinampay at isara ang mga bintana. Isa sa mga magsasaka si Kanor na ang bahay ay nakatirik sa dako na halos paanan na ng bundok. Malayo ito sa ibang bahay o sa main road. At siya ay nagising hindi sa ulan kundi sa sigaw ng asawang si Ester na ika-siyam na buwan na ng pagdadalantao. Hawak nito ang tiyan at namimilipit. Makikita ni Kanor na ang kama ay basa ng tubig. "Lalabas na, Kanor! Lalabas na!" sigaw ni Ester. Agad na napatalon ng kama si Kanor. "Susunduin ko ang manghihilot." "Dalhin mo na ko sa kanya," hiling ni Ester. "Hindi ko na kaya!" Sa kabilang kuwarto, masarap ang tulog ng sampung taon nilang panganay na lalaki na si Wendell. Ang preskong hangin mula sa bintana ay parang oyayi, nguni't natabunan ito ng malakas na sigaw ng kanyang ama at ang pagbukas ng pintuan. "Bangon, Wendell! Manganganak na nanay mo! Ihanda mo ang kalabaw!" Mabilis na bumangon si Wendell at nagbihis. Sa kanilang bakuran, nagputik na ang lupa at patuloy pa rin ang buhos ng ulan. Bahagyang hihina at lalakas muli na tila nangungutya. Nakatali ang kalabaw sa kanyang silungan na siyang kinalagan ni Wendell. Kanya itong hinatak palabas pagkatapos ay ikinabit ang karitong kahoy na may dalawang gulong na gamit nila sa pagkakarga ng mga prutas tungo sa bayan. Nang maihanda ang masasakyan ay tinawag ni Wendell ang ama at lumabas ito ng bahay na karga-karga si Ester. Si Wendell naman ay dala ang portable lamp at payong. Isinampa ni Kanor ang namimilipit na asawa sa kariton sabay pinalo ang kalabaw para umusad. Sa likuran, pinapayungan ni Wendell ang ina at hawak ang kamay nito. "Bilisan mo, parang awa ng Diyos!" sigaw ni Kanor sa kalabaw. Madilim ang daanan at naiilawan lang ng dala nilang portable lamp. Tilamsik ng putik mula sa kahoy na gulong ng kariton na hatak ng hirap na kalabaw. Patuloy ang pagdurusa ni Ester at hindi nakakatulong ang madalas na lubak. Basa na sila sa ulan. Makaraan ang ilang kilometro ay huminto sila. Sa ka-dangkal na putik ay hindi maka-ahon ang kariton, maging ang kalabaw ay tila pasuko na. "Tay!," sigaw ni Wendell. "Hindi kaya!" Lumingon si Kanor sa paligid. Naghahanap ng masisilungan. At kanya itong natanaw, na tila tinatawag siya. Ang lumang bahay na bato. Sa kuro-kuro'y may malagim itong kasaysayan. At ang sabi'y dito'y may nagmumulto. Itinayo noong panahon bago pumutok ang ikalawang digmaan, at ngayo'y wala ng nakatira, ilang taon ng walang tumuntong sa loob nito sa takot na sila'y kapitan ng sumpa. Maging ang mga pari'y natatakot bendisyunan ito. Ang bahay ay may dalawang palapag. Ang unang floor ay gawa sa bato ang mga pader, samantalang ang sa itaas ay gawa sa kahoy. Sabi ng ilan, may mga tagong kuwarto daw dito na hindi pa nadidiskubre, at iba pang mga kuwentong kababalaghan. At ngayon, heto si Kanor na may malaking desisyon. Pakiramdam niya'y tila nakatingin ang bahay sa kaniyang pamilya, naghihintay, nagaalok ng silong sa rumaragasang bagyo. "Doon!" turo ni Kanor sa bahay na bato. Napatingin si Wendell sa ama. "Tay?" may pagtutol sa boses ng anak. "Wala ng ibang paraan, anak. Ipapasok ko na'ng ina mo sa loob. Malapit na'ng bahay ng manghihilot, takbuhin mo't dalhin siya dito." "Pero, 'tay," mariing pagtutol pa ni Wendell. Nguni't nakarga na ni Kanor si Ester at nagsimula nang tumungo sa bahay na bato. "Takbo na, anak! Bilisan mo!" lingon ni Kanor. Pinipigilan ni Wendell ang sarili sa pasyang ito, pero, wala na siyang magagawa kundi takbuhin ang natitirang layo tungo sa manghihilot, sa maputik na daan, sa bumubuhos na ulan. Karga ni Kanor ang asawa habang tangan pa ang portable lamp at kanyang sinipa pabukas ang pintuan ng bahay. Kasabay nilang pumasok ang hangin at ulan. Inilapag ni Kanor si Ester sa sahig. Itinaas niya ang portable lamp at nang mailawan ang loob ng bahay ay natunghayan niya ang hitsura. Napapalibutan ng agiw ang paligid at makapal ang alikabok sa dingding at kisame. May mga nabubulok na lumang kasangkapan, aparador na bakbak na ang pintura at mga upuang kahoy na nangongolekta na ng dumi. May kakaibang pakiramdam na nararanasan si Kanor at nang kanyang tignan ang braso'y nagtayuan na'ng mga balahibo niya, at ito'y bagama't basa pa siya sa ulan. May pagbibigat sa kanyang puso at ang pintig nito'y tila bumilis. Pansamantala siyang nabingi sa ingay ng ulan na sinundan ng kakaibang katahimikan. Tila kinakausap siya ng bahay. Isang mahinang boses na may ibinubulong sa kanya. "Kanor!" Natauhan si Kanor sa malakas na boses ng asawa. Pagkatapos ay tinignan niyang loob ng bahay, may hinahanap. At kanyang nakita ang pintuan ng kuwarto at binuksan ito. May kama doon bagama't hindi na husto ang kutson. Binalikan niya ang asawa, binuhat, dinala sa kuwarto at inihiga. Medyo tuliro si Ester. Mabilis ang kanyang paghinga, panay ang ihip-buga ng hangin. Tagaktak ang pawis. "Nasaan na ang manghihilot?!" Tinabihan siya ni Kanor at hinawakan sa kamay. "Parating na. Konting tiis pa." Mahigpit ang hawak sa kanya ng asawa, dama niya ang kuko nito sa kanyang balat. Habang hinihingal ay magagawang tignan ni Ester ang paligid. May bigla siyang kaba na naramdaman. "Nasaan tayo?" Hindi agad nakasagot si Kanor. "Nasaan tayo, Kanor?!" mas malakas na tanong ni Ester, may pangamba sa tinig. "Hindi na makausad ang kalabaw kaya pinasok muna kita dito." Magtatanong pa sana si Ester pero nakaramdam ng kirot at dumaing sa sakit. "Nasaan na ang manghihilot?" "Kinakaon na ni Wendell." Humupa na nang bahagya ang ulan, nguni't may kalakasan pa din ang ihip ng hangin. Hawak ni Wendell ang payong sa isang kamay at gasera sa kabila, habang nagmamadaling tinatahak ang daan pabalik. Kasama niya ang manghihilot na may edad na at may hawak ding payong. "Malayo pa ba?" "Malapit na po." "Saang bahay ba kamo?" Nang matanaw nila ang naiwang kalabaw at kariton na lubog sa putik ay lumakad sila dito at tumapat sa bungad ng bakod ng bahay na bato. "Doon," turo ni Wendell. Nanlaki ang mga mata ng manghihilot at napa-kurus. "Diyos ko," napalunok siya ng malapot niyang laway. "Halika na po," lumakad patungo ng bahay na bato si Wendell. Paglingon niya sa manghihilot ay hindi pa ito gumagalaw, ni isang hakbang. Tila nanigas sa takot sa kinatatayuan. Umiiling ang manghihilot. Wala siyang balak pumasok sa bahay. "Ka Hule!," sigaw ni Wendell. "Halika na po!" Hindi tumitinag ang manghihilot, bagkus, tila napapaatras pa ito. Mabilis na nilapitan ni Wendell ang manghihilot, hinawakan sa braso at hinatak patungo sa bahay na bato. Dinig ni Kanor ang pagbukas ng pinto kaya mabilis siyang lumabas ng kuwarto. Nakahinga siya nang maluwag nang makita na kasama ni Wendell ang manghihilot. "Dito, nandito si Ester sa kuwarto!" Nguni't hindi siya agad narinig ng manghihilot pagka't nakatitig ito sa loob ng bahay. Hindi akalain ni Ka Hule na naroon siya ngayon, sa loob ng bahay na kinatatakutan ng buong bayan. At tulad ni Kanor, nanahimik bigla sa kanyang pandinig ang ingay ng ulan at siya'y nabingi sa katahimikan. Maririnig niya ang boses na lumulutang sa hangin, boses na walang katawan at tila bumubulong sa kanya. "Ka Hule!" Natauhan ang manghihilot at nagulat na kaharap niya si Kanor, "Naroon sa kuwarto si Ester!" "Tubig," nauutal na sabi ng manghihilot, "tubig sa batya." Tumango sina Kanor at Wendell at tumalima habang papasok ng kuwarto si Ka Hule. Pagpasok niya sa kuwarto'y tumalon ang puso niya. May anino ng matangkad na lalaki sa paanan ng kama at pinagmamasdan nito si Ester. Nguni't, sa pagkurap ng mata ng manghihilot ay naglaho itong bigla. Namalik-mata lamang ba siya? Pagkakita niya kay Ester na namimilipit sa sakit ay agad niya itong nilapitan. "Narito na ko." "Si Kanor?" hindi makadilat nang husto si Ester. "Kumukuha sila ng tubig," sabi ni Ka Hule. "Ester, makinig ka sa boses ko, okay? Pagsinabi kong "push," iire ka ng buong lakas." Tumango si Ester. "Sino ang lalaking nasa likuran mo?" tanong niya. "Ha?" Lumingon ang manghihilot sa likuran at ang nakita lamang ay kadiliman. "Wala naman" aniya. "Parang may nakita ko," sabay na umaray muli si Ester. Hindi namamalayan ng manghihilot ay may nakatayo sa likuran niya. Ang hugis ng maitim na lalaki na pinapanood silang dalawa. Isang maitim na kamay ang dahan-dahang lumapit at lumapat sa balikat ni Ka Hule at siya'y napatalon sa gulat. "Narito na ang tubig," sabi ni Kanor kasabay ng pagtapik sa balikat ng manghihilot. Samantala, si Wendell ay may buhat na upuang kahoy na kanyang itinabi sa may kama at siyang pinatungan ng batyang may tubig. "Wendell, doon ka muna sa labas. Kami na bahala dito," utos ng ama. Tumango si Wendell at lumabas ng kuwarto habang pumuwesto ang manghihilot sa nakabukang mga binti ni Ester. "Okay, Ester. Push. Push!" Paglabas ni Wendell ng bahay na bato ay nakita niyang tumigil na ang ulan. Ang maiitim na ulap ay dumaan na at unti-unti nang nasisilayan ang tunay na hitsura ng gabi—mabituin at ang maliwanag na bilog na buwan. Basa ang mga dahon at nagsisipagtuluan dito ang naiwang ulan sa basang lupa. Winawagayway ng kalabaw ang kanyang ulo para patalsikin ang tubig mula sa sarili. Sa daan, kita ang maliliit na pool ng tubig na kumikislap sa ilaw ng buwan. Sa kalakhang lugar, nagsipagbalikan na ang mga tao sa kanilang higaan at nagsipagkumot. Pati ang mga sari-saring hayop ay nahihimbing na sa kanilang mga kublihan. Sa bahay na bato, maririnig ang iyak ng sanggol.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.2K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.6K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.1K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
26.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook