Ang Dalawang Anino ni SatanasUpdated at Nov 14, 2020, 10:15
Satan. Lucifer. Beelzebub. The Devil. The Beast. Prince of Darkness. King of Hell.
Ilan lang 'yan na mga pangalan na tawag natin sa dimonyo. Kung sa ibang bansa, siya ang diablo, djevel, duiwel, syaitan, udeveli, hudic, velnias, at marami pang pangalan na ang kahulugan lamang ay tumutukoy sa kasamaan--kampon ng kadiliman, pure evil, ang kalabang mortal ng Diyos. O sa pagkakataong ito, immortal. Pagka't ang mapanuksong dimonyo ay nasa lahat ng layaw ng mundo, handang akitin ang tao sa kasalanan.
Ano nga ba itong pasinasyon natin sa dimonyo?
Simula pa noong unang panahon, si Satanas ay laman na ng literatura. Hindi lamang sa bibliya, ang dimonyo ay lumabas na sa mga libro nina Dante Alighieri, John Milton, Wolfgang von Goethe, Mikhail Bulgakov, Mark Twain, Stephen King at marami pang iba. Ang pasinasyon sa dimonyo ay hindi lamang sa libro kundi pati na din sa art, musika at pelikula. In other words, napaka-irrestistible ng dimonyo...at hindi natin siya kayang i-ignore.
Ang dimonyo ang pangunahing paksa ng "Ang Dalawang Anino ni Satanas." Ito ay istorya ng possession at esensya ng kasamaan na siguradong hahamon sa inyong pag-iisip. At dahil sequel ito ng "Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House," nagbabalik ang mga pangunahing mga karakter na sina Father Markus, Jules at Hannah.