bc

Ang Dalawang Anino ni Satanas

book_age16+
369
FOLLOW
1K
READ
brave
scary
city
supernatural
asexual
priest
like
intro-logo
Blurb

Satan. Lucifer. Beelzebub. The Devil. The Beast. Prince of Darkness. King of Hell.

Ilan lang 'yan na mga pangalan na tawag natin sa dimonyo. Kung sa ibang bansa, siya ang diablo, djevel, duiwel, syaitan, udeveli, hudic, velnias, at marami pang pangalan na ang kahulugan lamang ay tumutukoy sa kasamaan--kampon ng kadiliman, pure evil, ang kalabang mortal ng Diyos. O sa pagkakataong ito, immortal. Pagka't ang mapanuksong dimonyo ay nasa lahat ng layaw ng mundo, handang akitin ang tao sa kasalanan.

Ano nga ba itong pasinasyon natin sa dimonyo?

Simula pa noong unang panahon, si Satanas ay laman na ng literatura. Hindi lamang sa bibliya, ang dimonyo ay lumabas na sa mga libro nina Dante Alighieri, John Milton, Wolfgang von Goethe, Mikhail Bulgakov, Mark Twain, Stephen King at marami pang iba. Ang pasinasyon sa dimonyo ay hindi lamang sa libro kundi pati na din sa art, musika at pelikula. In other words, napaka-irrestistible ng dimonyo...at hindi natin siya kayang i-ignore.

Ang dimonyo ang pangunahing paksa ng "Ang Dalawang Anino ni Satanas." Ito ay istorya ng possession at esensya ng kasamaan na siguradong hahamon sa inyong pag-iisip. At dahil sequel ito ng "Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House," nagbabalik ang mga pangunahing mga karakter na sina Father Markus, Jules at Hannah.

chap-preview
Free preview
Prologue
Parang Christmas lights ang ilaw ng mga sasakyan sa Makati. Nagniningning sa gabi ang puti, dilaw at pulang mga headlights na parang mga bituin sa lupa. Mula pa lang sa Paseo de Roxas ay parang prusisyon na ang mga sasakyan patungo sa EDSA, sumasalubong sa mga naglalabasan sa Buendia at sa tulay ng Guadalupe. Tunog ng mga busina nama'y parang mga turotot ng Bagong Taon. At bakit hindi? Tutal ay kabuwanan na naman ng pasko. Unang linggo ng Disyembre at dahilan na rin ng trapik ay ang mga maagang nagsisipag-shopping sa Greenbelt, Glorietta, Landmark at SM Makati. Sa Ayala Avenue, ang mga poste ng ilaw sa gitnang island ay napupuluputan ng tutoong mga Christmas lights, maganda't maliwanag. Isang magarang itim na kotse—mamahaling Chrysler 300 ay isa lamang sa libo-libong mga kotse na umaalis mula sa nagtataasang mga building ng Makati Central Business District na napapalamutian din ng mga Christmas lights. Ang Makati Stock Exchange ang prominente dito, isang virtual na lightshow na dinadayo pa ng mga tao. Daraanan ito ng itim na Chrysler tungo sa destinasyon nito na conveniently ay malapit lang—sa Forbes Park. Makalampas ang maliwanag na window display ng Rustan's ay diretso ito sa McKinley Road tungo sa gate ng village ng mga sobrang yayaman. Sa loob ng Forbes Park ay tahimik na, may sense ng kalayaan sa sinusumpaang traffic sa labas. Darating ang itim na Chrysler sa isang mansion—isang modernong American-style na two-storeys with attic. Malaki ang lupang kinatitirikan nito, malawak ang front lawn na bermuda grass, at tulad ng ibang bahay sa village ay hindi ito nababakuran. Pumasok ang Chrysler sa driveway at huminto sa front door. Bumaba mula sa kotse ang 50-something na lalaki na naka-Amerikana—isang mayamang don. Matangkad, maputi, matangos ang ilong at mukhang may lahi. Puti na ang buhok nito sa tagiliran, na lalo lang nagpa-regal sa kanya. Diretso siya sa kusina kung saan naroon na ang kanyang maybahay—ang Doña, na ka-edaran lang niya, halatang may lahi din, maganda at may postura. Kasama nito ang unipormadong maid na naghahanda ng kanilang kakainin. "Carlos, you're just in time for dinner," sabi ng asawa. Bumeso ang lalaki, "Let's eat. Gutom na ako." Nagtungo sila sa dining room. "Si Miguel?" tanong ng don Malungkot na umiling ang kanyang asawa at sila'y nagkatinginan. Alam na ng don ang ibig sabihin nito. Tungkol ito sa 16-year old nilang anak na si Miguel, na for the past months ay tila nagbago ng pag-uugali. Dati rati'y masayahin ito, magalang at mabait. Ngayo'y naging aloof at irritable. Gumaspang ang bibig at naging palamura. Ilang beses na nilang narinig itong nagsabi ng f**k you at kung anu-ano pang masasakit na pananalita habang sila'y nakatalikod. Hindi na rin ito sumasabay sa kanila sa pagkain o sa anumang lakad. Kung wala ito sa kanyang kuwarto'y buong araw na nasa labas kasama ang mga barkada niyang hindi sila boto. At napansin nila, hindi na rin ito nagsisimba. Matapos nilang kumain ay umakyat na sila ng second floor tungo sa Master's bedroom. Nadaanan nila ang kuwarto ni Miguel at napahinto. Gustong kumatok ng don at kumustahin ang anak, nguni't saglit lang ay nagbago ito ng isip. Last time na ginawa niya ito'y nauwi lamang sa sagutan, kung kaya't pumasok na lamang silang mag-asawa sa kanilang kuwarto. # Kalaliman ng gabi. Nagising ang doña sa malakas na tugtog ng stereo na galing sa kuwarto ni Miguel. Maya-maya'y nagising na din ang Don. Malakas ang patugtog ng heavy metal music, nakaririnding gitara at malakas na drums. Ang ibang mga kasamahan sa bahay ay nagising na rin sa ibaba. Bumangon ang mag-asawa. Binuksan ng doña ang ilaw ng kuwarto at hallway, kapuwa nakapantulog silang pajamas ng don. Napatakip sila ng tenga sa lakas ng tugtog na dumadagundong sa pader at kisame. "This is too much!" sabi ng don, at siya'y galit na nagtungo sa kuwarto ni Miguel. "Carlos..." may pag-aalalang sabi ng doña, na baka may magawang hindi maganda ang kanyang asawa. "Miguel!" sigaw ng don at siya'y tumayo sa labas ng kuwarto ni Miguel at kanyang binayo ng kamao ang pintuan. "Turn that goddamn music off!" Pero, patuloy lang ang malakas na heavy metal music. "Miguel!" ulit ng don at kanyang niyuyuga ang doorknob. "Open this door!" Nguni't hindi siya pinagbubuksan. Namumula na sa galit ang don. Bumalik siya ng Master's bedroom at mula sa drawer ay kinuha ang spare key ng kuwarto ni Miguel. Ginawan nila ito ng duplicate for emergency sa dahilang natatakot sila na baka mag-suicide ang anak. Hawak ang susi ay nagmamadaling bumalik ang don sa kuwarto ng kanyang anak. Ang doña ay sumusunod sa kanyang likuran. Nagmumurang pinasok ng Don ang susi sa doorknob at kanyang binuksan ang kuwarto. At nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Siya'y napanganga. "My God..." sabi ng don. At nang sumilip din ang doña, ay muntik na itong himatayin. At kapuwa sila napa-kurus at nanginig ang buong katawan. Si Miguel suot ang t-shirt at shorts...ay gumagapang sa pader ng kanyang kuwarto na parang gagamba. Mabilis ang galaw at hindi nahuhulog. At ito'y tumingin sa kanila ng mga matang nanlilisik at mula sa naglalaway nitong bibig ay lumabas ang ungol ng dimonyo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.6K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
26.9K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.1K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K
bc

The Succubus Queen

read
27.2K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook