Alas-sais ng gabi. Kasalukuyang nagaganap ang isang documentary film festival sa U.P. Film Institute. Karamihan sa dumalo ay either mga film students o mga horror movie fanatics, na naroon para panoorin ang isang documentary na may kinalaman sa demonic possession.
Padilim na ang kalangitan, at naglabasan na ang mga sasakyan sa kalsada. Nagmamadali ang ilang mga estudyante na galing pa sa kanilang klase para makahabol sa palabas. Okay na din ito, anila, dahil sa ibang parte ng lungsod ay siguradong traffic na, at makapagpalipas din sila ng oras. Dito mismo sa loob ng U.P campus ay dinig na ang busina ng nagmamadaling mga kotse't jeepney.
Pasalungat sa traffic ay padating sa U.P. theatre ang kulay itim na Pajero. Sakay nito ay sina Sonny Arteza at ang kanyang fiancee na si Karen, na kapuwa excited nang dumalo sa film fest. Si Sonny ay mayor ng Daigdigan, isang bayan sa Quezon Province.
"Doon tayo, Gerry," turo ni Mayor sa kanyang driver.
"Yes, sir," sagot ng manong na driver.
Pumarada sa tapat ng gusali ang Pajero at nagbabaan ang mga sakay. Suot ng 40-something na mayor ang patented niyang black leather jacket, na pinartneran niya ng jeans at leather shoes. Maputi siya't may hitsura, at malakas ang personality. May confidence sa pagiging public official—isang people person. Malaki ang agwat sa edad niya kay Karen na nasa kanyang late 20's lamang at siya ring personal secretary niya. Mahaba ang kanyang buhok, long-legged at may taglay na s*x appeal.
"Nice!" ngiti ni Mayor Arteza nang makita na maraming tao sa tapat ng U.P theatre.
Lalo pa siyang na-excite. Ang dahilan ay dahil isa sa mga featured films sa festival ay ang pelikula na kanyang dinirek—ang documentary na pinamagatang "Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House." Ito ang kauna-unahang movie ng mayor at base sa tutoong pangyayari na naganap mismo sa kanyang bayan halos mag-iisang taon na ang lumipas.
Ang true-to-life na istorya ay tungkol sa exorcism ng anim na taong batang babae na nagngangalang Berta na nangyari sa loob ng isang haunted house—ang Anlunan Residence, otherwise known as Ang Bahay na Bato, na pagmamay-ari din ng mayor at isang tourist attraction sa kanyang lalawigan. Slated na ipalabas ito ng 6:30 pm at ang magandang turnout ng mga attendess ay nangangahulugang narito sila para sa pelikula niya.
Hindi karaniwan na ma-invite sa ganitong event ang isang baguhang direktor, nguni't ang pelikula ni Mayor, although hindi magandang tinanggap ng mga critics ay may malaking cult following. Ayon sa ilang kritiko, ang documentary daw ay isang fake. Na gumamit daw ang direktor ng special effects, ng CGI, ng lightshow, para lang gawin ang ilang eksena doon. Mariing dineny ito ni Sonny nguni't hindi siya pinaniwalaan, at tinawag pa siya na isang talentless filmmaker na gusto lamang ng atensyon.
Pagdating nina Mayor at Karen sa entrance ng theatre ay naroon na't nakaabang si Jules, na isang parapsychologist. Nagulat sila sa hitsura nito.
"Jules!" bati nila.
"Sonny...Karen," balik ni Jules at nagkamayan sila at beso.
Sa paligid nagsisipagpasukan ang mga manonood.
May nagbago kay Jules nang huli nilang nakita. Bagama't suot nito'y tulad ng dati na rock shirt, corduroy pants at rubber shoes na Vans—yung red, at ang eyeglasses niya na blue ang frame, ang nagbago sa kanya ay ang kanyang hairstyle. Dati'y kulot at malagong semi-afro ito, ngayon ay semi-kalbo na—at siya'y may bigote at goatee. Kung mukhang nerd siya dati, ngayo'y may pagka-astig na.
"My God!" sabi ni Karen. "New look! Loveeett!"
Napangiti si Jules.
"So, how are you?" tanong ni Mayor sa kanya. Nasa mukha niya ang genuine na saya na makita ang kaibigang parapsychologist.
"Okay, naman, Sonny."
"Si Hannah?" mabilis na usisa ni Karen. "Ba't 'di mo kasama?"
Nagroll ng eyes si Jules, "Haynako, sorry daw, at hindi siya makakapunta. Believe it or not, may date siya."
Nagliwanag mukha ni Karen, naging close sila ni Hannah, na isang psychic.
"Really? Yes! Good for her!" tawa ni Karen.
Last year, nagkasama sina Mayor, Karen, Jules, Hannah at iba pa sa Anlunan Residence kung saan ang parapsychologist at psychic, kasama ang kaibigan nilang exorcist na si Father Markus ang nag-perform ng exorcism na siyang paksa ng documentary.
"Well, there's still a next time," intindi ni Mayor. "And maybe, makasama din si Father."
"Let's go na inside," sabi ni Karen, "baka mag-start na."
#
Halos mapuno ang movie theater ng U.P. Film Institute sa screening ng documentary ni Mayor Sonny Arteza. Bukas pa ang mga ilaw dahil may mga humahabol pang mga estudyante na galing pa ng klase nila. Pasado alas-sais ng gabi, at malamig sa loob dahilan ng aircon. I-nusher sa front row reserved seats sila ng isang estudyanteng organizer at sila ay naupo. Maya-maya'y umakyat ng stage ang nakasalamin na middle-aged na film professor na nakatali ang mahabang puting buhok.
"Good evening, everyone!" hudyat sa microphone ng professor, at ang mga estudyante na karamihan ay busy sa cellphone ay nagsipagtinginan. "Bago natin ipalabas ang featured documentary for tonight, I'd like to invite the filmmaker to say a few words."
Sumenyas ang professor kay Mayor. Nagpalakpakan ang mga manonood.
Tumayo si Mayor at umakyat ng stage.
"Hello!" excited na bati ni Mayor habang kinuha ang microphone sa professor. "Salamat sa pagpunta n'yo."
Sa kanilang upuan, masaya sina Karen at Jules para sa kanya.
"Maraming nagsasabi na fake ang movie ko," ani ni Mayor. "Pero, ipinangangako ng inyong lingkod, na ang mapapanood n'yo ay walang halong special effects. Lahat ito'y nangyari at na-witness ko. Demonic possession is real! The devil is real!"
Sinabi niya ang mga iyon na tila ba nananakot, at nag-elicit ito ng ilang ngiti sa audience.
"So, prepare yourselves for the shock of your lives!" hudyat ni Mayor.
Lumapit ang professor at kinuha ang microphone habang bumaba si Mayor at bumalik sa kanyang upuan.
"Thank you, direk Sonny Arteza for that shall I say, enticing introduction," sabi ng professor.
Lubos na ikinasiya ni Mayor na matawag siyang "direk" at binigyan niya ng snappy na saludo ang professor.
"Okay, shall we?" senyas ng professor sa control room sa likuran ng theatre.
Namatay ang mga ilaw at nagdilim sa loob. Masayang nagholding hands sina Mayor at Karen sa pagsisimula ng pelikula. Sa white screen, nagsimula ang documentary at makikita ang title:
Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House
A film by Sonny Arteza
Part ng documentary ay mga interviews na tinampukan din nina Jules, Hannah at Father Markus. Makikita ang interview ni Jules pero itinago na lamang siya sa pangalan na "Ed." Si Hannah ay si "Lorraine," at si Father Markus bilang "Father Damien." Ang kaibahan sa pari ay hindi kita ang mukha niya hindi tulad nina Jules at Hannah, at siya'y nasa dilim at isa lamang silhuoette. Iyon at ang boses niya'y may "muffled" effect na tulad ng ginagawa sa mga taong nasa witness protection program. Kung bakit itinago ang katauhan ng pari na exorcist, ayon sa narrator, ay para raw sa kanyang kaligtasan mula sa kampon ng kadiliman na sa kasalukuyan daw ay hina-hunting siya para mag-exact ng revenge.
Yes, medyo "campy" ang director's treatment, pero, ito din ang appeal nito kaya siya nagkaroon ng cult following. Incidentally, ang nag-voice-over ng narration ay si Karen mismo.
Ang iba pang "cast" ng documentary ay ang pamilya ng sinaniban, isang brother ng simbahan at mga pulis ng bayan ng Daigdigan. Sila lamang ang pumayag na gamitin ang kanilang mga tunay na pangalan, and with pride. Hindi rin napigilan ni Sonny na siya mismo ay mag-appear sa interviews at kanya pang nagawang maisingit ang mga accomplishments niya bilang mayor.
Karamihan sa mga college students, partikular ang mga lalaki ay agad na nagka-crush sa "cute" na short-haired na rakistang psychic, na later on tinagurian nilang "Psy-Chick"—si Hannah ay maganda at kakaiba ang appeal. May ilan din namang nagka-crush sa naka-salamin at semi-afro na lalaking parapsychologist, na ngayo'y semi-kalbo na—si Jules.
Pero, after ng mga interviews, ay sinave ni Sonny ang best scene sa kahuli-hulihan. At dito, hindi handa ang mga manonood sa kanilang nakita: sa madilim na kuwarto, ang possessed na 6-year old na bata ay nakalutang sa ere, at sa uluhan nito, sa kisame, ay may parang ulap na may butas sa gitna, na ayon sa narraror ay isang portal papunta sa ibang dimension, possibly sa hell. Nakita din nila ang paglitaw ng mga mahiwagang ilaw na ayon din sa narrator, ay mga apparitions ng mga espiritu. All-in-all, ang ending ay masasabing nating unbelievable.
Kaya't pagkatapos ipalabas ng pelikula ay marami ang hindi makapaniwala sa nasaksihan. Lalo na ang skeptic na mga professors. Imposibleng walang special effects! sabi ng ilan. Para sa mga estudyante, tutoo o hindi, sila'y naging instant fan ng pelikula at ng direktor, kaya't after ng credits, ay hindi muna nag-alisan ang marami at nagpa-autograph pa at nagpa-picture kay Mayor Arteza, at ito'y lubos na ikinasaya ng alkalde.
#
"Let's go and celebrate," aya ni Mayor habang palabas sila ng teatro, ang screening ng kanyang documentary ay isang malaking success. "Sagot ko."
"Yes!" bulalas ni Jules.
Papunta na sina Mayor, Karen at Jules sa parking nang may tumawag sa kanila.
"Mayor Arteza..." sabi ng boses mula sa likod.
Paglingon nila'y nakaharap nila ang isang lalaking naka-brown na jacket. Sa paligid, nagsisiuwian na ang mga estudyante, may sumasakay ng jeepney, may mga naglalakad lamang.
"Yes?" nagtatakang sabi ni Mayor.
Wala silang ideya kung sino ang lalaki. Pero, isang tingin lang sa husto nitong tindig at postura, ay alam nilang mayaman ito.
"My name is Carlos Villaromano," sabi ng lalaki, "at kung tutoo ang documentary mo, I may need your help."