MENTAL'S POV: BINAYBAY ko ang pasilyo sa loob ng L.A Hospital kung saan naka-confine si Summer at nadatnan ko sina Helio, Theros, Luca at Cy na nag-uusap sa labas ng isang pinto at mukhang yun ang inuukopa ni Summer. "Anong ginagawa niyo rito sa pasilyo?" Sabay-sabay na napatingin sa akin ang apat at tila nagulat pa sila nang makita ako. "Mental, ikaw pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" Ani ni Cy at saka ako nito nilapitan. "Ayos lang ako. Si Summer kumusta ba? Gising na ba siya?" Usisa ko. Nagkatinginan sina Helio, Luca, Theros at Cy na siyang ipinagtaka ko. "May problema ba?" Dugtong ko ulit nang makitang bumadha sa kani-kanilang mukha ang pag-aalala. "Gising na si Summer, Mental pero kasi ano...paano ko ba sasabihin sayo? Ano, pumasok ka na lang kaya?" Suhestyon ni Cy. Isang bunto

