bc

Hello, Mental

book_age18+
488
FOLLOW
4.7K
READ
drama
small town
addiction
like
intro-logo
Blurb

Summer vacation is a favorite time of the year, as it gives a chance to relax and explore new things. This summer, Summer Dyrroth Santiago visited a native village which is quite a distance from the city. It is a five-hour journey by train. Summer Dyrroth Santiago hates summer vacation because he only remembered those days - a monster woke up inside of him when he and Alice broke up.Ang gusto lang ni Summer ay manatili sa kanilang bahay sa syudad pero nakiusap ang kanyang magulang na sumama ang binata sa probinsiya para naman magliwaliw at mabisita ang kaniyang Lolo at Lola.Sa pagbagtas pa lang sa mahabang kalsada ay nababagot na si Summer, paano pa kaya kung makarating na sila mismo sa probinsiya ng kaniyang Lolo at Lola?Akala ni Summer ay magiging dati lang ang nakasanayan niyang pagbabakasyon sa poder ng kanyang Lolo at Lola pero nagkamali siya nang bumulaga ang bulto ng isang dalaga na nagngangalang Mettalica Natalia Alegre o mas kilala sa pangalang Mental.Summer felt weird when he meet Mental. Dahil sa kakulitan ni Mental na maging magkaibigan silang dalawa, hindi namalayan ni Summer ang takbo ng panahon.Ang summer na pinaka-ayaw niya ay siya mismong magdadala muli ng init sa pamamagitan ng katauhan ni Metallica. Unti-unting bumabalik sa dating buhay si Summer ng makilala niya si Mental pero dumating ang isang pagkakataon nang muli silang magkita ni Alice.Hindi sinasadya ni Summer na masaktan at mabalewala si Mental nang bumalik si Alice pero 'yon na pala ang huling araw na makikita ni Summer ang nakangiting mukha ni Mental. Dahil bago pa sila umuwi ng Maynila, hindi nagpakita si Mental sa kaniya.

chap-preview
Free preview
Prologue
Nanatili akong nakatingin kay Alice na ngayon ay umiiyak sa harapan ko. Hindi ko alam kung anong kasalanan ang nagawa ko at bakit siya nagkakaganito. Masaya pa kami kahapon at nag-usap tungkol sa mga bagay na gagawin namin sa future. "Anong ibig mong sabihin Alice?" nagtatakang tanong ko. Sa edad kong kinse ay nagmahal ako sa babaeng nagngangalang Alice Villaluna. Nagkakilala kami nang magbakasyon ako sa poder ni Grandpa at Grandma sa isang probinsiya. "Kailangan na nating maghiwalay Dyrroth, patawarin mo ako." Tila nabingi ako sa sinabi niya. "Okay pa tayo kahapon diba?" Tinakpan ni Alice ang kanyang mukha gamit ang sariling palad na basang-basa na ng luha dahil sa kanyang pag-iyak. Hindi ko maintindihan kung bakit nakikipaghiwalay na siya sa akin. Nangako ako na kapag bumalik ako dito galing sa Maynila ay siya pa rin ang mahal ko. "Nangako tayo sa isa't-isa diba? Na kahit anong mangyari walang maghihiwalay. Pero bakit ngayon hinihiling mo sa akin na bitawan kita?" "Hindi mo kasi naiintindihan." sagot niya sa akin. Nasasaktan ako sa nakikita kong pag-iyak niya sa harapan ko. Bukas makalawa ay uuwi na ako sa Maynila, bukas na bukas din ay uuwi sina Mommy dito sa probinsiya para sunduin ako. Gusto ko sanang ipakilala si Alice sa parents ko kaso mukhang malabo na. "Paano ko maiintindihan kung hindi mo naman sinasabi sa akin ang dahilan? May mahal ka na bang iba?" Hindi sumagot si Alice. Napabuntong hininga ako at tumingala sa langit. Magdidilim na rin at kasabay ng pagsapit ng kadiliman ay ang pagbabadya ng malakas na ulan kahit summer naman. "Kung may mahal ka ng iba handa akong magpaubaya. Tutal aalis na rin naman ako bukas makalawa at babalik ako rito sa susunod na taon pa. Pero mukhang malabo nang makabalik pa ako dito dahil wala na akong babalikan na tulad mo." Hinawakan ni Alice ang kamay ko at tinitigan ako sa mata. "Dyrroth ikaw lang ang mahal ko pero mga bata pa tayo. Kaya ako nakikipaghiwalay sayo, may matindi akong dahilan at alam kong mauunawaan mo 'yon. Isa lang naman ang pakiusap ko ... 'yon ay palayain mo ako." Bumitaw ako mula sa mga kamay ni Alice ng maramdaman ang tubig mula sa kalangitan. Tinignan ko siya ng may panlalamig na pakikitungo. "Kung 'yan ang gusto mo hindi kita pipigilan. Isa lang rin ang pakiusap ko sa'yo kapag pinalaya kita. Huwag na huwag mo akong lalapitan o kakausapin kapag nagtagpo ang landas nating dalawa. Ang sakit lang kasing isipin na ang taong pinag-alayan ko ng pagmamahal ay handa akong iwan para sa hindi malamang kadahilanan. Malaya ka na, Alice." Tinalikuran ko si Alice at iniwan siya sa plaza na siyang tagpuan naming dalawa. Kung ayaw niya akong makasama sa sarili niyang mundo ay hindi ako magrereklamo. Binigay ko naman ang pagmamahal na alam ko pero mukhang hindi pa ito ang oras para magkasama kaming dalawa. Hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan, hudyat 'yon na magtatapos na ang summer at ito na rin ang araw na magtatapos ang nabuo naming istorya ni Alice. Ang summer na pinakagusto ko sa tuwing buwan ng Abril at Mayo, kinamumuhian ko na ng pumatak ang Hunyo at magsimula ang tag-ulan sa taon na ito. Umuwi ako sa bahay ng Grandpa at Grandma ko nang basang-basa. Nakasalubong ko pa si Grandma pagpasok ko sa bahay pero hindi ko ito pinansin. Bagkus, nagpatuloy lang ako hanggang sa makapasok ako sa sarili kong kwarto. Gusto ko ng umuwi sa Maynila at ipagpatuloy ang buhay ko sa syudad. Ayoko ng manatili sa probinsiya kung ang idudulot lamang sa akin ay sakit ng alaala sa aming dalawa ni Alice.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook