MENTAL'S POV: NATAPOS ang photoshoot ng mga model at mukhang satisfied naman sila sa mga damit na ilalabas ng Alegre at SFHWV. Hindi na ako makapaghintay sa collaboration na ito. Natinag ako nang makarinig ng tikhim mula sa likuran ko at napalingon ako sa taong kanina pa yata nakatayo sa gawi namin. "Ehem! Is this how you keep yourself busy?" Seryosong mukha ni Summer ang tumambad sa akin at kasama nito si Cyrus. "Summer?" Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at sinalubong si Summer. Agad kong ipinulupot ang aking kamay sa kanyang leeg at hinalikan siya sa pisngi. "3pm usapan natin diba?" "Sa sobrang sarap ng usapan niyo, alas 6 na ho ng gabi." Sagot ni Cy at saka ito pumalit sa upuan ko at binati si Kuya Calvin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at napatingin kay Summer. "H-Hindi ko

