MENTAL'S POV: Naniningkit ang mga mata ko bago ako tumayo at nilapitan ko si Summer na ngayon ay umaatras na. "What do you think you are doing?" Usisa pa nito habang lumalayo sa akin. "Okay na ako na tawagin mong weirdo pero 'yong tawagin mo akong witch hindi na makatarungan 'yon!" Pumalahaw ako ng iyak sa harapan ni Summer at saka ako umupo at ipinatong sa ibabaw ng tubod ko ang dalawang braso at doon ko isinubsob ang aking mukha. Akala niya yata susunggaban ka ko siya ng kagat kasi may papikit pa ang loko. "Waaaaah! Ang sama ni Summer. Lola, inaaway ako ng apo niyo!" Malakas na palahaw ko. "H-Hey, I was just joking." Natatarantang sabi niya at hindi alam kung ano ang gagawin. Best actress yata ako noong high school kaya magdusa siya. "W-Weirdo? Hey, don't cry." "Ang sama mo! Hindi

