MENTAL'S POV: -- WALANG nagawa si Summer kundi ang samahan ang mga kaibigan niya at napangiti ako nang magtampisaw sila sa tubig na parang mga bata. Hindi ko akalain na ang mga mayayamang tulad nila ay handang sumabak sa ganitong simpleng pamumuhay lang. Walang ibang iniisip bukod sa makisalamuha sa mga simpleng mamamayan dito sa Sagrada at maging kaisa ng kalikasan. Nagitla ako nang may sumaboy ng tubig sa mukha ko at nang mapatingin ako kung sino 'yon, ang bulto ni Cy ang bumulaga sa akin. "Lalim ng iniisip mo ah? Mas malalim ba rito sa talon ng luha?" Aniya bago pasalampak naupo sa tabi ko. "Hindi ah. Napapaisip lang ako nitong mga nakaraan dahil sa biglaang pagbalik ng alaala ni Summer. Akala ko matatagalan pa 'yon." "Kaya mas pinili mong lumayo imbes na samahan siya?" Napayuko

