MENTAL'S POV: -- MALAKAS na sapak sa mukha ang binigay ko kay Summer kaya naman nakatanggap ako ng masamang titig rito. "Why did you do that?" Inis na tanong nito sa akin. "Gusto mong ikaw ang itali ko sa kama?" Ganti ko rito. Gumuhit ang ngisi sa labi ni Summer habang nakatingin sa akin. "Wanna try something new? Hindi ako papalag kung ako naman ang itali mo sa kama basta ba bigyan mo ako ng sampung anak?" "Ulul! Bumangon ka na nga." Tinabig ko ang mukha ni Summer dahilan para kumawala ang halakhak nito. Ang aga-aga puro kalokohan ang naiisip niya. Akmang babangon na ako sa kama pero pinigilan ni Summer ang katawan ko kaya napatingin ako rito. "You're still sore. You should rest." Aniya. "Sa galing mo ba naman, wala akong naramdaman." Sarkastikong wika ko rito na siyang pinagsi

