MENTAL'S POV: -- PAGKARATING namin ni Kuya Luther sa kanyang opisina, nadatnan namin si Kuya Inari na inaayos ang mesa at nang makita niya kami agad itong tumungo at tahimik na lumabas ng opisina. Dumiretso si Kuya Luther sa kanyang swivel chair at pabagsak na naupo ito at saka nakapangalumbabang tumingin sa akin. "Your mission is not yet done, you should go to Malaysia and finish them off." Ani ni Kuya Luther dahilan para mahugot ko ang sarili kong hininga. "Hindi ba si Sáez or si Tito Richard ang puno't dulo ng lahat?" Kinakabahang tanong ko. Ibinigay niya sa akin ang misyon na ito pero hindi ko magampanan ng maayos at nadamay pa sila ng dahil sa akin. Maging sina Sav ay hindi pa rin nagigising. "No they're not. They won't attack in one place as long as they are paid off. I will l

