MENTAL'S POV: -- MAGKAHAWAK kamay na tinahak namin ni Summer ang patag kung saan naroon ang pamilya namin at ang mga taga baryo na siyang makakasama namin sa pagsalubong ng pasko mamayang hating-gabi. Bisperas na ng pasko ngayon at talaga namang ramdam namin ang lamig ng hangin at ang preskong hatid mula sa kalikasan dahil nasa open space kami. As usual, isang puting night gown ang suot ko na umabot hanggang sakong ang haba at ang manggas nito na umaabot sa palapulsuhan ko. Si Summer naman ay nakasuot ng pulang long sleeves na tinupi nito hanggang sa siko at itim na slacks pants nito na tinernuhan din ng itim na sapatos. Karamihan sa mga taong nasa paligid namin ay nakasuot ng pula at tanging ako lang ang namumukod tanging nakasuot ng night gown. "Seriously, Mental? You always wear th

