MENTAL'S POV: -- NANG humupa ang ragasa ng bala, agad na pumasok sina Kuya Senri kasama ang iba pa. Binitawan ni Kuya Luther ang ulo ko at napatulala ito sa kanyang pwesto habang nakaupo ito na parang palaka. Nakapatong kasi ang dalawang siko nito sa tuhod habang nakatulala sa harapan ko. "Barney!? Okay lang ba kayo ni Metallica?" Bulalas ni Saviel nang makalapit ito sa amin. Marahan akong lumingon kay Sav at napatango ako rito dahil wala naman akong naramdaman na kahit ano. "Dude, your eyes is flaring like fire." Puna ni Kuya Senri kay Kuya Luther dahilan para mapabalik ang atensyon ko sa Boss namin. His eyes is red like fire and this is the first time I saw this side of him. Napalingon ako sa taong humawak sa akin at ang bulto ni Sinji ang bumungad sa akin. Iginiya niya ako sa isang

