SUMMER'S POV: "I don't need to explain. I'll give you a chance to live your own life but you choose death!" Nagulat ako nang biglang sumugod ang panig ni Bloodfist sa mga taong dumukot sa amin at halos matulala ako dahil hindi ko masundan ang galaw nila. Akala ko sa pelikula lang makikita ang mga ganoong eksena pero mas malala pala na sa mismong harapan ko pa nangyayari. All I could hear is the screching sound of a metal, people groaning in pain, and shouting. Napaiwas rin ako nang may humampas na bakal sa gawi namin kaya agad kong tinulak si Metallica at sinipa sa tyan ang isang lalaking naghampas ng bakal sa gawi namin. Umigkas ang aking kamao sa isa pang lalaki na akmang susugod sa gawi at hindi ko namalayang nakikipag-buno na rin ako. Maging si Metallica ay nakikipaglaban na rin at

