SUMMER'S POV: "Dude, hinay-hinay. Naka-isang bote pa lang kami." Untag sa akin ni Cy at saka ko napagtanto na apat nang bote ang nasa harapan ko at lahat 'yon ay wala nang laman. "Don't mind me. I won't get drunk by this liquor." Sagot ko. Nagkibit-balikat lang si Cy at saka muli silang nagpatuloy sa pag-uusap. Muli akong napatitig sa kawalan at inalala ang mga panahon na kasama ko siya sa probinsiya. ~~ "Summer!" Malakas na sigaw ng babaeng weirdo at kumakaway pa sa aking nang makita ako habang nakapangalumbaba sa bintana ng bahay nina Grandma. "What are you doing here, again?" Usisa ko sa kanya. Papasok pa lang siya sa bakuran nina Grandma pero 'yong boses niya rinig yata sa buong baryo. "Me is visiting you." Aniya. "What?" Wala akong maintindihan sa sinasabi niya dahil para siya

