SUMMER'S POV: ~ Six years later...~ "THIS meeting is adjourned." Sambit ko matapos magreport ang marketing staff tungkol sa produkto ng kompanya namin for a luxury brand of lingeries, swim wear and cologne. The five of us decided to built a company. Sa panahon ngayon, lakasan na lang ng loob at huwag hayaang lamunin ng kadiliman ang iyong sarili dahil kung magpapatalo ka. Wala kang mararating. "Dude, that was hell." Ani ni Theros at saka sumandal sa head rest ng upuan niya. Maayos naman ang takbo ng sales namin at mukhang patok pa rin sa kababaihan ang mukha naming lima sa paglipas ng anim na taon. Naiwan kaming lima sa conference room and as usual we are together. Binuo namin ang SFHWV na kinuha namin mismo sa mga apelyido namin at nagsimulang tumayo ng sariling negosyo. Humahawak r

