Kabanata 25: Reyalidad

1836 Words

MENTAL'S POV: -- NAIWAN kaming lahat na tahimik lang matapos kaming talikuran ni Summer. Para akong sinaksak ng paulit-ulit dahil sa naging reaksyon niya nang makita ako. Marahan akong pumihit paharap kay Alice at nanghihinang napaupo ako sa sahig at doon umatungal ng iyak. "S-Sabi s-sayo hindi siya maniniwala eh. Ang sama mo Alice. Galit na galit sa akin si Summer!" Gaya ng dati, para pa rin akong bata kung umatungal ng iyak sa kabila ng lahat ng nangyari. Walang ideya ang pamilya ni Summer maging ang mga taga-baryo na buhay ako. Hindi ko naman akalain na malaki ang magiging epekto ng pagtatago ko mula nang dukutin ako ni Jake sa bahay nina Summer. Nagpupuyos ang dibdib ko at halos mapugto ang aking hininga habang umiiyak ako sa lapag at ginawang pamunas ang braso ko. "Umayos ka ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD