MENTAL'S POV: Napag-alaman ko rin na si Alice ang pumili ng designs at model para sa collaboration na ito at mukhang pinaghandaan nilang lahat ito lalong-lalo na nina Theros, Helio, Luca at Cyrus. Dapat pala pinag-merge ko na lang ang kompanya naman kaysa sa collaboration na ito. Mula sa pagkakatitig ko sa monitor ng computer, natinag ako nang makarinig ng tatlong katok sa labas ng pinto ko at iniluwa nito si Florenz. "The models are here with their respective managers, Mental." Tumango ako kay Florenz at saka tumayo mula sa kinauupuan kong silya bago ako lumabas ng executive office. Nasa likuran ko si Florenz at saka kami dumiretso ng conference room kung saan naghihintay ang mga modelo. "Metallica?" Masayang bati ni Celine nang makita ako. Lumapit sa akin ang babae at nakipag-beso

