Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak habang nakatunghay sa puntod ng anak ko. Danilo T. Mercado August 15, 20xx - June 20, 20xx I wanted to say that his birthday was not on August but on June pero August daw ito natanggap sa ampunan kaya yon ang nilagay nilang birthdate nito sa mga records nito ayon kay Mrs. Mercado. Hinahabol ko na ang hininga ko dahil sa sobrang pag-iyak ng maramdaman ko ang pagyakap ni Jun sa akin mula sa likuran. And just like me, he's grieving too. Tatlong taong ipinagkait sa amin ang anak namin. Tatlong taon kaming umasa. Tatlong taon kaming naghanap at heto natagpuan na namin siya pero hindi man lang namin siya mayakap dahil nakalibing na ito sa ilalim ng lupa. "Jun, bakit siya kinuha sa atin agad? Hindi naman tayo masamang tao. Nagkulang ba ako sa dasal?

