Fifteen

1028 Words
Malapit nang matapos ang bakasyon ngunit parang hindi ko man lang ito naramdaman. Sa dalawang buwan na walang klase ay pagtatrabaho lang ang inatupag ko. Tumutulong sa pagluluto sa umaga para itinda sa palengke, sa hapon naman ay rumaraket ako ng pagtu-tutor at syempre sa gabi ay sa restaurant pa rin. Naging malapit kami ni Steve sa isa't isa. Madalas kaming lumabas ng kaming dalawa lamang at walang kinalaman sa trabaho. Palagi niya rin akong hinahatid pauwi pagkatapos ng shift ko sa restaurant. Medyo naging maaga nga ang shift ko para daw hindi ako gaanong gabihin sa daan pauwi kung sakaling hindi niya ako maihahatid dahil sa mga urgent matters na kailangan niyang gawin. Madalas akong tumanggi at palagi kong sinasabi sakaniya na hindi naman niya iyon kailangan gawin dahil ayokong magkaroon ng problema sa mga kasamahan ko sa trabaho. Ayokong isipin nila na may favoritism na nagaganap. Isa pa, nakakahiya na rin at baka nakaka-istorbo pa ako sakaniya. Ngunit ang palagi lamang niyang sinasabi ay gusto niya ang kaniyang ginagawa at walang mali doon. Maraming customer ngayon sa restaurant at sobrang busy lahat ng staff. Ang post ko ay sa entrance at ako ang nag-aassist sa mga pumapasok na customers. Todo ngiti at bati ang ginawa ko buong gabi. Busy din sa office niya si Steve dahil may mga kaibigan siyang dumating kanina at mukhang business din ang pag-uusapan. Tapos na ang shift ko sa restaurant at nag-aayos nalang ako ng gamit dito sa loob ng locker room nang pumasok sila Stella at yung kaibigan niyang waitress. "Nakakapagod girl, daming costumer ngayon" sabi nang isang baguhang waitress habang nag-aayos ng lipstick sa harap ng salamin. "Oo nga e, tapos may dalawang oras pa tayo. Buti pa yung iba d'yan, easy lang sakaniya kasi malakas ang kapit" sagot naman ni Stella at pasimpleng lingon pa sa akin. Nang magtama ang tingin niya namin ay peke niya akong nginisihan at inirapan din naman pagkatapos. Nagtawanan pa sila ng kaibigan niya na parang wala lang ako doon. Heto na nga ba ang sinasabi ko. Alam kong ako ang pinapatamaan niya dahil kami lang namang tatlo ang nandito. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit. Lalabas na sana ako nang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Steve. Siguro ay nagulat ang dalawa kaya umayos sila ng tayo at nagkunwaring may hinahanap sa kanilang lockers. Hindi rin naman sila pinansin ni Steve. "Guada, let's go?" Tumango ako sa kaniya at sumunod na palabas. Gaya ng nakagawian, ihahatid niya ako sa bahay at uuwi na rin siya pagkatapos. Pinagbuksan niya ako ng pinto tulad ng palagi niyang ginagawa bago siya umikot papunta sa driver's seat. Ginawaran niya muna ako ng ngiti bago nagsimulang magmaneho. Tahimik kaming pareho sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung ako ba dapat ang mag- initiate ng usapan at hindi ko rin naman alam ang sasabihin. "Tired?" Sumulyap siya sa akin bago muling ibinalik ang atensyon sa daan. "Medyo lang" ani ko at ngumiti sakaniya ng tipid. "May pasok ka na pala ulit next week, may gamit ka na ba? Gusto mo samahan kita mamili?" Naninimbang niyang alok. "Salamat, pero may gamit pa naman ako na natira last school year pwede pa 'yon" Hindi na siya nagsalita pagkatapos noon pero nararamdaman ko ang pagsulyap niya sa akin samantalang ako ay diretso lang ang tingin ko sa daan hanggang sa makarating sa kanto na malapit sa bahay namin. Tinanggal ko na ang seatbelt ko nang huminto ang sasakyan. Nagpasalamat ako sa kaniya at akmang bababa na ng sasakyan ngunit pinigilan niya ako. "Guada may problema ba tayo?" Mahinang tanong niya habang hawak pa din ang kamay ko. "Wala naman, ayos naman tayo diba?" Balik kong tanong sakaniya at ngumiti pa. Tumango naman siya at binitawan na ang kamay ko. Ginawa ko yung sign na pwede na akong bumaba ng sasakyan. Kumaway ako sakaniya ngunit hindi ko alam kung nakita niya iyon dahil umalis din naman siya kaagad. Napakawala ako ng isang malalalim na hininga bago maglakad papasok sa eskinita. "Boyfriend mo na ba 'yon?" Umangat ang tingin ko sa madilim na parte ng eskinita kung saan mayroong lumang waiting shed. Nandoon si Art na nakasandal sa bakal habang may hawak na sigarilyo. Kumunot ang noo ko sa nakita. Kailan pa sya natuto manigarilyo? Tsaka bakit ngayon lang nagpakita 'to? Kakauwi lang ba niya galing probinsya? Sa dami ng tanong sa isip ko ni isa wala akong naitanong sakaniya. "Hindi" maikling tugon ko at lumakad na ulit. Huling hithit pa sa sigarilyo ay tinapon na njya ito at sumunod sa akin. Amoy ko pa rin ang usok ng sigarilyo nang magkalapit kami ngunit hindi na ako nagreklamo. "Hindi boyfriend pero laging magkasama hanggang gabi?" There's a hit of sarcasm in his question. "Ano naman sayo kung palagi nga kaming magkasama?" "Gusto mo ba siya?" Huminto ako sa paglalakad at ganoon rin ang ginawa niya. "Gusto mo ba siya Guada?" Pag-uulit niya sa tanong dahil hindi ko siya sinagot noong una. "Oo, gusto ko siya" sagot ko ng hindi tumitingin sakaniya. "Gusto ka din ba niya?" Mahina niyang tanong. "Hindi ko alam" tangi kong sagot at iniwan na siya roon para makauwi na. Pagpasok ko sa bahay ay ginawa ko na ang mga obligasyon ko bago pumasok sa kwarto. Tulog na ang kapatid ko kaya ako na ang naglinis ng mga reviewers niya na nagkalat sa kama. Chinarge ko din ang cellphone ko. Pagbukas nito ay tuloy-tuloy ang pagpasok ng mga text. Halos lahat ng 'yon ay galing kay Steve, nagtatanong kung nakauwi na ba ako, kung kumain ba ako o kung tulog na ba ako at kung ano-ano pa. Wala akong nireplyan dun kahit isa. "Gusto ka ba niya?" Muling pumasok sa aking isipan ang tanong ni Art. Oo gusto ko si Steve, simula palang attracted na ako sakaniya, at lumalim pa 'yon habang nakakasama ko siya. Sa ilang b'wan kong halos kasama si Steve, totoong naging malapit ako sakaniya. Nagiging care free ako kapag siya ang kasama. Komportable akong ipakita ang totoong ako dahil siya hindi niya ako hinuhusgahan. Lagi niyang pinaparamdam sa akin na mahalaga ako. Pinaparamdam nga ba o nag-aassume lang ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD