Mabilis na nagdaan ang mga araw. Tignan mo nga naman, parang kahapon lang e nakikipag-siksikan ako sa mahabang pila para lang makapag-enrol, ngayon Finals na naman.
Ang bilis talaga niya humanap ng iba. Char. Corny.
Anyways, nasa library ako ngayon at babad sa pagrereview, syempre alangan matulog e pabagsak na nga ang grades, parang ako sakanya, chos. Aral muna, mamaya na ang landi ehe!
Maraming estudyante ang nandito ngayon na tutok din sa kanilang mga libro at busy ang mga kamay sa pagtipa sa kani-kanilang mga scientific calculator.
Cramming at its finest. Procrastinate pa more! Char.
Ang iba, sabi nila sa exam week ay hell week. Dahil din siguro puspusan talaga ang pagsusunog ng kilay at dito talaga madedetermine kung aabante ka ba, o maiiwan.
Pero as an engineering student, hindi ako makarelate. Mayabang? Hell no.
Hindi ako matalino, at lalong hindi ako masipag mag-aral. Tamang pabuhat lang sa kaklase ganern.
Kaya hindi ako makarelate ay dahil sa engineering hindi uso ang HELL WEEK. Dito sa kursong ito, araw-araw impyerno.
"Hoy! Mag-aral ka hindi yung tulala ka na naman d'yan"
Naputol ang pagmumuni-muni ko ng isang masamang hangin ang dumating.
Hinimas ko ang bunbunan kong hinampas niya ng dos por dos.
Lol. Lapis lang talaga, joke lang yung dos por dos hehe corny.
Sinamaan ko lang sya ng tingin at inirapan pagkatapos ay umalis ako sa harap niya at lumipat sa ibang bakanteng upuan.
Naaalibadbaran ako sa presensya ng hambog na ito. Kung maka-asta akala mo friends kami. No way! FO na kaya kami. Hmp!
"Pikon mo talaga Guadalupe"
"Bakit ka ba sunod ng sunod, aso ka ba?"
Inis na sabi ko dito dahilan upang sawayin kami ng librarian. Humingi na lamang ako ng paumanhin at umupo ng muli.
"Grabe ka, ang gwapo ko namang aso" sagot naman niya at umupo din sa harap ko. Naiinis talaga ako sa presensya ng Artemeo'ng 'to. Ang kapal ng mukha.
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagrereview.
"Guads, galit ka pa din ba? Nag-sorry na ako ah?
Nye-nye-nye, mamatay na may pake. Tse!
Patuloy ako sa pag-susulat kahit 'di ko naman talaga alam kung naiintindihan ko ba itong inaaral ko huehue.
"Galit ka ba kasi hindi 'yun totoo? Bakit? Gusto mo ba talagang ligawan kita?"
Mahigpit na hinawakan ko ang ballpen ko at madiin na inilapat sa papel. Nagdilim ang paningin ko sa aking narinig.
Unti-unti kong binaba ang ballpen dahil baka masaksak ko lang sa ngala-ngala niya at nag-angat ng tinging nanlilisik.
Hindi niya ininda ang mga mata kong papatay sakaniya, bagkus ngumiti pa ito at sumandal pa sa likuran ng upuan niya.
"Sabagay, matagal ko na rin namang nararamdaman na gusto mo ko, 'di ko nga alam bakit hindi mo pa ako nililigawan"
Hindi na ako nakapag-pigil at sinipa ko siya mula sa ilalim ng lamesa at mabilis na umalis ng library.
Hindi ko alam saang parte ng katawan siya tinamaan, pero sigurado akong masakit ang sipa na 'yon. Dinig ba naman hanggang labas ng library ang sigaw niya.
HAHAHAHAHAHAHAHAHA
Ngiting tagumpay akong bumaba ng hagdan, ang sarap lang sa pakiramdam na maka-ganti.
Gago'ng 'yon, sinasabi ko na nga ba na pustahan lamang nilang magbabarkada ang sinasabi niyang panliligaw sakin.
Malamang sa natural na magagalit ako!
Walang sinumang babae ang matutuwa pag nalaman nilang pinagpupustahan lang pala sila. Walang sinumang babae ang dapat makaranas ng ganoon.
Nakakainis!
Kayong mga lalaki, kung gusto niyo lang naman pala ng pag-pupustahan, magsabong nalang kayo! Sa manok kayo pumusta 'wag saming mga babae!
Tapos itong hinayupak na Art na'to, sasabihin pang nagagalit ako dahil hindi totoo 'yun at gusto ko na ligawan niya ako?
Aba hoy! Wala ka sa kalingkingan ng baby Steve ko, tingin palang masarap na, pa'no pa pag nagkatikiman na? Rawr.
~~
Isang linggo na ang nakalipas at walang Art na nagparamdam. Busy ang gago.
Postponed ang pagganti niya sa akin dahil hindi talaga kami nagkikita. Buti nga sakaniya.
Sa kabilang banda, gusto ko lang malaman niyo na.....
Exams are done!!!!
Halo-halo ang nararamdaman ko. Nad'yan ang saya kasi tapos na, pero matindi pa rin ang kaba dahil hindi ako sigurado kung makakapasa ako. I mean, nag-aral naman ako. Sinigurado ko na may laman ang utak ko bago sumabak sa exam. Hays. Bahala na.
Paglabas ko ng exam room ng last exam ko, bumungad sa akin ang maingay na hallway.
Tawanan at talunan dahil sa saya. Bakit nga naman hindi? Exam week is done, meaning bakasyon na.
Sakanila ang bakasyon, out of town, travel, beaches, outing. Samantalang ako, trabaho, trabaho, trabaho.
Well, hindi na rin masama.
Mabuti na rin at bakasyon dahil magkakaroon ako ng maraming oras sa trabaho. Makakahanap pa ako ng ibang raket o kaya naman, mas hahaba pa ang shift ko sa restaurant and that's what I like. Charot.
The longer the time I spent in the restaurant, the longer the time I get to see Steve.
Directly proportional talaga ang relationship naming dalawa HAHA.
Excited akong pumapasok sa restaurant dahil lagi na siyang nandoon. Hands on na kasi s'ya sa pagma-manage ng nito.
Kaya lang, isang linggo na din akong hindi pumapasok sa trabaho dahil nga nagpumilit sya na mag-absent ako dahil daw sa exam.
Oh my baby, he's so caring diba? Charing!
Hindi lang naman ako ang pinag-absent niya sa trabaho kundi pati ang iba pang students na workers niya.
'Sus, kunwari pa sya. Ayaw lang niya pahalata na nagccare siya sa akin.
Ilusyunada.
Hmp!
So eto na nga, pagkalabas na pagkalabas ko ng University, pumara agad ako ng jeep papunta sa restaurant.
Maaga pa para sa shift ko pero anong magagawa ko? Marupok ang ate mo girl.
Sa sobrang excited, nakalimutan ko pang sabay nga pala kami ni Gelli na pupunta sa restaurant at may usapan kaming magkikita sa tapat ng gate ng University.
Patay na naman ako mamaya sa bruhang bakla. Pero kiber na, sorry nalang. I wanna see my baby na talaga hihi!
Pagkababa ko ng jeep, mabilis akong tumakbo patungo sa likod ng restaurant. Doon kasi ang daan ng mga trabahador.
Hindi ko alam pero sobrang excited na talaga akong makita siya.
Habang tumatakbo ay inaayos ko ang buhok kong parang sinalanta ng bagyo sa sobrang gulo dahil sa lakas ng hangin kanina habang nasa jeep ako.
Malapit na ako sa back door, pero ang nakakainis para bang lumalayo ito kaya naman may binilisan ko pa ang takbo.
Malapit na, abot kamay ko na ang door knob. Eto na.....
*blag*
Isang malakas na kalabog ang narinig ko saktong pagbukas ko ng pinto.
Shit! May tao yata sa likod. Patay.
Napa-kagat ako sa labi ko dahil sa kaba. Dahan-dahan akong humakbang papasok at doon nakita ko si Steve na nakahiga sa sahig at hawak ang ilong.
"Hala! S-sir sorry h-indi ko po sinasadya, naku, ayos ka lang po ba sir?"
Dali-dali ko siyang dinaluhan at inalalayan upang maka-tayo. Dumalo naman ang iba pang naroon at binigyan siya ng mauupuan.
"Sir, pasensya na po talaga. Hindi ko naman po alam na security guard ka na pala- este- nasa likod ka ng pinto"
Hindi pa rin siya kumikibo kaya mas lalo akong kinabahan.
Lord, ano po ba 'tong nagawa ko? Nasira ko pa yata ang gwapo niyong nilikha.
Baka magalit ang bebe ko, 'di pa naman ako marunong manuyo huhu.
"S-sir yung ilong mo may dugo" gulat na sabi ni Stella habang nakaturo pa sa ilong ni Steve. Siya nalang pala ang natirang tao dito maliban sa amin ni Steve at nakiki-usyoso.
Mabilis akong tumayo upang maghanap sana ng first aid kit o kahit towel man lang para matigil ang pagdurugo ng ilong niya.
Ngunit hindi pa naman ako tuluyang nakakalayo ay hinawakan na niya ang kamay ko upang pigilan ako.
"'Saan ka pupunta?" Mahinang ani niya. Napaka-husky ng boses na animo'y nang-aakit kahit natural naman niyang boses iyon.
"K-kukuha po ng panggagamot sa ilong niyo" sagot ko habang nakatingin sa kamay niyang naka-hawak pa rin sa akin.
Hindi siya sumagot bagkus ay bumaling siya kay Stella.
"Kunin mo yung first aid kit sa office ko"
Mabilis namang kumilos ang hindot at kita pa ang kilig dahil pinansin siya ni Steve. Hmp!
Maiinis pa sana ako ng beri layt ngunit hinila na ako ni Steve at napa-upo sa kandungan niya.
Ehem.
Napa-nganga ako sa kaniyang ginawa . Nakaupo ako ngayon nang patalikod sakaniya at ang braso niya nama'y nakapalupot sa aking bewang habang ang mga kamay namin ay magka-hawak pa din.
OMyGod!!!!!
Buti nalang at walang ibang tao dito at busy na ang lahat sa restaurant. Kung hindi, sobrang nakakahiya ang tagpo naming dalawa.
"Why are you running like that, hmm?"
Ang pagbulong niya sa aking tenga ay nagdulot ng kakaibang sensasyon sa aking pagkatao.
Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan at para akong mamimilipit sa 'di maipaliwanag na kung ano sa aking tiyan.
Holy Cow!!!
Ang bango niya pati ng hininga niya. Steve, marupok ako 'wag namang ganito. Baka hindi ako makapag-pigil.
Humigpit ang kapit niya sa akin nang mapansin ang matagal kong pagsagot.
Hindi ko maaaring sabihing tumatakbo ako ng ganoon dahil gusto ko na siyang makita kaya't hindi ko malaman ang isasagot.
"Ah- eh...."
"Hmmm?"
God! Steve! Stop doing that!!!!
Grabe na ang t***k ng puso ko. Hindi ko na matake ang kilig!
"Namiss mo ba ako kaya ka nagmamadali?"
Lintik na baka! Ganon ba ako kahalata na sobrang miss ko na s'ya?
"Ako kasi sobrang namiss kita" pagpapatuloy niya kasabay ng isa pang mahigpit na yakap.
Inay ko po!!!
Ikakasal na yata ako! Ihanda ang gown!!!!!