Thirteen

1506 Words
Ang isang beses na paglabas namin ni Steve ay nasundan pa ng pangalawa, pangatlo at marami pang beses. Madalas niya ako yayain lumabas tuwing katapusan ng linggo. Mabilis na lumipas ang mga araw at ilang buwan na din mula nang magkakilala kami. Sa loob ng mga buwan na iyon ay nalaman kong bukod sa pagpapatakbo niya ng restaurant na ipinamana raw sakaniya ng kaniyang lola ay isa rin siyang Licensed Civil Engineer. Kaya naman nag-presinta siya na tulungan ako sa mga bagay tungkol sa kurso ko kung sakaling mahirapan ako. Unti-unti naming nakilala ang isa't isa na naging dahilan ng pagiging komportable at paglalim ng pagkakaibigan namin. Ngayon ay araw ng linggo at kagagaling lang namin sa isang bagong bukas na restaurant na pagmamay-ari daw ng kaibigan nito. Pauwi na sana kami ng biglang tumawag sakaniya ang mommy niya. Kailangan daw nitong umuwi kaagad dahil may pag-uusapan silang importante. Urgent matter daw at kailangan ay maka-uwi siya kaagad, kaya naman kahit gusto pa niya akong ihatid ay hindi na ako pumayag. Pinauna ko na siya at sinabing magco- commute na lamang ako dahil mapapalayo pa siya kung ihahatid pa niya ako. Kasalukuyan akong naka-sakay sa isang pampasaherong jeepney. Siksikan at punuan na ang mga dumadaang jeep dahil ala-sais na ng gabi. Marami na ang mga nag-uunahang makasakay para lang makauwi. Day-off ko sa restaurant ngayon kaya diretso uwi na ako sa bahay para makapag-pahinga dahil lunes na naman bukas. How I hate Mondays. Grrr. Nang makababa sa kanto ay ilang metro pa ang nilakad ko para makaliko sa isang eskinita kung saan naroon ang tinitirhan namin. Maingay ang paligid. Ang dikit-dikit na mga bahay na gawa sa mga pinagtagpi-tagping yero, tarpaulin at mga karton ang nagbibigay kulay sa lugar. May pa ilan-ilang mga sari-sari store na kinabubuhay ng mga pamilyang nakatira rito, may mga junkshop din at mga barberya. Maputik ang ang lubak-lubak na daan dahil sa ang mga palikuran ng mga nakatira rito ay malapit lamang sa daan kung kaya't ang tubig ay umaagos sa kalsada. Idagdag pa ang mga baradong kanal na konting ulan lang ay umaapaw na. Nang nakapasok sa eskinita ay sinalubong ako ng mga batang naglalaro at nagtatakbuhan sa daan. Ang mga batang babaeng naka-suot ng mga pinaglumaang bistida ng mga nanay nila o ng mga nakakatatandang kapatid ay naglalaro ng lutu-lutuan gamit ang mga dahon at walang lamang lata, samantalang ang mga batang lalaki naman ay walang suot na pang-ibaba at patuloy sa paghahabulan. "Punyeta Berting! Ang daming bayarin dito sa bahay nakuha mo pang magsugal!" Isang tunog ng maingay na kaldero na ibinalibag sa sahig ang umalingawngaw sa daan. "Tigilan mo ako sa kaka-putak mo d'yan Rosa! Naririndi na ako sa'yo, sasamain ka na sakin!" sigaw pabalik ng isang boses lalaki. Ilang sandali pa ay lumabas ang isang lalaking malaki ang tiyan na walang damit pang-itaas, nakasuot ito ng isang maong shorts na kupas na ang kulay, ang sando naman nito ay naka-sabit aa isang balikat. Nagkakamot ng ulo itong nagtungo sa mga kabigang nagsusugal at nag-iinuman. Nakipag-tawanan na tila walang nangyari kani-kanina lang. Umiling na lamang ako sa sarili at diretsong naglakad. Ngunit bago marating ang bahay ng tiya Lucy ay daraanan ko pa ang half-court kung saan may mga kalalakihang nag-lalaro ng basketball. Walang suot pang-itaas ang mga ito at nakasuot lamang ng mga lumang jersey shorts at walang sapin sa paa. Malayong-malayo sa mga totoong naglalaro ng basketball na may complete set of uniforms at may branded sports shoes pa. Mayroong iilang mga kababaihan ang sa isang sulok ay nanonood sakanila. Marahil mga kasintahan ng mga manlalaro o kaya naman ay mga taga-hanga. "Depensa Art!" Naagaw ang atensyon ko ang sigaw ng isang lalaking naglalaro. Kusang nagtungo ang paningin kung nasan ang tinutukoy niya. Doon nakita ko si Art na isa din pala sa mga manlalaro. Kahit nag-aagaw na ang liwanag at dilim ay malinaw pa rin sa aking paningin ang pantaas katawan nitong hindi natatakpan ng kahit anong saplot. Tumatagaktak ang pawis niya habang medyo hinihingal pa. Sa kabila ng pawis sa buong katawan at mukha ay gwapo pa rin itong tignan maging ang paggalaw ng muscles niya ay nakadadagdag sa appeal nito. "Yown!" Sigaw ng isang lalaki at nakipag-apir ka sa mga kakampi. Nagpatuloy na ako sa paglalakad nung natapos na sila. Naglapitan na rin sa mga manlalaro ang mga dalagang nanonood kanina at nagbatian. Marahil ay pustahan ang larong iyon. "Guada sandali!" Isang hawak sa pulsuhan at Art na humihingal mula sa aking likuran ang pumigil sa akin sa pagpasok sa bahay ng tiyahin. "Bakit?" Nagtataka kong tanong sakaniya dahil matagal na rin mula ng huling pag-uusap namin. Matagal na kaming hindi nagpapansinan marahil ay dahil busy na kami sa kaniya-kaniyang buhay. Or baka ako lang? Matagal bago siya sumagot. Lumingon-lingon pa siya sa paligid at hindi maituon ang tingin sa akin na parang kinakabahan o nag-aalinlangan. Lumingon din ako sa paligid ngunit wala namang taong nakatingin sa amin. Busy ang lahat sa kaniya-kaniyang gawain. Nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sakaniya. Problema kaya nito? "Mukhang wala ka namang sasabihin, una na ko" sabi ko at itinuro pa ang bahay. Mabilis naman niya akong nilingon. "Liligawan kita" sabi nito at mabilis pa sa kidlat na tumakbo papasok sa bahay nila na ilang bahay lang din ang layo mula sa amin. Naiwan akong tulala sa tapat ng bahay dahil doon. Hindi yata maproseso ng utak ko yung sinabi niya. Ano daw? Liligawan? Ako? Si Art? "GUADALUPEEEEEEEEE!!!" Napatalon ako sa lakas ng sigaw mula sa kanang tenga ko. Inis kong nilingon ang dahilan noon. "s**t Chelsea! Ano bang problema mo?" Inis kong tanong habang nakahawak pa din sa tenga. Sumakit yata ang ulo ko dahil doon ngunit hindi sapat upang mawala ang iniisip ko. Ano bang trip ng Art na 'yon? Pinagpupustahan ba nila ako? Ako ba ang pusta sa laro nila kanina? "Ikaw, ano bang problema mo? Kanina ka pa nakatayo diyan at kanina pa din kita tinatawag pero 'di man lang natitinag 'yang kunot ng noo mo. Aba, adik ka ba?" Mahabang ani nito habang nakapamewang pa at mataman akong tinitignan. "Galit na galit? Tignan mo nagkaka-pimples ka na litaw na litaw pa" inosenteng ganti ko habang nakaturo pa sa mukha niya dahilan upang manlaki ang mga mata niya at mabilis na tumakbo papasok ng bahay. "s**t! Noooo!!! May lakad pa ako bukas!!!!!" Nang makapasok sa bahay ay kumakain na sila. Hindi na ako sumabay dahil kumain na kami bago umalis kaya naligo na ako at nagtungo na sa kwarto namin. Isang kwarto lamang ang meron sa bahay ng tiya Lucy ay isang pinaglumaang double deck ang nandoon para sa aming apat. Sa loob ng maliit na kwarto na iyon ay ang mga drawers na luma na rin kung saan nakalagay ang mga damit namin. Sa itaas ang pwesto namin ni Ariane at sa ibaba naman ang kila Chelsea ngunit malimit ay si Tiya Lucy lamang ang gumagamit dahil madalas si Chelsea ay sa mga kaibigan niya tumutuloy. Habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang pulang stipes na tuwalya na inutang ko pa sa bumbay ay binuksan ko ang mobile data ng cellphone ko at nagtungo sa f*******: messenger app. Wala namang bagong message kundi puro lang sa group chat para sa iba't ibang subjects. Inopen ko lamang ngunit hindi na ako nagbasa. Io-off ko na sana ang phone ng may dalawang magkasunod na text ang dumating. Sir Steve [Nakauwi ka na?] Napangiti naman ako sa mensahe niya. Nagreply naman ako at sinabing nasa bahay na ako. Ilang segundo lang ay nagreply na ito kaagad. Sir Steve [Miss na kita agad ?] Impit na tili ang pinakawalan ko dahil sa kilig na dulot ng mensahe niya. Hindi ko alam ang irereply kaya hindi ako mapakali. Should I say that the feeling is mutual? Or dapat ba akong magpakipot muna? Parang ewan akong naka-ngiti mag-isa dito sa kwarto at parang kinikiliti ng libo-libong paroparo sa tiyan. Magtitipa na sana ako ng irereply nang tumawag siya. OH MY GOD! ANONG GAGAWIN KO? Nanginginig ang mga kamay na sinagot ko ang tawag. "He-hello" bungad ko sakaniya. Bakit may pa utal? Napaka-palpak mo naman Guada! I heard him chuckle. "Just wannay say, thank you for today" "Wala 'yon, ako nga dapat magpasalamat kasi sinasama mo ako" sagot ko at humiga pa sa kama habang nilalaro ang kurtina at nakataas ang dalawang paa na nakapatong sa bintana. "No, thank you, for being with me..... and for making me happy" mahinang ani nito na parang dinadama ang bawat salitang binabanggit. Nahigit ko ang hininga ko sa sinabi niya. Nagsimula na namang magkarambula ang kung ano sa tiyan ko at maging ang pisngi ko ay tila nag-init dahil sa tinuran. Matagal bago ako nakasagot dahil sa kilig na nararamdaman ko at kawalan ng salitang sasabihin. "Goodnight Guada, see you in my dreams" Pinatay na niya ang tawag nang hindi ako hinayaang magpaalam. Hinugot ko ang unan sa gilid ko at tinakpan ang mukha upang ilabas ang kilig na kanina ko pa pinipigil. Steve!!! Why are you doing this to meeeee?????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD