Twelve

1618 Words
"Lift your head, baby don't be scared Of the things that could go wrong along the way You'll get by with a smile You can't win at everything but you can try." Tulala akong nakatanaw lamang sa malawak na open field sa loob ng University na pinapasukan habang nakikinig ng paboritong musika sa aking earphones na nakakabit sa lumang android phone. Mataas na ang araw ngunit nakahanap ako ng lilim sa isang malaking puno ng acacia malayo sa hallway kung saan nagkukumpulan at maiingay na mga estudyante ng inhenheriya. "Baby, you don't have to worry 'Coz there ain't no need to hurry No one ever said that there's an easy way When they're closing all their doors And they don't want you anymore This sounds funny but I'll say it anyway." Ang nakakahalinang boses ng bokalista ng sikat na bandang Eraserheads ay siyang nagpapagaan ng loob ko at kinukuhanan ng pampalubag ng loob. Nagkaroon ng biglaang pagsusulit sa Integral Calculus kani-kanina lamang ang buong first year ng Civil Engineering. Sa hindi inaasahan ay halos wala akong nasagot sa nasabing exam. Gabi-gabi akong nagrereview ng mga lessons ko sapagkat ayaw kong mangamote lalo na kung may recitation o kaya naman ay biglaang pagsusulit tulad na lamang nito. Kaya naman hindi ko mawari kung bakit bigla na lamang nablangko ang aking isipan kanina. Tila lahat ng laman ng aking isipan ay nawala sa loob ng isang oras na pagsusulit na iyon. Five items lamang iyon ngunit ang papel ko ay napuno lamang ng bura-burang numero dahil hindi ko talaga malaman kung paano ko mai-integrate ang mga ibinigay na item. Nanlulumo pa rin akong nakatanaw lamang sa mga damo na sumasayaw sa ihip ng hangin. Mabilis pa rin ang t***k ng puso ko habang bitbit ang mabigat na damdamin. Iniisip ko parin kung paano at kung bakit bigla na lamang ang mga nireview ko ay nawala na lang ng parang bula. Nais kong lumuha sa nangyari. Hindi ko naman masisisi na hindi magaling magturo ang propesor ko sa Integral Calculus dahil tunay namang magaling ito at maiintindihan naman ang mga itinuturo niya, at hindi ko rin naman maaring sabihin na hindi ko nasagot iyon dahil sobrang hirap noon sapagkat karamihan sa aking mga kaklase ah nasagot naman lahat ng item sa pagsusulit. Bagsak ang balikat akong napayuko. Tila ako ay binagsakan ng langit dahil tanging aking sarili lamang ang maari kong sisihin. Kung sana ay nag-aral pa ako ng maigi ay hindi sana ako mabablanko ng ganoon. Kung sana'y inubos ko na lahat ng libre kong oras sa pag-aaral sana ay hindi ako mangangamote. Tuluyan na ngang bumagsak ang pilit pinipigilang mga luha nang lubos kong maramdaman ang disappointment sa sarili. Pakiramdam ko ay lahat ng effort ko sa pag-aaral ay hindi parin sapat. Pakiramdam ko ay naging pabaya ako. Natigil ako sa pagsisi sa aking sarili nang may marinig na baritonong boses sa aking tabi. "Anong nangyari?" Tinanggal ko ang earphones sa aking dalawang tenga at palihim na pinunasan ang luha na natuyo na sa aking pisngi. Huminga muna ako ng malalim at tumikhim bago lumingon sa lalaki. "Ano ang iyong ibig sabihin?" Tanong ko pabalik sakaniya. Ngumiti muna ito ng tipid sa akin bago tumanaw sa malayo. Pinagmasdan niya ang malinis na kapaligiran ngunit ang atensyon ay nasa akin pa din. "I saw you crying" tipid nitong ani nang hindi parin ibinabaling sa akin ang paningin. Suminghot ako at tumikhim muli upang tanggalin ang bara sa lalamunan. Hindi ko batid kung paano niya nalaman ang aking pag-iyak gayong kararating lamang nito. Sinundan ko ang kaniyang tingin at nagpalamon muli sa pag-iisip. Hindi ko na dinugtungan ang kaniyang sinabi at hindi ko rin sinagot ang kaniyang tanong. Tahimik lamang kaming dalawang nakatanaw sa mga ibong masasayang nagliliparan sa himpapawid na tila isa iyong napaka-sayang bagay. Marahil ay napaka-saya ngang maging isang ibon. Nakakagalak na damhin ang malamig na simoy ng hangin mula sa itaas. Nakakahalinang iwagayway ang mga nakatatangi at napakagandang mga pakpak na siyang magdadala sa malalambot na ulap. Ang sarap sigurong maging ibong malaya, malayo sa problema ng mundo. Ngunit sa kabila nito batid kong maging ang mga ibon ay parang tao ring may malaking suliranin. Tulad din natin silang pinagtatakpan ng mga ngiti at pagiging malaya ang mga pangamba sa mga panganib at sakit ng buhay. Malaya man ngunit dala rin nila ang pangamba at di kasiguraduhan. "Girl I'll stay through the bad times Even if I have to fetch you everyday We'll get by with a smile You can never be too happy in this life" Gulat akong napalingon sa kaniya nang kantahin nito ang kantang kanina lamang ay pinakikinggan ko. Lumingon rin siya sa akin at bahagyang ngumiti bago ipagpatuloy ang pagkanta. Napaka-lamig ng boses nito na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa aking buong katawan. Nakakahangang ang kaniyang magandang boses at mga ngiti ay nakakapag-alis ng mabibigat na kalooban. "In a world where everybody Hates a happy ending story I t's a wonder love can make the world go round But don't let it bring you down And turn your face into a frown You'll get along with a little prayer and a song." Habang patuloy siya sa pagbigkas ng liriko ay nakatingin siya sa aking mga mata na ngayo'y nakatingin rin sakaniya. Damang-dama nito ang pagbigkas ng bawat salita ng kanta kung kaya naman ay parang hinehele ako nito at tila may hipnotismo ang kaniyang mga mata na naglulunod sa akin. Ngumiti siya ng matamis sa akin bago kuhanin ang bag ko at hilahin ang kamay upang tumakbo palabas ng school. Pinagtitinginan na kami ng mga tao ngunit patuloy lamang siya sa paghila sakin hababg tumatakbo samantalang ako ay nagpapatianod lamang sakaniya sapagkat wala ako sa sarili. "OMG! OMG!OMG!!!" nagtitili ako nang makapasok ako sa locker room galing sa back door ng restaurant. Iniikot-ikot ko pa ang dalawang kamay sa harapan at isinayaw ang bewang dahil sa lubos na kagalakan. "Girl, para kang bulateng inasinan! Anyare?" Napatigil naman ako sa pagsayaw nang sumulpot mula sa isang gilid si Gelli. Naka- bihis na ito at mag-aayos na lamang ng mukha ngunit kakain pa kami dahil maaga pa naman para sa shift namin. Sa sobrang saya ay niyakap ko pa siya nagtitiling muli sapat lamang upang hindi marinig sa loob mismo ng restaurant. Pilit naman itong kumakawala sa aking yakap. Lutang parin ako habang inaalala ang nangyari bago ako pumasok sa restaurant. Hindi rin maalis sa aking mga labi ang mga ngiti dulot ng galak. Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi. Nakabalik lamang ako sa reyalidad nang huminto kami sa tapat ng sasakyan niya. "Come on I'll treat you" sabi nito ng may matamis na ngiting nakakalusaw ng kahit na sino mang pag-alayan nito. Ginantihan ko rin siya ng isang tipid na ngiti bago tumango at sumakay sa kaniyang sasakyan. Umikot naman siya papunta sa driver's seat ar nagsimula ng patakbuhin ang magarang sasakyan. Matapos ang ilang minuto ay huminto kami sa isang ice cream palor na kahilera ng mga cafè. Iilan lamang ang tao sa loob ng ice cream parlor na iyon dahil karamihan sa mga tao ay nasa mga mamahaling mga coffee shops. Tumunog ang chime na nasa pintuan ng pumasok kami ni Steve. Naagaw nito ang atensyon ng tauhan ng nasabing ice cream parlor. "Good Afternoon Sir....ma'am" naging mahina at dahan-dahan ang pagbigkas ni Art sa huling salita dahil sa pagka-gulat. Maging ako ay nagulat rin na siya'y nagtatrabaho pala rito. Hinila na ako papasok ni Steve at dinala sa counter upang makapag-order. Sinundan kami ng tingin ni Art at bumaba ang kaniyang tingin sa mga kamay naming magkahawak pa rin. Sa di maipaliwanag na dahilan ay mabilis kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak ni Steve at hindi rin naman na iyon pinansin ng huli. Alinlangang naka-tingin pa rin ako kay Art ngunit walang ekpresyong mukha ang ipinakita nito ng magtama ang aming paningin. Nang maka-order ng tig-isang ice cream si Steve ay iginiya na siya ako sa isang lamesa roon. Mula sa aking pwesto ay tanaw ko si Art na may pekeng ngiti sa mga labi habang kausap ang mga sumunod na customers. Parang may bumabagabag sa isipan nito dahil sa madalas na pagbuntong hininga at hindi maipintang mukha. Naalala ko ang huling pagtatalo namin na ako lamang yata talaga ang nakapag-salita dulot ng inis na sakaniya ko naibunton. Mula noon ay hindi na kami nakapag-usap dahil sa pagka-abala at tila umiiwas rin ito, marahil dahil sa nangyari. Kung dati 'pag nag-kakasalubong kami ay aasarin ako nito ngunit ngayo'y tila halos hindi niya ako kayang tignan. Napabuntong-hininga naman ako sa naisip. Ibinaling ko na lamang ang atensyon sa ice cream sa aking harapan. "'Wag mo ng isipin 'yon, di ka niya mahal" pukaw ni Steve sa aking atensyon na siyang nagpalaki naman ng aking mga mata. "Haha kidding" agad nito habang may nakaka-lokong ngiti. Hindi naman ako sumagot ngunit binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti. Lumapit siya sa akin, at ilang pulgada na lamang ang layo ng kaniyang mukha sa akin na siyang ikinagulat ko. Inilapat niya ang kaniyang dalawang palad sa aking magkabilang pisngi. Natuod ang aking katawan sa pag-kakaupo at hindi malaman ang gagawin. Bago pa ako makapag-react ay pinisil na nito ang dalawang pisngi ko upang magkahulma na isang ngiti. "Ayan, smile na" Tumatawa itong bumalik sa kaniyang upuan. "You're really beautiful when you smile." Sabi nito at nagpatuloy na sa pagkain ng ice cream. Hindi ko alam sa sarili ko ngunit bigla na lamang akong napatingin sa kinaroroon ni Art upang malaman kung nakita niya ba ang eksenang iyon. Nang lumingon ako'y naabutan ko ang kaniyang walang ekpresyong mga matang naka-tingin sa akin habang ang mga panga ay umiigting. O-okay.... What was that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD