Eleven

1554 Words
"Balita ko napa-away ka raw kanina?" Bungad ni Gelli nang makalabas sa silid. Naghihintay ito sa akin dahil may usapang sabay kaming papasok sa restaurant. Alas-sais pa lamang ngunit inaagahan namin ang pagpunta roon upang maka-kain bago magtrabaho. Natapos na ang huling klase para sa araw na iyon. So far so good, hindi ako napagalitan ng prof dahil hindi ako naka- uniform siguro ay hindi na nito napansin iyon kaya naman lihim akong nagpasalamat. Pagpasok ko kanina sa silid matapos magbihis ay kalat na ang sagutan na namagitan sa amin ng tatlong babae kanina. Puro papuri naman ang inabot ko sa mga ito dahil sa tapang ko raw na pakiharapan ang tatlo ng maayos. Ngunit hindi rin ako nakatakas sa tukso dahil sa dahilan ng eksenang iyon. Marami ang naki-usisa kung totoo bang nagkakamabutihan kami ni Art o kung may namamagitan na ba sa amin. Dulot ng kapilyahan ay hindi ko sila sinagot at binigyan lamang ng makahulugang ngiti. Bahala sila mag-isip ng kung ano-ano. Hindi ko sinagot ang tanong ni Gelli at patuloy lamang ako sa paglalakad ng makasalubong ang isang masamang hangin. Kusang nagsalubong ang kilay ko at bumusangot ang mukha dahil sa nakikita. "Oh nandito pala ang dahilan, sa gwapong niyan ay talagang makikipag-away ako" sabi ni Gelli habang may nanunuksong mga ngiti at sinundot-sundot pa ang bewang ko. Tinampal ko ang kamay nito at tinignan ng masama. Tumawa lamang ito ng malakas ang nanunukso parin ang mga tingin. "Girl, una na ko sa restaurant, babushhh!" Sabi nito at itinulak pa ako bago kumakaway na kumaripas ng takbo. Hahabulin ko pa sana siya ngunit naka-layo na ito. Naglakad na lamang ako at nilagpasan si Art na naka-tayong pinagmamasdan ako habang may nakakalokong ngiti sa mga labi. "Bakit ka naman nakipag-away ng dahil sakin?" Sabi nito nang sundan niya ako sa paglalakad. Hindi ko siya pinansin dahil naiinis ako sakaniya. Dahil sa kaniya ay napapa-away ako at napagttripan ng mga kaeskwela namin. Siguro'y napansin niyang hindi ko sasakyan ang biro niya kaya seryoso ang tinig niya ng muling magsalita. "Bakit mo naman inaway yung tatlong 'yon?" Pagpapatuloy nito na siyang nagpapintig sa aking mga tenga. Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Ako pa ang nang-away? "May gusto ka ba sa akin?" Tanong nitong muli. Lalong nadagdagan ang inis ko dahil sa narinig. "AKO? MAY GUSTO SAYO? ABA E ANG KAPAL NAMAN PALA NG MUKHA MO!" sigaw ko dito at diniduro-duro pa siya. Wala na akong pakielam sa mga taong nakatingin sa amin. Inis na inis na ako! Makichismis silang lahat pero wala akong pakielam. Bwisit! Nag-iinit ang ulo ko sa mga tao ngayon! Ang ayoko sa lahat ay sinasabayan ang inis ko lalo na at hindi ako nakapag-kape kaninang tanghali! Hindi ko napipigilan ang emosyon ko lalo na pag kulang sa kape ang sistema ko. Mukhang nagulat ito sa biglang pagharap ko at pagsigaw sa harap niya. Hindi ko siya hinayaang makapag-salita. "UNA, HINDI AKO ANG NAGSIMULA NG AWAY! PANGALAWA! HINDI AKO NAKIPAG-AWAY DAHIL MAY GUSTO AKO SAYO! BINUHUSAN NILA AKO NG JUICE HABANG NATUTULOG AT PINAG-BINTANGAN NG KUNG ANO-ANO KAYA NAINIS AKO! KAYA IKAW NA HARI NG KAYABANGAN, TIGIL-TIGILAN MO AKO AH! NANGGIGIGIL AKO SAINYO!" Mahabang lintanya ko habang hinihingal dahil sa pagsigaw at pagpipigil ng galit. Bago pa siya makabawi sa gulat ay iniwan ko siya doong nakanga-nga pa din habang nakatayo. Bwisit na 'yan! Ako pa daw nang-away! At may gusto pa daw ako sakaniya! Ang kapal ng mukha! Nagdadabog akong naglakad papunta sa sakayan ng jeep at nakasimagot pa rin dahil sa inis. Bubulong-bulong ako habang naglalakad at hindi pinapansin ang mga tao sa paligid. Isang malakas na busina ng isang kotse ang lalong nagpalala ng inis ko. Sino na naman ba itong hinayupak na sisira lalo ng araw ko! Aba e quotang-quota na ko sa inis! Sisinghalan ko na sana ang sakay ng magarang kotseng iyon kundi hindi lamang bumungad sa akin ang isang malapad na ngiti ng isang napaka-gwapong nilalang. Ready-ng ready na ang mga sasabihin ko sakaniya pero parang duwag na umatras ang inis ko at mabilis na t***k ng puso ang pumalit. "Lalim naman ng iniisip mo, kanina pa kita tinatawag e" sabi nito sa akin na nakatayo na pala sa harap ko. Hindi ko man lang napansin ang pagbaba nito sa sa sasakyan. Nakangiti pa rin ito ng malapad, mukhang masayang-masaya ito ngayon. Maaliwas ang mukha nito. Tila nag-aawitan ang mga anghel sa langit. Lord, thank you po sa isang napaka-gwapong stress reliever. Ngunti biglang dumapo sa aking isipan ang nangyari nang pauwi na kami mula sa ilang araw na bakasyon sa Tarlac. "Sorry Sir" tanging sagot ko. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang nangyare sa huling gabi namin sa Tarlac. Mula paggising kasi ay tahimik na si Sir Steve at malamig na ang pakikitungo nito hanggang maka-balik kami ng Maynila. Gulat nga ako dahil nandito itong muli sa harap ko na para bang hindi niya ako pinakitunguan ng malamig noong nakaraang linggo. "You seems so bothered, may problem ba sa school?" Tila binabasa nito ang nasa isip ko kung pagmasdan ako. Lumingon pa sya sa gate ng school at bumaling sa akin ng naka-ngiting muli ngunit may bahagyang bakas ng pag-aalala. Umiling lamang ako sa kaniya at iminuwestra ko ang kamay tungo sa banda kung saan may mga sumasakay na ng jeep upang sabihing kailangan ko ng umalis. Mukhang nakuha naman nito agad na ayaw kong pag-usapan ang problema at nais ko ng umalis kaya tumango ito. "Oh, may shift ka sa restaurant?" Tanong nito at muli ay isang impis na tango lamang ang aking isinagot. Tumalikod na ito ngunit imbis na sa driver seat ay umikot ito tungo sa kabilang banda at binuksan ang pinto ng sasakyan. "Okay then let's go?" Inilahad pa niya ang kamay upang alalayan akong sumakay sa sasakyan. Umiling ako bilang pagtanggi. "Mag-jjeep na lang po ako Sir, marami pa naman po sigurong dadaan" Kumunot ang noo nito na parang tinitimbang ang sitwasyon. Gusto kong sabunutan ang sarili dahil sa pagiging pakipot. Kung kailan nandiyan na ang pagkain ay saka pa ako tatanggi! "Tsaka... nakakahiya Sir" pagtanggi ko pa rin kahit nag-aaway away na ang mga internal organs ko. "Bakit ka mahihiya? We're friends now! So I will not take no for an answer" tugon nito nang tumatawa na para pang nakakatawa na maging mahiyain ako sa harap niya. Atsaka kailan pa nag level-up ang relasyon namin. I mean kailan pa naging magkaibigan ang isang empleyado at boss? Ehem, baka from friends ay maging lovers na sa susunod? Nako, konti na lamang ay iisipin kong may gusto ito sa akin. Baka umipekto na ang gayuma at kulam ko rito. Hahaha "Sabi mo Sir e" pambawi ko at itinago pa ang ilang takas na buhok sa likod ng tenga. Sumakay na ako sa shot gun seat at siya naman ay umikot na patungo sa driver seat. Isang matamis na ngiti muli ang iginawad nito sa akin bago nagmaneho patungo sa restaurant. Bruha ka Guada, kanina ay pakipot ka ngayon ay pabebe naman. Parang galit na galit ka palang kanina ah? Bigla kong naalala na hindi nga pala naging maganda ang nangyari sa amin nung makauwi kami rito. Tutal ay "friends" naman na daw kami ay baka pwedeng lubusin ko na iyon at itanong kung anong dahilan bakit naging malamig ang pakikitungo nito. Bumaling ako patagilid upang makaharap siya. Napatingin ito saglit saakin dahil 'don ngunit bumalik muli ang tingin sa daan. "Sir Steve" dahan-dahan kong agaw sa atensiyon niya. "You can just call me Steve" sabi nito nang lumingon ito ng kaunti habang nakangiti. Aww, Can I call you baby? Hmm? "May itatanong po sana ako" mahinang ani ko at pinag-iisipan pa rin kung tama bang itanong ang nais ko sakaniya. Baka kasi personal matters pala 'yon at baka isipin niya na nakikielam ako, edi ligwak agad ang lola niyo. Pero pwede naman siguro niyang hindi sagutin kung hindi siya komportable hindi ba? Maiintindihan ko naman iyon! Oo ganon na nga lang. "Drop the po, I feel so old for you haha, ano ba 'yon?" Shit, kanina Steve nalang, ngayon wala ng "po" tapos tumawa pa. Parang musika sa pandinig ko ang kaniyang mumunting tawa. Haha. This must be love!!! Cupid, don't disappoint me on this one!! Tumikhim ako upang itago ang mga ngiti dahil sa kilig mula sa kung ano-anong pumapasok sa isipan. "May ginawa ba akong hindi maganda sa Tarlac, kaya?" "Hmm, why?" Anito habang ang kanang kamay ang may hawak sa manibela at ang kaliwang kamay ay ipinatong niya sa bintana ng sasakyan habang hawak ang mga labi nitong may ngiting pilit na itinatago. Shit, bakit ganon? Bakit parang nakaka-akit yung "hmm". Oh God, nilalason po ni Steve ang musmos kong isipan. Napansin siguro nitong matagal bago ako nakasagot kaya lumingon ito sa akin. Napatalon naman ako sa gulat daw halatang natulala ako sakaniya lalo na sa labi niya. Yumuko ako at nilaro ang mga hintuturo dahil sa hiya bago muling sumagot. "Kasi ang cold mo sakin 'non" Gusto kong sabunutan ang sarili ko! I sound like a clingy girlfriend! Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pagtawa nito habang itinatabi ang sasakyan. Bumaling ito sa akin ng may malapad pa ding ngiti. Akala ko ay makakaligtas ako sa kahihiyan ngunit lalo lamang iyon nadagdagan. "Oh, nagtatampo ang baby"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD