Ten

1136 Words
Madilim. Sobrang dilim. Wala akong makita ngunit patuloy ako sa pagtakbo. Malakas na ulan at dumadagundong na kulog at kidlat samahan pa ng malakas na hangin ang tanging nagpapa-ingay sa buong paligid. Mabilis akong tumakbo papasok sa kakahuyan. Madulas ang daan dulot ng putik at mga basang dahon sa lupa ngunit patuloy ako sa mabilis na pagtakbo. Habol ang hiningang isinandal ko ang aking katawan sa isang malaking puno. Hinawakan ko ang aking dibdib na animoy mapapatigil nito ang mabilis na pagtibok ng puso. Hingal na hingal ako habang ang mga luha ay walang humpay sa pagtulo. Nanginginig ang katawan hindi dahil sa lamig ng panahon kundi dahil sa pagtangis. Hindi ko mawari kung ano ang dahilan ng aking pagdadalamhati maging ang takot na namamayani sa kaibuturan ng aking pagkatao ay hindi ko alam ang naging sanhi. Ipinikit ko ang mga mata at dalawang kamay na humawak sa aking ulo habang sinasabunutan ang sarili dahil sa pag-ikot ng aking panginin kasabay ng hindi maipaliwanag na sakit ng ulo. Ang aking pagtangis ang natambunan ng mas malakas na iyak ng isang batang babae. Inilibot ko ang paningin ngunit wala akong makita doon, sinundan ko boses ng batang babae hanggang dalhin ako nito sa isang malinaw na ilog. Doon sa kabila nito'y nakita ko ang isang batang naka-puting bistida habang naka-hawak sa isang manika. Hindi ko makita ang mukha nito dulot ng walang humpay na pagtulo ng mga luha at dahil sa rin sa kadiliman ng paligid. Hindi ko man makitang tumutulo ang mga luba nito ngunit batid ko na patuloy ito sa pag-iyak. Inihakbang ko ang aking mga paa upang tawirin ang ilog at puntahan ang batang babae ngunit bigla na lamang nabalot ng dugo ang imahe nito. Sumigaw ako ng sumigaw kasabay nito dahil sa labis na takot na bumabalot sa akin habang kinukuha ito ng kawalan. Ninais kong sundan ang batang babae ngunit bigla na lamang akong napunta sa ibang mundo. Dito, wala ng iyak, walang ulan, kulog at kidlat. Wala na ring dilim sapagkat ang buong paligid ay nasisikatan ng haring araw. Hindi rin maipaliwanag ang sayang nararamdaman ng aking puso na pumalit sa takot na nararamdaman kani-kanina lamang. Puno ng iba't ibang naggagandahang bulaklak ang paligid, malamig ang simoy ng hangin na siyang yumayapos sa aking katawan at nagpapasayaw sa mga puno sa paligid. Tila isang napakagandang awitin naman sa aking pandinig ang huni ng mga ibon. Napaka-aliwalas ng panahon, walang bakas ng mapait na kahapon. Nabalot ng masasayang tawanan ang aking pandinig, nilingon ko ang mga batang naghahabulan sa damuhan habang may ngiti sa mga labi. Nang akmang ihahakbang ko ang aking mga paa ay isang malambot na kamay ang pumigil sa akin. Hinili ako nito papunta sa kaniyang mga bisig at ang mga labi ko ay maingat na inangkin ng kaniyang mga malalambot at matatamis na labi. Kakaibang-sensyasyon ang dulot nito sa aking pagkatao na siyang nagpangiti sa aking dalawa. Tila kami'y nasa ulap, malayang nililipad ang langit habang ang mga labi'y magkadikit. Napaka-sarap sa pakiramdam. Mainit na sinag ng araw ang gumising sa akin mula sa pagkakahimbing. May ngiti sa mga labing unti-unting idinilat ko ang aking mga mata at kasabay ng pagmulat nito ay ang lamig ng pakiramdam na bumalot sa akin. Mabilis akong napatayo at tila nabuhay ang katawang lupa ko. "WHAT THE f*****g f**k?" Malakas na bulalas ko dahil sa pagkagulat dahil sa pag-buhos ng isang malamig na bagay sa akin. Malagkit ang pakiramdam ko ng unti-unti itong dumaloy sa aking katawan. Tumama ang aking paningin sa kulay dilaw na likidong nagmamantsa na sa aking uniporme. Nanlalaki pa din ang mga matang nilingon ko ang may kagagawan ng pagbuhos ng malamig na inumin sa akin. "That's what you get for flirting with Art" malditang saad nito habang naka-krus ang mga braso at nakataas ang kilay. Naka-ngiting pang-asar din ang dalawang babaeng kasama nito. Pinagtitinginan kami ng mga kapwa estudyanteng dumadaan sa isang parte ng university. Ang ilan ay nakiki-usyoso ang ilan naman ay mga walang pakielam. "Flirting with Art? Me? Are you insane?" Itinuro ko ang sarili at tumawa na tila isa iyon sa mga pinaka nakakatawang bagay na narinig ko. "You'll deny it? Ha! Akala mo ba hindi naman alam yung pagpapansin mo sakaniya?" Ganti nito sa akin at itunulak ang ang isang balikat ko na siyang nagpatigil sa akin sa pagtawa. "Oo nga! Tapos kunwari ka pa nahihirapan sa subjects natin para magpaturo!" Sawsaw ng isa pa sa alipores nito. "Akala mo naman maganda, e ang taba-taba naman!" Dugtong pa ng isa may masabi lang. "Maganda talaga ako, kaya nga nagagalit kayo sakin diba? Kasi mas maganda ako kesa sainyo" Sabi ko at nagkibit-balikat pang mas inaasar sila sa mga ngiting may pangungutya. Nanlaki ang mga mata ng mga ito tila hindi makapaniwala sa mga salitang pumasok sa kanilang pandinig. "Oh my God girls, the nerve of this pig!" Pangkukutya ng leader ng tatlong uuod sa harap ko. Ang mga taong nakikiusyoso naman sa paligid ay tila enjoy na enjoy pa sa panonood. Gusto kong patulan ang pagtawag nito sa akin ng baboy ngunit mas hahaba lamang ang usapan kung gagawin ko iyon. Nais ko ng umalis doon sapagkat sobrang nanlalagkit na ang aking pakiramdam dahil sa juice na tinapon nila sa akin. "E ano bang pake nyo kung nilalandi ko nga si Art katulad ng binibintang nyo? Bakit, girlfriend ka ba niya?" Matapang na sabi ko na syang nagpatanga sakaniya sa kinatatayuan nito. Nag-smirk ako nang subukang ibuka ang bibig upang mag-salita ngunit isinara din nang hindi maisip ang sasabihin. Alam kong hindi ito kaano-ano ni Art at marahil ay hindi nga rin niya ito kilala. Baka isa lamang sa taga-hanga niya na akala mo ay asawa kung makapang-angkin sa lalaki. Nilagpasan ko ang mga ito at sinadyang sa gitna nila dumaan at binunggo pa ang balikat ng leader nila. Naiinis na naglakad ako patungo sa locker ko para kumuha ng pamalit dahil may isa pa akong klase bago umuwi. Ngunit ilang minuto pa bago pa ako tuluyang makalayo ay narinig ko pa ang sigaw ng isa sakanila. "Malandi ka!" Galit na galit na sigaw nito sa akin. "Sino?" Sigaw ko rin kunwari ay hindi narinig ang sinabi niya. "Ikaw!!!!" Mas malakas na ani nito sa akin. Natatawa ako dito, hindi ba niya alam na inaagaw nya ang atensyon ng mga tao maging ang mga professors? Maari siyang mapagalitan dahil sa sa mga lumalabas sa bibig niya dahil isa iyong paninirang puri. "Sino?" Pang-aasar kong muli sakaniya ngunit hindi ko siya hinayaang sumagot. "Sino may pake?" Sabi ko nang harapin ko itong muli. Nagtawanan naman ang mga nakapaligid sakanila. I smirked. Pahiya ka sis? Pig pala ah! Ikaw uuod na tinubuan ng make-up! Bwisit. Ang dami-dami pagttripan ako pa ang naisip! Ang lagkit ko na tuloy, wala pa naman ako balak maligo mamaya hays!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD