Namayani ang katahimikan sa aming apat. Alinlangang nagpalitan ng tingin si Stefanny at Miles, samantalang si Aubrey ay nagkibit-balikat lamang at parang wala lang na sumandal sa kaniyang upuan.
Bakas ang pagtataka sa akin dahil sa sinabi niya. Nagsalubong ang mga kilay ko ngunit alam ko sa sarili ko na tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya.
Anong ibig sabihin niya sa "you should be". Bakit dalawang meaning ang hatid noon sa akin.
"You should be" in a way na dapat maging girlfriend ako ni Sir Steve o dapat ay hindi ako ang girlfriend niya?
"Hehe, c'mon simulan na natin 'to para we can dance na, the crowd are getting wild na oh!" Pag-basag ni Stefanny sa katahimikan. Pinag-sawalang bahala ko na lamang ang sinabi ni Aubrey at ininom ang mga inuming iniaabot ni Stefanny.
Patuloy lamang kami sa pag-inom at minsan ay nakikinig sa mga kwento ni Stefanny. Napag-alaman kong siya ang pinaka bata sa kanila and magkakakilala na sila mula bata dahil sa magkakaibigan din ang kanilang mga magulang. Tila nawala na ang tensyon sa pagitan namin ni Aubrey at nagkakatuwaan na kami sa pag-inom, though sila lang talaga ang nagkukwentuhan sumasagot pa rin naman ako pag hinihingi nila ang opinyon o kaya'y may itinatanong sila.
Naubos na ang unang inumin na inorder nila at nag-order sila muli ng isang bucket ng beer. Mukhang mapapasubo ako sa pakikipag-sabayan sa inuman sa mga ito.
Nang maubos ang mga beer ay inaya na nila ako sa dance floor, dahil sa tama ng alak ay nagpatianod na lamang ako sa kanila. Wala sa sariling nakisabay ako sa mga taong nagwawala sa dancefloor. The crowd are on fire! They're enjoying the night na tila ito na ang huling gabi nila.
Naka-taas ang dalawang kamay ay sinusunod ko ang galaw ng bewang at ulo sa saliw ng malakas na kanta. The DJ really have a good taste in music. Hindi ako sanay at palagiang nagpupunta sa mga bar ngunit hindi ako ignorante sa mga ganito.
Since I am already here, I must enjoy this night too. Tawa kami ng tawa habang nagsasayaw kahit na minsan ay nakakatama na kami ng ibang tao. Nakikisigaw din kami na parang mga baliw.
Sa kalagitnaan ng pagsasaya ay hinila ako ni Miles paalis doon at si Aubrey naman ay kay Steffany. Nagrereklamo pa ang huli ngunit ng may sabihin si Aubrey sakaniya na hindi ko naintindihan ay tila bumalik ito sa katinuan.
Bumalik kami sa VIP room habang ako ay tila lumulutang at wala sa sarili dahil sa alak na nasa sistema ko.
Tuloy-tuloy ang lakad ko pabalik sa upuan ko kanina sa tabi ni Sir Steve. Hindi ko na napansin ang tensyong namamayani sa loob ng silid dahil sa kasiyahan ko.
Pabagsak akong umupo sa sofa at inihilig ang ulo sa head rest nito. Bumaling naman sa akin si Sir Steve na parang nag-aalala.
"Are you drunk?" Tanong nito sa akin. Iniangat ko ang tingin ko sa Adonis na nasa harapan ko.
"No baby, I'm yours hahaha" wala sa sariling sagot ko dito na nagpakunoot ng noo niya. Iniangat ko ang kanang kamay at inilapat sa malambot at makinis na pisngi nito pinagmasdan ang mga kilay niyang magkasulubong pababa sa kaniyang malamlam na mga mata patungo sa kaniyang mapupula at nakaka-akit na mga labi.
"Gaano kadami ang ininom mo Guada? Dammit! Bakit niyo siya pina-inom ng madami?" Sabi nito na nakabaling na ang tingin sa mga kaibigang babae. Dahil hawak ko ang kaniyang mukha ay ibinaling ko ang tingin nya upang salubungin ang akin. Salubong parin ang kilay niyo pero tinawanan ko lamang siya at pinagmamasdan pa rin.
Siguro ay amoy na amoy na niya ang alak sa hininga ko ng ilapit ko ang mukha ko sakanya at pinaglandas ang daliri pababa sa kaniyang mapupulang labi. Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil sa temptasyon na nararamdaman sa katawan.
Isang babaeng hindi pamilyar ang pabagsak na tumayo at hinila si Sir Steve mula sa sa hawak ko at hinarap ako. Galit na galit ang mukha nito hmp. Pangit mo bleh!
"What the f**k do you think you're doing huh?"
"Bulag ka ba?" Tanong ko pabalik dito. Kitang abala ako sa baby ko e nang-iistorbo pa!
Ito na nga ba ang ayaw ko. Pagtinatamaan ng alak ay walang preno ang bibig ko. Paniguradong pagsisisihan ko ito bukas.
"What?" Sigaw pa rin nito.
"Ay bingi na bulag pa hahaha" sarkastikong ani ko at tinatawanan pa siya. Narinig ko rin ang hagikgik ng mga kasama namin sa silid.
Namumula na ang mukha niya sa inis. Pwes ako din naiinis! Bakit ba siya sigaw ng sigaw sakin at hinila pa niya palayo ang baby ko! Huhu kiss na 'yon! Kiss na kay baby Steve! Grrrrrr.
"You b***h! Who do you think you are to seduce Steve in front of me!"
What? Seduce? Girl, wala pa akong ginagawa.
"Hindi mo ba ako kilala?" Pagpapatuloy pa rin niya. Inaawat na sya ni Steve ngunit sinamaan lamang niya ito ng tingin at binawi ang kamay na hinihila nito. Tumayo na ako sa pagkakaupo at pinantayan ang tayo niya.
Panag-krus ko ang dalawang braso sa harap at pinagmasdan sya mula ulo hanggang paa habang nakataas ang kilay. Nang matapos ay nanlilisik na tingin ang ipinukol ko sakaniya na siyang kinaurong niya. Takot pala 'to e. Wala, weak! Akala mo ba ikaw lang ang may karapatan na maging b***h? I can be a b***h too! Well, bitchier if needed.
"Ako ba kilala mo?" Walang emosyong sabi ko sakaniya at nanghahamong tinignan siya. Sis, ang ayaw ko sa lahat ay pinagmamalakihan ako lalo na kung wala akong ginagawang masama.
"Ha! You're funny! Bakit! Sino ka ba?" Nanghahamon ding wika niya sa akin.
"Ako lang 'to girl, yung walang pakielam sayo" pambabara ko sakaniya na siyang ikinatawa ng mga lalaki.
Tinignan niya ang mga ito ng masama dahilan kung bakit sila nanahimik.
"Hala! Bat umuusok ilong mo? Toro ka ba?" Kunware inosenteng tanong ko kaya't tumawang muli ang mga kalalakihan. Maging si Steve ay kita kong umaangat ang gilid ng mga labi tanda na pinipigilan niya ang pagngiti. See? Napapasaya ko talaga ang buhay niya.
"b***h!!!! Ang taba mo!!!!!" Ganti nito sa akin. Aba't personalan na pala ang gusto ng isang 'to. Iiyak na e kaya namemersonal na. Kawawa naman wala ng masabi. Haha.
"Kahit mataba ako, maganda ako. E ikaw? Payat ka nga, pangit ka naman" aba sis, hindi porke mukhang mayaman siya at sexy ay papaapi na ako sakaniya. Hindi ako lumaki ng ganiyan, lumaki ako ng maganda 'no!
"HA! MAS PANGIT KA!" sigaw niya pabalik sa akin na siyang ikinatawa ko pa ngunit ikinagalit niya lalo. Akmang susugurin na niya ako dahil nakayukom na ang kaniyang mga kamao.
Pumagitna na sa amin si Sir Steve dahil malapit na talagang mag-amok ng away itong babaeng ito. Sino ba kasi 'to? Wala naman 'yan kanina ah?
"Steve, baby oh!" Kumapit ito sa braso ng lalaki at parang nagpapaawa, kunwari'y may luha pa sa mga mata- ngunit nang madako ang tingin muli sa akin ay bumalik na naman ang galit sa kaniyang mga mata.
"Tell her baby, I'm your girlfriend diba?"
"No" simpleng sagot ko at hinila si Sir Steve at hinalikan. Naramdaman kong nanigas ang katawan ng lalaki dahil sa gulat pero pinagsawalang bahala ko na iyon. Libo-libong boltahe ng elektrisidad ang dumadalong sa katawan ko dahil sa halik na iyon. Parang lumulutang ako sa ulap. Ang malambot at matamis niyang labi ay nagdudulot sa akin ng kakaibang pakiramdam. Bumibilis ang t***k ng puso ko at nakikiliti sa mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko.
Kinalas ko ang mga labi mula sa mga labi niya at hinarap ang babae.
"I'm his girlfriend now" may ngiting-tagumpay kong sabi sakaniya.
"ARGGGG, YOU'LL PAY FOR THIS!!!!"
"Ha? Hatdog!"