Eight

1440 Words
"Wag na kaya kita isama?" bungad niya sa akin matapos niya akong pagmasdan mula ulo hanggang paa. Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa tinuran niya. Hindi ba bagay ang suot ko? O baka nahihiya siyang makita na kasama ako? "Mukhang mapapa-away kasi ako dahil sa ganda mo" ani ni Sir Steve matapos kumindat at may nag-lalarong mga ngiti sa mga labi. Uminit ang pisngi ko dahil sa kahihiyan at pilit itinatago ang mga ngiting nais kumawala sa mga labi. Diyos ko, kinikilig na naman po ako. Pinag-masdan ko siya habang naglalakad patungo sa kaniyang sasakyan. He's wearing a simple green Macbeth shirt partnered with a jeans and a branded shoes while I am wearing a beige three-bottoned crop top with ruffles on the sleeves partnered with a beige square pants and a white block-heeled sandals that he bought for me. Malakas na tugtugan ang bumungad sa akin ng maka-pasok kami sa isang bar. Iginiya niya ako sa isang VIP room at doon ay nadatnan namin ang ilang mga tao na nagkakasiyahan na. Hinawakan niya ako sa siko upang alalayan, at God knows kung gaano kadaming boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa pagitan ng balat naming dalawa. "Hey man! Long time no see" bati ng isa sa mga lalaking naka-upo sa isang mahabang sofa sa loob ng silid. Tumayo ito at lumapit kay Sir Steve. Nakipag- high five ito at umakbay pa sa huli. Naglakad na silang dalawa patungo sa mga kaibigang nagkakasiyahan at nakipag-kamustahan. Walong tao ang nandoon maliban sa aming dalawa. Nasa likod lamang ako ni Sir Steve, hindi alam ang gagawin. Tila nakalimutan ako nito dahil naging busy siya sa pakikipag-kamustahan. Pinagmasdan ko ang mga naroon. Mukhang mayayaman ang mga ito base sa mga kasuotan at pustura. Ang iba ay parang mga may lahi pa base sa kanilang pagsasalita. "Hey miss, who are you?" Maarteng tanong ng isang babae sakin at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. Naka-ramdam ako ng hiya nang mabaling sa akin ang atensyon ng mga tao roon, ang mga lalaki ay naka-kunot ang noo at ang mga babae naman ay maarteng naka-taas ang mga kilay. "Oh, She's with me" agap na sagot ni Sir Steve at hinapit ako sa kaniyang tabi at ang kamay niya'y humawak sa aking bewang upang iharap ng maayos sa mga kaibigan. "This is Guada, Guada these are my friends" pagpapakilala niya. Alangang ngumiti ako sa kanilang lahat dahil nanliliit ako. Naupo na kami ni Sir Steve sa isang sofa sa harap ng isang parihabang glass table na puno ng alak at pagkain. "Hi there missy, I'm Luke" naglahad ang isang lalaki ng kaniyang kamay at malugod ko naman iyong tinanggap. Isa-isang nagpakilala at naglahad ng kamay ang mga lalaki. "Hey gorgeous, I'm Chester" sabi ng isang singkit na lalaki at kumindat pa sa akin. Namula naman ang mukha ko dahil doon. Ang cute-cute niya dahil siya ang pinaka-maliit sa kanilang lahat. Siguro ay siya rin ang pinaka-bata dahil sa nang makaupo ito ay narinig ako ang kantyaw ng mga kaibigan nito at tinawag pa siyang "baby boy" "Kyle at your service." sabi naman ng isang maputing lalaki at sumaludo pa sakin habang nakangiti ng malapad. Binatukan naman siya ng isang lalaki na siyang nagpahagikgik sa akin. "f**k dude!" Bulyaw ni Kyle sa lalaki habang hinihimas ang batok niya. "Service-service ka diyan, palibhasa mahilig ka sa extra service" ani ng lalaki habang si Kyle naman ay nagtaas lamang ng middle finger niya. Bad Kyle, bad. "Don't mind him, you can call me yours, 'cause I'm Yours" ani ng lalaki at hinalikan pa ang likod ng kamay ko. Nag-init na namang muli ang pisngi ko dahil sa kantyaw na inabot ng lalaki mula sa mga kaibigan. Kibit-balikat lamang ang isinagot nito at ngumiti sa akin bago muling naupo. "Damn! That was so corny Marky" ani ng lalaking unang bumati kay Sir Steve kanina. Lumipat naman ito sa bakanteng pwesto sa tabi ko kaya't napapa-gitnaan nila akong dalawa ni Sir Steve. "Hi Guada, I am Steffan...." pagpapakilala nito at naglahad pa ng kamay. Tinanggap ko naman ito ngunit ilang segundo na ay hindi pa rin niya iyon binibitawan. Nagtataka ngunit nakangiti naman akong nakatingin sa kaniya habang may nagtatanong na mga tingin. "You surely have a beautiful name huh? But, can I call you mine?" Matapos ay binitawan na niya ang aking kamay. Ano ba naman itong mga kaibigan ni Sir Steve! Puro banat hindi nila alam ay isang marupok na nilalang ang kanilang nasa harap. Hala sige! Baka sunggaban ko kayo ay magsisi kayo. Rawr! "'Wag niyo ngang pag-tripan si Guada" agaw-atensyong sabi ng katabi kong si Sir Steve. Bumaling naman siya sa tatlong babaeng nasa kabilang sofa. "Guada, this is Miles, Steffany and Aubrey" pagpapakilala niya sa tatlong babae. Ang kaninang nakataas na kilay ng tatlo napalitan na ng ngiti at isa-isang naglahad ng kamay sa akin. Nagsimula na muling magkwentuhan ang mga magkakaibigan habang ako ay tahimik lamang sa tabi ng boss ko. I feel so left-out. Hindi ako bagay sa mga ganito. Kumain nalang ako ng mga pagkaing nakahanda sa lamesa. Syempre hindi madami ang kinuha ko dahil nakakahiya naman baka akalain nila ay patay-gutom ako, lalo na at ramdam ko ang ilang tingin nila sa akin lalo na ang mga babae. "Steve can we borrow Guada for a while, diyan lang kami sa baba girl bonding" sabi ni Miles. Tinignan naman ako ni Sir Steve, nagtatanong kung gusto ko ba sumama, alangang ngumiti ako sakaniya at tumango naman ito. Nakakahiya naman kung sabihin kong ayaw ko sumama at isa pa naiinip na din akong walang kausap dito. Lumabas na kaming apat, silang tatlo ang mag-kakasabay maglakad habang ako ay nakayukong nakasunod lamang sa likod nila. Hindi ko kayang sumabay sa kanila dahil talaga namang agaw atensyon ang tatlo dahil sa ganda at sopistikada ng mga ito. "Why are you naka-yuko and nasa back lang namin? You don't want to make sabay mag-walk sa amin?" Nag-angat ako ng tingin at nakitang huminto sila sa paglalakad at naka-tingin sa akin. "Are you nahihiya? You don't like ba na kasama mo kami?" Muling tanong ni Stefanny. Mabilis ay umiling ako at ikinaway ang palad sa harap ng mukha upang sabihing nagkakamali ito. "N-no, hindi sa ganoon" sabi ko havang tumatawa ng peke. Ano ba naman magsalita ito, nakaka-bobo. Ganito pa ang mga mayayamang tao? Mataman parin silang nakatingin ngunit pagkuway nagkibit-balikat na lamang. Nagpunta kami sa isang table malapit sa dance floor. Umorder ng maraming alak ang tatlo. Jusko, mapapalaban ata ako sa inuman. Balak ba magwalwal ng nga ito? May broken hearted ba? Naku naman. Napasapo ako sa noo dahil sa naisip. "Are you okay? Is there a problem?" Si Miles habang naka-tingin sa akin at naka-pilintik ang hintuturo sa akin. Umiling ako ng mabilis at alangang ngumiti. "Wala! Wala! Hmm, broken hearted ba kayo?" Nagsalubong ang mga kilay nilang tatlo tila hindi nagets kung bakit ko tinanong. "What? No! Never! Over my dead gorgeous sexy body" maarteng wika ni Stefanny at umikot pa ang mata sa kawalan. "Hehe bat ang daming alak?" Dahan-dahang tanong ko habang nakaturo sa mga alak na naroon sa table. Kasing dami ata ito ng mga alak na naroon sa VIP room. "Well, It's a welcome party for you! You're belong na sa barkada!" Malakas na sabi ni Steffany at nakataas pa sa ere ang dalawang kamay. "Like OMG girl, you're so swerte kasi there are so daming girls out there na want to be one of us" maarteng dagdag pa nito habang kumukumpas kumpas pa sa ere ang mga kamay. "Don't mind her, ganyan talaga 'yan magsalita. Di ko nga alam kung bakit natatagalan ni Stefan 'yan e" nakangiwing sabi ni Miles habang naka-tingin sa akin at pinagmamasdan akong mabuti. Isang "Hmp" ang tanging naisagot ni Stefanny at pinagkrus ang kaniyang mga braso. "Boyfriend mo si Stefan?" Nagtatakang tanong ko rito, akala ko pa naman ay single iyon dahil ganon na lamang sya kung makabanat sa akin kanina, naku buti ay hindi ito nagalit kanina. "Heck no! I'm his twin, duh~" Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Pinagmasdan ko siya ng mabuti at totoo ngang may pagkakahawig silang dalawa. "So you're Steve's girl?" Out of nowhere na tanong ni Aubrey. Kanina pa siya tahimik at ramdam ko ang mga titig niya kanina pa. "What? No! Haha that's impossible!" Agap kong sagot sa kaniya at may kabang tumawa pa para maging mas kapani-paniwala. Kung pwede lang e, why not? Charot. "Staff lang ako sa restaurant haha there's nothing between us." Pagpapaliwanag ko sakanila. Matamanan parin akong pinagmasdan ni Aubrey at pagkatapos ay nagkibit balikat lamang. "You should be" tanging sagot nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD