"Next"
"Next"
"Next"
"Nope"
"Ikot"
"No"
"Not that one"
ARGGGGGG! Bagsak ang mga balikat na pumasok akong muli sa fitting room at nakasimangot, muli kong sinabunutan ang sarili sa inis! Lahat na lamang ng isukat ko ay ayaw niya!
Napatingin ako sa isang basket pa ng mga damit na isusukat ko. Ang isang basket ay inilabas na ng sales lady sapagkat nasukat ko na ang mga iyon at ayaw ni Sir Steve.
I grab an off-shoulder blue dress that flows 2 inches above my knees. Tumingin akong muli sa full-length mirror sa harap ko. Tama lamang ang sukat ng dress na ito sa katawan ko. Hindi na gaanong halata ang taba sa katawan ko sapagkat nitong mga nagdaang araw ay stress ako masyado sa pagsasabay ng trabaho at mga patong-patong na plates at kailangan ireview sa school. Hindi ako payat pero hindi na rin sobrang taba. Siguro ay nabawasan ng kaunti dahil narin sa pagod at konti lamang ang oras para sa pagkain.
Lumabas ako ng fitting room, paglabas ay nandoon pa rin si Sir Steve na abala sa pagpindot ng mabilis sa kaniyang cellphone.
"s**t! Def niyo yung top! Ano ba 'yan! Puro cancer kakampi! Push na! s**t!"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Naglalaro din pala ng mobile legends ang mga mayayamang tulad nito? Akala ko ay pagpapayaman at paggasta lamang ng pera ang ginagawa nila.
Tumikhim ako upang maagaw ang kaniyang atensyon. Nang tumingin ito sa akin ay pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Nagtagal ang kaniyang tingin sa akin kaya nakaramdam ako ng kaunting hiya. Humawak ako ng aking batok at naghihintay ng kaniyang sasabihin ngunit ilang segundo pa ang lumipas ay nakatingin lamang ito.
"A-ah sir?"
"(You have been slain!) (Wiped out) (Our base is under attack)"
"s**t! s**t! Arg! Natalo pa amp, sayang star" inis na ibinaba nito ang kaniyang cellphone at muling lumingon sa akin. Nakatayo lamang ako sa harap niya at hinihintay siyang magsalita.
"Pwede na 'yan" sabi lamang nito at tumayo na na. Lumabi ako sapagkat tila hindi naman talaga niya nagustuhan at naiinis na siya bukod sa pagod na siguro sa pamimili ng damit para sa akin ay natalo pa ito sa mobile legends dahil sa pagtawag ko sakaniya.
Nang makapagbihis ay nagtungo muna ako sa powder room sa loob mismo ng boutique. Paglabas ay nakita kong nakatayo na siya sa labas at may hawak na mga paper bags. Marahil ay pinamili niya iyon para sakaniya. Lumapit ako dito at umayos naman siya ng tayo nang mapansin ako.
"Let's eat first bago bumalik sa hotel" tumango lang ako sakaniya at sumunod nang maglakad na siya papasok sa isang fastfood chain. Kunot ang noong tumingin ako sakaniya.
"Why? You don't like it here?" Kunoot din ang noong tanong niya sa akin.
"Nagtataka lang po" maiksing ani ko sakaniya. Tumagilid ang kaniyang ulo ngunit tumango na lamang siya at dumiretso na sa counter. Ako naman ay inutusan niyang maghanap na ng mauupuan.
Madami ang tao sa loob ng fastfood chain ngunit may iilan paring bakanteng upuan kaya hindi ako nahirapan sa paghahanap.
Napangiti ako sapagkat gustong-gusto ko talaga kumakain dito, mula bata ako ay ito ang paborito kong kainan ngunit madalang lamang ako mapadpad dito dahil nga sa imbis na ipangkain ko dito ay ibinibili ko na lamang ng isang putahe na kasiya na sa isang buong araw sa halagang trente pesos. Hindi naman kamahalan ang pagkain dito tulad ng sa mga restaurant ngunit mas magiging practical kung dun ako sa mas makakamura.
Dumating na si Sir Steve dala ang isang tray, may laman itong tig-dadalawa spaghetti, sundae, fries, at dalawang plato na may tig-dalawang rice din.
"Five minutes pa daw bago ang chicken, let's just wait for it" sabi nito habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa.
Dumating na din ang isang bucket ng chicken. Pati ang drinks na inorder niya.
Sinimulan na namin ang pagkain, tahimik lamang kaming dalawa. Hindi ako nag- initiate ng usapan dahil ang kapal naman siguro ng mukha ko para kausapin siya ng ganon-ganon na lang dahil boss ko siya.
"Bakit ang tahimik mo naman yata?"
Umangat ang tingin ko sakaniya, habang siya ay ibinaba na ang kutsara't tinador at matamang nakatingin sa akin. Pinagsiklop pa niya ang dalawa niyang kamay at ipinatong doon ang kaniyang baba upang pagmasdan akong maigi.
Lord, napaka-gwapong nilalang naman nito.
"H-huh? G-gutom lang sir hehe"
Tumango at ngumiti naman ito sa akin. Jusko! Mahuhulog pa yata ang panty ko sa sahig dahil sa lalaking ito.
"Later at 7, meet me at the lobby. Choose anything from these clothes." Sabi niya at iniabot sa akin ang napakaraming paper bags na dala niya kanina.
"P-po? S-sa akin po yan?" Nagtatakang tanong ko rito.
"Isn't the reason why we are here is to buy you clothes?"
"Sir, ang dami nito at wala po akong maipambabayad sainyo" kinakabahan ako dahil baka ibawas sa sweldo ko ito at kahit isang taon kong sweldo ay hindi sasapat upang ipambayad rito.
"Accompanying me here is already enough to pay for these." Nag-init ang mukha ko dahil sa pag-ngiti nito ng matamis sa akin. Tila tinutunaw ako noon at ang mga mapuputi at pantay-pantay nitong mga nginipin ay nakakapang-akit. Lahat yata sa lalaking ito ay nakakahalina.
"Tsaka hindi po ba't wala kayong nagustuhan sa mga sinukat ko kanina?" mahinang ani ko sakaniya na nagpakunot ng noo niya. Pakuwa'y humagikgil ito ng mahina at umiling-iling pa.
"You really think na hindi ko gusto lahat ng sinukat mo kasi hindi mo bagay?" Tanong nito sa akin at tanging tango lamang ang isinagot ko.
"I really disapproved some clothes because it is too short and too revealing for you..."
"P-pero sir diba, wala ka naman napili?"
"Well,I do have chosen so much clothes for you! You don't know how gorgeous and sexy you are on these clothes,I'm afraid baka maagaw ka sa sobrang sexy at ganda mo...."
Shit.