Six

1020 Words
Ilang beses na akong pabalik-balik dito sa kwarto ng hotel kung saan ako nakacheck-in. Kung kahapon ay sobrang saya ko dahil ako ang napili ni sir Steve para maiwan kasama niya, ngayon ay nanlulumo ako. Girl, diba nga wala akong dalang damit? Ano isusuot ko sa stay ko dito? Paano nalang kung ayain niya ako lumabas? Paano kung mag-gala kami, mag dinner date ganon? Paano ko siya maaakit? Oo na medyo makapal yung mukha ko para isipin na aayain niya ako ng date pero sis diba? Why not? Charot. Hindi naman ako pwedeng magpadala ng damit sa kapatid ko kasi haler? Ang layo ng Tarlac. Alangan naman ipadala pa niya sa J&T o kaya Ninjavan ang mga underwear ko? Mas lalo namang hindi ako pwedeng bumili nalang, wala nga akong pera kaya nga nagttrabaho duh~. Isa lamang akong hamak na magandang babae ngunit dukha. I opened my f*******: messenger kasi nga free 'yon sa android phones. Dahil nga dukha sis, wala din akong load pang-text or call kaya dito ako sa messenger nagchachat. I clicked Gelli's icon. Gellianda Marquez [Sup sis? Ur so swerte talaga hmp!] Guadalupe Reyes [Bakla ka! I'm in trouble!] Gellianda Marquez [Ay, anong keme na naman 'yan bruha ka?] Guadalupe Reyes [Gaga, e wala nga akong damit diba? Yung iniwan mong oversize t-shirt nalang yung natira, ano isusuot ko dito?] Pagkatapos ko isend sakaniya ang chat ko, isang chat head naman ang lumabas. Art B [Hey, where u at?] Wow asensado ang gago, may pa english. Ano na naman kaya ang kailangan nito? Delivered pa lang ang message ko kay Gelli at hindi pa niya ito na-seen kaya naman nireplyan ko muna si Art. Guadalupe Reyes [Tarlac] Art B [Still? Diba dapat e umuwi ka na kahapon?] Paano naman niya alam na dapat umuwi na 'ko? Bago pa ako makapag-type ng reply, nag pop-up na ang chat head ni Gelli. Gellianda Marquez [Problem solve ?] Huh? Paanong problem solve? Bago pa ako makapag-type ng reply ang may nag Text sa akin na isang unknown number. +6390123456789 Meet me at the lobby. -Steve O to the M to the G! Omaygash!!!!! s**t! What to do? Dali-dali akong tumayo sa kama sumabit pa ang isa kong paa sa kumot dahilan para madapa ako at unang tumama sa sahig ang mukha. s**t lang, malas! Nang makatayo ay mabilis akong tumakbo papunta sa cr para maligo. No choice ako kundi isuot ang natitira kong damit na pinahiram lang ni Gelli. Dahil mahilig naman 'yon sa oversized shirt e nakahiram ako sakaniya kaso isa lang dahil sakto lang din ang damit na dala niya. Sakto naman sa akin ito kaya okay na din ipinartner ko ito sa nilabhan kong jeans at isang lumang pares ng converse shoes na nabili sa online shop. After i-blow dry at suklayin ang buhok ay hinayaan ko na itong nakabagsak. Nagbaby powder, liptint at nag blush din ako gamit ang lip and cheek stain na pinahiram din sa akin ni Gelli. Syempre mga sis, isang Adonis na makalaglag panty ang kikitain ko, kahit na alam kong maganda na ako e kailangan ko rin mag-ayos para naman hindi ako mag-mukhang basahan sa harap ng aking honeybunch sugar pie. Lol. #diabetes. Mabilis pa sa News Flash sa T.V. ay nakarating ako kaagad sa lobby. Luminga-linga ako ngunit hindi ko siya makita. Scam naman pala itong baby ko! Pinapunta niya ako dito wala naman pala siya! Hmp! Nakanguso ako habang nakasimangot. Sayang naman pagpapaganda ko kung iindyanin niya ako 'no! Naku ha! Pag talaga nakita ko siya may sapak siya sakin! Sasapakin ko siya gamit labi ko! "Hey" "Ay kabayong kiss!" Halos mapatalon ako sa gulat ng may isang lalaking humawak sa aking balikat. Ang bigat ng kamay niya sis. "What?" Tanong niya kahit nakangisi naman at parang amazed na amazed pa. Wafu mo sir, ang sherep me shepeken neng kish. "Ah, e sir kayo na po pala hehe" pabebe kong sabi dito at itinago pa ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga. "Let's go" tanging sabi nito ngunit naka-ngiti. "P-po? S-saan po sir?" Nagtatakang tanong ko rito. Baka ito na 'yon. Baka aayain na niya akong makipag-date sakaniya. Hala, hindi ako prepared. Ang pangit pa ng suot ko ngayon. Hindi ko rin sure kung nag toothbrush pa ako, huhu. Hindi niya ako sinagot at diretso lang ang lakad niya palabas ng hotel, doon nag-hihintay ang isang napakagandang sasakyan. It's a f*****g Rolls-Royce Dawn my dude! The f! Nakita ko ito non sa f*******: at nakakalula naman talaga ang presyo dahil sobrang ganda nito. According sa nabasa ko it is billed as the quietest drop-top ever produced. Ginawa ito lalo na ang convertible top nito to open and close in silence. Sabi pa nga sa nabasa ko noong sinearch ko ito sa internet ay isa itong ultra-luxury car! Sobrang naagaw ng atensyon ko ang kotseng iyon kaya nagresearch talaga ako. WOW!! s**t ang yaman ng mapapangasawa ko!!!! Nakakalula, kumikinang iyon sa ganda parang nakakatakot sumasakay ang isa hampaslupang katulad ko. Nang mas lalo akong mapalapit dito ay lalo akong namangha, nanginginig ang kamay ay dahan-dahan kong hinaplos ito. Shit girl! Ang kinis! Hiyang-hiya ang peslak ko!!!!! "What are you doing?" Napa-ayos ako ng tayo nang magsalita muli si Sir. Naka-sakay na pala ito at hinihintay na lang ako. "Ah eh sir, nakakahiya kasi sakyan kayo" wala sa sariling ani ko na siya namang nagpalaglag ng panga niya. Kahit ako ay nagulat din. Ano ba naman Guada, palpak ka talaga kahit kailan! "... What I mean sir is nakakahiya sakyan itong sasakyan niyo, mahal pa po yata sa buhay ko 'to e hehe" "Silly, sumakay ka na" natatawang ani nito sa akin. Sumakay na ako, dahan-dahan pa nga dahil baka magasgasan ko ang sasakyan. Pinagsuot niya ako ng seatbelt kaya sinunod ko siya. "Ano, komportable ka bang sakyan ang kotse ko?" Tanong nito sakin bago buhayin ang sasakyan. Tumango lang ako sakaniya habang nakangiti. "Pero mas komportable 'yan kung ako ang sasakyan mo" panunukso nito na siyang nagpanganga sa akin at nagpapula ng buong mukha ko dahil sa kahihiyan. Humagalpak pa siya ng tawa bago humarurot ang sasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD