Five

1366 Words
"Since day one, it was you and until death it will always be you" Madamdaming mensahe ng groom habang malalim na nakatingin sa kaniyang asawa. Pinunasan niya ang takas na luha mula sa kaniyang mga mata at ngumiti ng matamis bago halikan sa noo ang bride. Patuloy din sa pagluha ang bride ngunit bakas ang kaniyang lubos na kasiyahan. Maging ang mga nanonood lalo na ang pamilya ng dalawa ay hindi narin napigilan ang pagluha. "Huhu sana all, I'm happy for them" Dinig kong bulong ni Gelli mula sa aking tabi. Nagpupunas din ito ng luha, na akala mo ay sobrang close sa ikinakasal. "Ay bakla, member of the family?" Sagot naman sakaniya ng isa ko pang kasama habang nasa buffet table. Inirapan naman ito ni Gelli at pabirong sinabunutan pa. Napa-iling nalang ako sa pagbabangayan nila. Muli kong tinuon ang paningin ko sa harapan kung saan ang babae naman ang nagbibigay ng mensahe sa kaniyang asawa. "I hated you from the start and I never knew that I will be loving so much you now. I caused you so much pain. I know I am not a perfect girlfriend to you and I am so sure that I will also not be a perfect wife. But I promise you that whatever happens I will always stay by your side...." huminto muna ang bride upang huminga ng malalim at punasan ang kaniyang mga luha. Tumawa pa ito nang muli ay may takas na luhang pumatak sa kaniyang mga mata. "... nung binuhat mo ko sa mobile legends, I already knew you were the one" pagbibiro niya at kumindat pa sa asawa, nagtawanan naman ang mga bisita at nagpalakpakan ng muling mag-tagpo ang kanilang mga labi. Matapos ang palitan ng mensahe ng bagong kasal at mga mensahe na mula sa kanilang pamilya ay hinayaan ng magsikain ang mga bisita. Kaya naman naging abala na kami upang i-assist sila. Nagsimula nang magsikain ang mga bisita sa kanilang mga lamesa. Maya-maya lang ay after party na at simula na ng inuman, tanging mga bartender nalang ang maiiwan sa aming pwesto, papalitan kasi ang set up namin na para bang isang bar. Maingay ang paligid dahil sa kwentuhan ng bawat grupo na imbitado sa pagdiriwang at nadagdagan pa iyon ng pagtugtog ng isang banda. Kilala ko itong bandang ito sapagkat sikat din sila sa industriya ng musika. Napaka-aliwalas ng paligid dahil sa malawak na garden ng hotel ginanap ang reception. White and pink ang theme ng decorations at halatang mamahalin ang mga kagamitang ginamit. Magagara din ang suot ng mga bisita na malalaman kaagad na branded at kilala ang mga may gawa. Ang mga designer bags and shoes ng mga ito ay talaga namang 'di magpapatalo sa isa't isa. Napaka-engrandeng kasal. Naagaw ng atensyon ko ang isang taong pilit itinutulak ng mga mga kalalakihan sa stage. "Go Steve! " kantyaw pa ng mga bisita. Nagtawanan naman ang mga lalaki na pilit pa rin siyang tinutulak. Wala na siyang nagawa kundi kumamot sa ulo at padabog na umakyat sa stage. Inabot ng vocalist ng banda sakanya ang mic at may nag-abot din sakanya ng upuan at gitara. Nakasuot ito ng puting botton down polo na naka-angat ang sleeves habang sa siko. Naka-brush up ang buhok nito kaya naman lalong nadedepina kung gaano kagwapo ang kaniyang mukha. Malakas ang dating nito lalo na sa mga kababaihan na nasa venue. Marami ang di magkamayaw sa kilig lalo ng tumawa ito sa mga kaibigang pinagtitripan siya. Siya yung lalaking kasama ng manager kagabi sa restaurant. Ibig sabihin ay siya ang may-ari ng restaurant kung saan ako nagtatrabaho. "s**t" bulong ko sa sarili nang maalala kung paano ko siya pagpantasyahan bago matulog at maging sa panaginip ay nakikita ko siyang hubad. Lagot ka Guada! Pinag-pantasyahan mo ang boss mo!! Naramdaman ko ang isang sikong tumama sa aking tagliran at nakita si Gelli sa gilid ko habang tulad ko ay nakatingin din sa lalaking kumakanta sa harap at nakangiti pa na parang nobya na proud na proud dito. "Girl, ano bang itsura 'yan? Para kang natatae habang nakatingin kay sir eh napaka-gwapong nilalang niyan!" Nang lingunin ko siya ay nakita ko kung paano kumislap ang kaniyang mga mata. Napa-hinga ako ng maluwag dahil alam kong pareho kami na pinapantasya ang makisig na lalaking ito. Well, kaya nga kami mag-kaibigan eh. Pareho kaming maharot. Bumaba na siya sa stage at nagpalakpakan naman ang mga tao. Pabirong nag-bow pa ito kaya't inulan ng tukso ng mga kaibigan. Hapon na nang magligpit na kami at inumpisahan ng gawing bar ang set up ng paligid. Pagod na pagod na ako dahil sa maghapong pagtatrabaho. Iniisip ko pa ang mga assignments na gagawin ko pagkadating ko sa bahay. "Baklaaaaaaaaaa!!! Good news!!!!!" Excited na sabi ni Gelli habang nag-aayos kami ng gamit sa hotel room namin. "What?" "Walang pasok this week! May seminar professors ng department natin! OMG! GOD IS GOOD!" Masayang sabi niya at nakataas pa ang dalawang kamay kaya pati ako ay natuwa din sa ibinalita niya. Buti nalang dahil talagang kailangan ko magpahinga huhu. Malapit na kami matapos nang may kumatok at iniluwa noon ang manager namin. Oo iniluwa! Hahahaha "Tapos na ba kayong mag-ayos? Wag na kayong bagal-bagal dahil aalis na tayo. Tsaka siguraduhin niyong wala na kayong naiwan!" Mataray na sabi niya habang nakatayo sa likod ng pinto ay naka-krus ang damay kamay sa harap ng dibdib niya. 'Tong matanda na 'to napaka-sungit. Palibhasa matandang dalaga! "Wag kayong paimportante na parang boss at kailangan pa kayong hintayin" pangaral pa nito sa amin kahit na alam ko namang ako ang pinapatamaan niya. Gelli is mocking everything she said kaya naman natatawa ako dito ay patagong kinukurot siya dahil baka mahuli siya ng matanda. Napa-aray naman siya kaya dumako ang tingin ni Ma'am Cato sa amin. "Anong binubu--- ARAY!!!!!" Napatayo kami nang bigla itong masubsob sa sahig dahil sa malakas na pagbukas ng pinto at nakitang si Sir Steve ang nandoon. Naghagikgikan naman ang mga kasama ko sa kwarto sa itsura ni Ma'am Cato. Ang salamin kasi nito ay nahulog sa sahig at siya naman ay nakadapa habang nakabuka ang dalawang binti kay lumilis ang paldang suot nito. Palihim naman akong napangiti hindi dahil sa nangyari kay Ma'am kundi dahil kay Sir. Oo na, maharot na ako. Pero sino ba namang hindi rurupok kung ganiyang kagwapo ang isang alagad ni Adan? "Oh s**t! I'm so sorry, I didn't know you were there" Mabilis niyang tinulungang tumayo si Ma'am Cato. Inayos naman ng huli ang kaniyang salamin at ang damit nito habang nakahawak sa balakang. "Are you okay? Does it hurt?" Alalang tanong ni Sir Steve sakaniya. Pero shet na malagkit! Inihilig niya ang balikat niya kay Sir at umaktong sobrang nasasaktan. Hinaplos pa niya ang dibdib nito at yumakap. Aba! May tinatagong harot din pala itong si Ma'am! Balak pa akong agawan kay Sir! Inalalayan naman siya ni Sir paupo sa sofa na nasa room namin. Nang maayos na ay bakas ang ngiti sa labi ng matanda. "I came here to say thank you for the help" baling sa amin ni Sir. Ngumit naman kami sa kaniya at tumango. May isa pa ngang nagsabi na trabaho naman daw namin iyon. Gumanti naman ng ngiti sa amin si Sir. Nakatingin lang ako sakaniya at ninanamnam ang bawat sandali na nakikita ko siyang nakangiti. Sana lang ay walang tumulong laway ko dahil nakakahiya. "So sino ang may gagawin sainyo this week?" Tanong niya sa amin ng nakataas ang kilay pero nakangiti. Nagtataka ngunit lahat kami ay nagtaas ng kamay. Tinanong niya kami isa-isa. Ako ang nasa dulo kaya ako ang huling tatanungin. Sinabi ko na lamang na gagawa ako ng assignments ko. "Okay, Guada right? You stay here" sabi niya na ikinabigla ko maging ng mga kasama ko. "S-sir?" Gulat na sabi ko habang nakaturo pa sa sarili. "Yes, I need you here with me" sabi niya at umalis na. Shit! Ang bilis ng t***k ng puso ko. Lakas maka-girlfriend ng "I need you here with me". Hindi na ako nakapagreklamo ng tumango ito at lumabas na ng silid. Narinig ko pang nagrereklamo si Stella kung bakit daw ako. May ngiting tagumpay naman akong tumingin sakaniya. Huh! Manigas ka sa inggit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD