Four

1638 Words
Malakas ang ulan at sinamahan pa ng malamig na hangin. Nagtatakbuhan ang mga tao upang sumilong sa kahit anong bagay o lugar para lamang hindi sila mabasa. Biyernes ngayon at natural na marami talagang tao sa kalsada dahil uwian at payday pa. It's already seven in the evening and I'm still here stucked in a waiting shed, waiting for a jeepney. Napatingin ako sa relos ko at marahang napakagat sa ibabang labi. 30 minutes nalang ay late na ako sa shift ko sa restaurant. Padami na ng padami ang mga taong nagsisiksikan sa waiting shed kung saan ako naroroon. Nababasa na nga ako dahil sa mga basang tao na katabi ko na hindi nagkamayaw sa pagpagpag ng mga kausotan nila. Maingay na nagrereklamo ang mga ito na sumabay pa sa ingay ng malakas na ulan na pumapatak sa bubong ng kinaroroonan namin at mga sasakyang nagdaraan sa kalsada. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa at nakitang tumatawag si Gelli, isang co-waitress ko sa restaurant at kaklase ko din. ["Bakla ka! Nasaan ka na? Baka nakakalimutan mong may trabaho ka ngayon?] Napakunot ang noo ko. Ni hindi man lang ako hinayaan ako hinayaang magsalita ng bruha. "Well hello to you too b***h" sarcastic na bati ko dito at umirap sa kawalan kahit na alam kong hindi naman niya makikita. ["Bruha ka wag mo kong mabitch b***h d'yan aba! Anong oras na 'ho senyora pinapalala ko lamang na may trabaho 'hong nag-hihintay sainyo"] "Alam ko okay? Stranded nga ako dito sa palengke dahil umuulan at walang jeep na dumadaan papunta 'jan sa restau, tsaka may 30 minutes pa naman ako bago yung shift ko" paliwanag ko sakaniya habang humahaba ang leeg na lumilingon kung may jeep na bang dadating. ["ANONG 30 MINUTES???? GAGA KA BA? NAKALIMUTAN MO BANG MAY SERVICE TAYONG GAGAWIN SA TARLAC BUKAS AT MAY CALL-TIME TAYO NA ALAS SIETE? MAIIWAN KA NG SERVICE BABAE KA NAKO!!"] HALA, s**t! NGAYON BA 'YON? Mabilis kong inilayo ang cellphone ko sa aking tenga at chineck ang date ngayon. OO NGA PALA! Naihampas ko ang palad ko sa noo. Nawala sa isip ko na ngayon na nga pala iyon. Kasama nga pala ako sa mga magseservice sa isang kasal sa Tarlac. s**t na malagkit! ["Ano natahimik ka? Naalala mo na? Ano ka, My Amnesia Girl? Nako Guada bilis-bilisan mo kumilos habang wala pa si Sir, kundi malilintikan ka!" Binaba na niya ang tawag. Lumingon ako ulit kung may jeep pa na padaan pero wala talaga. Kainis. Palagi nalang talaga ako minamalas. "Aish!" Ginulo ko ang buhok ko sa inis at walang lingon- lingong tumawid ako sa highway at tumakbo papunta sa restaurant ng hindi iniinda ang malakas na ulan. Ngunit sa kalagitnaan ng pagtakbo ay napahinto ako nang may sumagi sa isipan ko. Marahas ako muling napasabunot sa sarili nang mapagtantong wala nga pala akong dalang extrang damit kundi isang pair lang ng underwear. "Argggg, shete!" Gagawan ko nalang ng paraan! Nagpatuloy ako sa pagtakbo at nadatnan silang naghihintay sa labas ng restaurant. Basang-basang lumapit ako sakanila. Nakahawak ang isa kong kamay sa dibdib ko at ang isa naman ay sa tuhod. Hingal na hingal ako dahil sa pagtakbo. "Sakto!" May ngiting sabi ko pa ng makaabot ako sa pwesto nila. "Gaga ka! Bakit basang-basa ka?" Bungad sakin ni Gelli. Inismiran ko siya dahil sobrang nakakatanga ng tanong niya. "Ay attitude ka sis?" Sabi niya nang makita ang pagismid ko. "Tanga-tangahan girl? Baka kasi umuulan kaya basa ako diba?" Sagot ko naman sakaniya. Inabutan naman ako ng tuwalya ng isa naming kasamahan. Nagpasalamat ako dito at muling tumingin kay Gelli. "Bakla, may problema" sabi ko sakaniya habang hinihingal pa din. "Ano? Gaga wag mong sabihing buntis ka?" Binatukan ko naman ito. Paanong mabubuntis e wala ngang jowa. Gaga din ito e. "Wala akong extrang damit na dala" imbis ay sagot ko sakaniya. "Boba ka talaga! Sabi ko na nga ba't nakalimutan mo e!" Sabi niya at umiiling pa. Lalo namang nalukot ang mukha ko at di alam ang gagawin. Biyernes palang ngayon, at sa linggo pa ng umaga ang uwi namin. Itong t-shirt at jagger pants lang na suot ko pati ang uniform ang dala ko. "Bilisan mo, bakla at baka may mahanap tayo sa locker room" sabi ni Gelli nang nagmamadali ngunit bago pa kami makapasok sa loob ay lumabas na ang manager at may-ari ng restaurant. Nanlaki ang mata ko habang ramdam ko namang kinabahan si Gelli kaya pati ako ay kinabahan na 'din. "s**t" bulong ko sa sarili. "Wala na bang hinihintay?" Tanong ng manager at bumaling sa amin ni Gelli. "Saan kayo pupunta?" Tanong niya ng nakataas ang kilay sa akin. Hindi ko alam ang gagawin kaya pasimple kong siniko si Gelli para siya na ang sumagot. "A-e-kasi po Ma'am nakalimu-" "Ay ma'am! Nakalimutan po atang isara yung locker room kaya po ich-check namin hehe" pagputol ko sa sasabihin ni Gelli at ngumiti ng malaki sa manager kahit na kinakabahan. Nilingon ko si Gelli at pinanlakihan ng mata habang naka-ngiti pa din ng pilit. Gaga 'tong Gelli na 'to ipapahamak pa ako e alam naman niyang masungit itong manager naming matanda. "Ah-opo! Opo! Ganun nga po hehe" pagsakay ni Gelli sa palisot ko. Nagtaas lalo ng kilay ang manager pero lalo ko lang siyang nginitian. Nagawi ang tingin ko sa lalaking katabi niya at nakitang tumaas ang labi nito na parang nagpipigil ng ngiti. Napansin niya sigurong nakatingin ako sakaniya at nakakunot ang noo kaya napa-ubo siya at biglang bumalik sa seryoso ang mukha niya. Problema nito? "Sige na, dalian niyo! Ginagabi tayo dahil sainyo, masyadong paimportante" masungit na sabi ni Miss Cato at naglakad na papasok sa van. "Sungit" bulong ko ulit at nagmadali na kaming nagpunta sa locker room. Pagpasok 'don ay binatukan ko kaagad si Gelli. "Bruha ka! Isusumbong mo talaga ako?" Sabi ko dito at nag peace sign lang ang gaga. Naghanap na ako kaagad ng gamit sa locker at nakita ang isang pulang t-shirt doon at isang maong jeans. "Pwede na 'yan girl labhan mo nalang pagkahubad mwehehe" Sinuot ko na sa bag ko ang damit at nagmamadaling lumabas. Naka-sakay na sila sa isang van at kami nalang ang hinihintay. "Ang tagal parang mga boss, sila pa hinihintay" pagpaparinig sa amin ni Stella nang maisara ko na ang pinto ng van. "Ay excited ka girl? First time mo?" Pabalang na sagot naman sakaniya ni Gelli at inirapan pa ito. Bukas pa ng hapon ang kasal kaya may oras pa kami para maghanda. Ilang oras lang naman ang biyahe papunta sa Tarlac. Kaibigan kasi ng may-ari ng restaurant ang ikakasal kaya't kami ang magseserve sa reception. Limang waitress at limang waiters ang napiling ipadala para sa kasal liban pa sa mga chef at assistants. Hula ko ay engrande ang magiging kasal dahil halos kalahati yata ng empleyado ng restaurant ay ipinadala. Malayo-layo pa ang byahe kaya't natulog muna kami dahil paniguradong pagod na naman bukas. "Bruha, gising na nandito na tayo" kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa relong nasa braso ko. Hating gabi na pala at nandito na kami sa hotel na pagtutuluyan namin. Sosyal naman pala mga sis, hotel pa ang nais. Mabigat ang katawang sumunod ako sakanila paakyat sa kwarto namin. Anim kami sa kwarto kasama ang isang babaeng assistant chef dahil sa malamang ay hiwalay ang kwarto ng mga babae sa mga lalaki. Ang swerte naman nila kung makakasama nila kami sa kwarto, charot. Pag-pasok sa hotel room ay nagkanya-kanya na sa sa pagpili ng pwesto nila. Malaki ang kwarto at kasya kaming anim na tig-iisa ang higaan. "Achooo" "Ano ba 'yan Guada, nagdala ka pa ng virus" maarteng sabi ni Stella habang naka-upo sa kama niya at nag seselfie pa. Tsk. Itong hipon na 'to kung makaasta akala mo maganda, mukha namang alipunga. Duh~ Pero siyempre hindi ko sinabi sakaniya 'yon. Pagod ako at masama ang pakiramdam para makipag-talo sakaniya. Pumasok na ako sa loob ng banyo at namangha din sa laki at ganda nito. Ang mahal siguro nito. Naligo na ako at pinatuyo ang nilabhang damit gamit ang hair dryer na naroon para may maisuot pa ako sa susunod na araw. May nakita akong robe na nakasabit kaya yun nalang ang isinuot ko at sa loob ay isang cycling shorts lang at sando. Pwede na 'to para tipid sa damit. Nang lumabas ako sa banyo ay nakita ko silang kumakain siguro ay room service na ipinadala para sa mga empleyado ng restaurant. Wow, nice. Kung gaano kagara ang banyo at mga kagamitan sa kwartong ito, ganon rin ang kanilang mga pagkaing inihain. Akala mo talaga ay mga guest kami rito. Nakaka-tulo ng laway ang mga pagkaing naka-hapag. Halatang mamahalin at kahit ilang buwang sweldo ko ay hindi ko afford ito. Pagkatapos kumain ay kaniya-kaniya na ang lahat at naghanda na para matulog. Beauty rest daw para maganda sila bukas. Feeling ikakasal ang mga bruha. Pagkatapos mag text kila Ariane at sabihing nasa Tarlac ako dahil sa trabaho ay nahiga na rin ako. Matutulog na sana nang biglang sumagi sa isipan ko ang lalaking kasama ng Manager namin kanina. Sino siya? Naalala ko ang pagpipigil niya ng ngiti at ang biglang pagseryoso nito nang makitang nakatingin ako sakaniya. Gwapo siya,matangkad na aakalain mong basketball player, maganda ang katawan at mukhang alaga sa gym. Maputi at makinis din ito kaya halatang mayaman, matangos ang ilong at may isang pares ng malamlam na mga mata na parang hinihigop ka pag nakatingin, at higit sa lahat ay mayroon siyang mapupula ang mga labi na parang ang sarap halikan. Napakagat ako sa ibang labi ko habang nagpiigil ng ngiti at pinagpapatansyahan ang estrangherong lalaking iyon. Hays, napakagwapong nilalang. Tila isang anghel na bumaba sa langit upang alayan ko ng aking sarili. Ay shete ano? Kumekerengkeng na naman ako sa isip ko. Jusko ,Guada! Maghunus-dili ka. Napakaharot mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD