"When solving for work problems, we can use plenty of formulas such as when we are looking for how much work is done in a specific time or when we are looking for the rate in the work done."
Tumalikod na ang professor upang magsulat ng word problem sa white board. Sa kalagitnaan ng pagsusulat niya ay siya namang pagpasok ng isang malakas na hangin, este ni Art.
Nang makita ko si Art ay muli kong naalala ang nangyari kagabi. Buong gabi kong kinumbinsi ang sarili kong dahil lamang sa inis ang biglaang pagbilis ng puso ko at wala nang kahit ano pang dahilan.
Napag-tanto ko ring marahil naging asar talo ako kagabi at nag- inarte ng sobra dahil lang sa isang maliit na bagay. Pero kasi nakakainis naman talaga siya!
Oo, Tama! Nakakainis talaga siya! Naiinis ako sa kaniya. Naiinis lang ako sakaniya! Inis lang 'yon.
Pasimple siyang naglakad patungo sa tabi ko upang hindi mapansin ng guro ang kaniyang pagka-late. Uupo na sana siya nang humarap ang guro at diretso ang mga matang nakatingin sakaniya.
"What is your name Mister?" Taas kilay na tanong ng Professor sakaniya. Ako ang kinakabahan para sakaniya sapagkat kalat sa buong university na terror daw itong professor na ito.
"Art po Ma'am" simpleng sagot ni Art.
"I am asking for your full name and there is no Art in my list. Are you sure you belong to this class?" Masungit na ani ng Professor habang nakatingin pa rin sa listahan ng mga names ng students niya.
Nag-angat naman ng tingin si Art at napahawak sa kaniyang batok. Napabungisngis naman ako dahil alam ko na ang dahilan. Iniisip ko na lamang na ganti ko na ito sakaniya para sa araw- araw na pambubwisit niya sa akin. Kahit na hindi naman talaga ako ang may kasalanan kung bakit tila napapahiya sya ngayon.
"A-artemeo Batumbakal po Ma'am" hiya niyang banggit ng totoong pangalan niya. Maging ang ibang kaklase namin ay napabungisngis din.
"Okay Mr. Batumbakal, since you're late, solve this problem"
Tumango lamang siya at mabilis nang naglakad papunta sa harap at kinuha ang marker sa Professor upang sagutan ang word problem. Parang mani lang sakaniya ito habang nagsusulat ng kung ano-ano sa white board.
Mabilis lang siyang natapos sa pagsosolve. Nang masulat niya ang huling numero sa kaniyang solution ay isinara na niya ang marker at nakangiting humarap sa guro.
Maglalakad na sana si Art papunta sa pwesto namin nang pigilan siya ng guro.
"Explain." anito na wala paring bakas ng kahit anong reaksyon sa mukha. Muling humawak sa buhok niya si Art at marahang tumango sa Professor bago humarap sa klase at nagsimulang magpaliwanag.
"If A can do the job in 4 hours and B can do the same job in 8 hours, working together from start, (a) what part of the job have they done in 2 hours, and (b) how many hours can they finish the job"
"So here is the solution. Rate is equal to one divided by the time to finish the work. So, we can say that Rate of A is 1/4 and the Rate of B is 1/8"
Confident na pagpapaliwanag ni Art sa unang part solution niya. Nagpatuloy pa ito na tila siya ang guro at 100% na tama ang sagot niya.
"Then for question (a), we will solve for the part of the job they have done in 2 hours. We will use the formula of Work Done which is equal to the Rate multiplied to time and since they are working together we will add the work done by A and B. Therefore, 1/4(2)+ 1/8(2)= 3/4. Meaning, 75% of the work is done. "
Seryoso ang mukha ni Art habang nagpapaliwanag sa harap. Nilibot muna niya ang tingin niya sa buong classroom bago nagpatuloy.
"But we still need to look for the hours that A and B need to finish the work. Again, we are just going to repeat the steps in the previous question but the difference is that there is no given time. So it will be just like this..."
Tumalikod siya sa amin at nagsimula muling magsulat sa white board, bawat numera o letrang isinusulat niya ay binibigkas din ng mga labi niya upang mas maipaliwanag sa amin ng maayos.
"(1/4)t plus (1/8)t is equal to 1 complete job. We will factor the left side and it will become t(1/4 + 1/8)= 1. So to solve for t we will divide both sides with (1/4 + 1/8). Therefore, the time(t ) needed to finish the job is 2.667 hours."
Nang matapos siyang mag-discuss ay tumingin na siya sa Professor upang humingi ng pahintulot kung pwede na siyang bumalik sa kaniyang upuan. Tinanguan naman siya nito.
Bago siya umupo at tumingin pa ito sa akin.
"Di mo kaya 'yon, bleh!" Pagmamayabang niya sa akin.
"Tse"
"You're good Mr. Batumbakal, but I will not tolerate your behavior for being late in my class. This should be the last time, got it?" Masungit pa ring ani ng guro ngunit ngayon ay bakas na ang pagkatuwa sa magandang pagpapaliwanag ni Art sa kaniyang ibinigay na word problem.
"Yes, Ma'am. Palagi na po akong sasabay kay Guada para hindi na ko malate...."
Lumingon pa ito sa akin ng may matamis na ngiti. "...ito kasing asawa ko, madalas ay pinupuyat at pinapagod ako" tugon nito at tumingin pa sakin ng nakangisi sabay kindat. Napanganga naman ako sakaniyang sinabi.
Napuno ng panunukso ng aking mga kaklase ang buong silid. Hindi ba talaga nahihiya ang isang 'to? Ano-ano na lamang ang lumalabas sa bibig niya. Paano nalang, baka kung anong klaseng bagay ang isipin ng mga kaklase ko tungkol sa aming dalawa. Nakakainis talaga itong Artemeo'ng ito.
"WALA KA BA TALAGANG IBANG MAGAWA KUNDI BWISITIN AKO AT SIRAIN ANG ARAW KO?" sigaw ko sakaniya ng makalabas na kami ng silid. Hinampas ko ang braso niya ngunit parang hindi man lang ito nasaktan. Tumatawa pa ang gago habang umiiwas sa mga hampas ko.
"Bwisit ka! Bwisit ka! Nakakainis ka!" Patuloy ko pa. Wala na akong pakielam sa mga tao sa paligid basta naiinis ako!
"H-hoy ano ba, hahaha...aray.. aww"
"Gago ka! Ano bang problema mo?"
Hinuli niya ang mga kamay ko na pumapalo sakaniya.
"Aray! Hahaha... tama na Guada! Bakit ba ang lakas mo? Di ka ba napagod kagabi? Naka-ilan tayo kagabi ah?"
Maraming dumadaan ang napatingin sa aming dalawa dahil sa mga sinasabi niya. Mga tingin ng panghuhugasga ang dumapo sa akin.
"GAGO KA BA TALAGA? ANO BANG SINASABI MO? HINDI KA NA NAKAKATUWA!"
Hindi ko na napigilan ngunit tumulo na ang mga luha ko. Naiinis ako. Nakakagalit na palagi nalang akong tampulan ng tukso. Sa bawat araw na dumaan hindi pwedeng hindi ako pagtatawanan ko huhusgahan.
Ganito ba talaga dapat? Dahil ba hindi ako lumalaban sa mga panunukso nila ay hindi na nila ako titigilan?
Isang lisensya ba ang pagiging mabait ko sakanila upang abusuhin nila ako ng paulit-ulit?
"H-hoy Guada, b-bakit ka umiiyak?" Natatarantang sabi ni Art. Lumingon-lingon pa ito sa paligid at hindi alam ang gagawin. Hinawakan niya ako sa balikat. Napuno ng pag-aalala ang kaniyang mga mata.
"...Hala Guada naman, nagbibiro lang naman ako. Sorry na."
Hindi na ako sumagot. Kumalas ako sa mga hawak niya at nagpatuloy na sa pag-alis. Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko dahil sa inis at sama ng loob. Tinatawag niya ang pangalan ko ngunit hindi ko siya nilingon man lang. Bahala siya sa buhay niya. Gago siya.
~
Pero syempre hindi 'yon ang totoong nangyari. Sa sobrang inis ko sa mga sinabi niya, tinadyakan ko siya kung saan alam kong pinaka masasaktan siya. Napahiyaw siya at namilipit sa sakit. Ngumisi lamang ako at pinapanood kung paano siya yumuko at humawak sa kanyang pinaka-iingatan.
"s**t, Guada! Aww, hoooo ang sakit!!" Dinig ko sigaw niya habang nagpapatalon-talon pa na naging dahilan kaya napalingon ang mga tao sa kaniya. May ibang naawa sa itsura niya lalo na ang mga babaeng patay na patay sakaniya ngunit meron din namang di maitago ang ngisi sa kanilang mga labi.
"Serves you right as**ole!" Sabi ko at hinampas pa siya ng backpack ko. Iniwan ko na siya don para pumasok sa susunod kong klase. May lima pa akong klase para sa araw na ito kaya hindi na ako makakapunta sa palengke. Didiretso na lamang ako sa restaurant.
Nilingon kong muli si Art, nandon parin siya kung sana ko siya iniwan, namimilipit parin sa sakit. Napatawa naman ako dahil dinagsa pa siya ng mga babaeng patay na patay sakaniya at nagpapaligsahan pa kung sino ang mag-aasikaso sa kaniya.
'Yan ang bagay sayo. Gag*!
"Aray" tangina, ang bilis ng karma huhu. Hinimas ako sa noo kong tumama sa poste.
Lumingon ako sa paligid para tignan kung mayroong nakakita. Buti nalang at nasa garden part na ako ng university at isang nerd na busy sa pagbabasa lamang ang nandoon.
Nang makarating ako sa klase ko sa Calculus ay tsaka ko lamang naalala na classmate ko rin pala si Art dito at seatmate ko pa. Napasapo na lamang ako sa aking noo. Napakamalas naman talaga.
Kasabay ng pagpasok ng guro ay siya ring pagpasok ni Art sa silid. Bakas parin dito ang hirap sa paglalakad. Ngumisi naman ako habang nakatingin sa kaniya samantalang siya ay masama ang tingin sa akin. Nang makalapit ito sa akin ay inilapit niya ang mga labi sa aking tenga.
"Masakit iyon,Guada. Hindi nakakatawa"
"That's what you deserve" kibit-balikat kong sagot sakaniya.
"That's bad. Sinira mo ang pangarap kong, anakan ka ng sampung kambal Guada. Very bad" umiiling pa na sabi niya na parang disappointed talaga sa nangyari.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nakangisi siya nang lingunin ko. Tangina.
Sampung kambal?
Kaya ko ba iyon?
Ay teka! Bakit ko ba iniisip 'yon? Hayup na Art 'to ano- ano ang ipinapasok sa isipan ko!
"Bastos ka talaga! Nakaka-turn off ka!" Pasigaw na bulong ko sakaniya upang hindi kami marinig ng guro sa harapan.
"Ohh Guada, you're turning me on" mahina at mabagal na ani niya at kinagat niya pa ang ibabang labi niya habang itinataas-baba pa ang mga kilay na parang nang-aakit.
Napaka-bastos mo Artemeo!