"Good evening sir,ma'am. Table for two?"
Ngiting-ngiting bati ko sa bagong dating na customer. Pang-ilan na nga ba ito? Pagod na pagod na ang panga ko sa pag-ngiti isama mo pa ang nangingirot na paa dahil sa suot kong heels at matagal na pagtayo.
"Yes, please" ani ng babae at maarteng isinukbit pa ang kamay sa braso ng lalaki bago humilig dito.
Iginiya ko na sila sa kanilang lamesa at binigyan ng menu. Pansin ko ang pagtingin ng lalaki sa akin at alam kong pansin din iyon ng babaeng kasama niya. Tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa at inirapan ako na para bang napakadumi kong babae.
Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin sapagkat sanay na ako sa mga ganitong sitwasyon lalo na at matagal na rin ako sa trabahong ito.
Nang makuha ko ang order nila ay dumiretso na ako sa kusina at lumusot sa isang pinto roon patungo sa locker room ng mga waitress.
Nadaanan ko ang isang full-length mirror at napatigil ako upang pagmasdan ang aking sarili. Naka-suot ako ng white long-sleeved blouse tucked in a black skirt na siyang uniform ng restaurant.
Kulot ang mahaba kong buhok na naka bun ngayon ngunit may mga takas na hibla na bumaba sa aking mabilog at maputing mukha. Hinawakan ko ang mga malalaki kong pisngi na natural ang pagkapula.
Naalala ko tuloy si Art. Madalas niya ako tuksuhin na parang siopao daw ang mga pisngi ko at madalas niya pa iyong kurotin 'pag magkasama kami. Naglandas ang tingin ko sa aking katawan. Malalaking braso,tiyan na hindi maitago ang mga bilbil, at matatabang mga binti. Isang malungkot na ngiti ang iginawad ko sa sarili. Tama nga si Art. Pwede na itong ihapag sa lamesa tuwing fiesta.
Sa gitna ng pagmumuni-muni ko, pumasok ang isang katulad kong waitress din na si Shai. Nagkunwari ako nag-aayos ng buhok at damit .
"Daming customers ngayon ano Guada?, nakaka-pagod" bumuntong hininga ito. Lumihis ako upang bigyang daan siya papunta sa harap ng salamin.
Balingkinitan ang katawan ni Shai, maputi, mahahaba ang mga legs na pasok sa pageant o kaya naman ay modelling. Maliit ang mukha, maiitim ang bilugang mga mata nito at may mahabang buhok.
Maganda.
Ngunit hindi natural.
Bali-balita kasi sa mga waitress dito na nagpaparetoke raw itong si Shai at marami ng naipaayos sa katawan.
Hindi ko siya hinuhusgahan sapagkat hindi ko alam kung ang mga chismis tungkol sakaniya ay totoo o hindi. Sinasabi ko lamang kung ano ang naririnig ko tungkol sakaniya.
Lihim akong napatingin muli sa aking sarili. Nagkibit-balikat na lamang ako.
"Basta ako maganda," sabi ko sa aking isipan. "Chubby is the new sexy" dagdag ko pa. Lihim akong napangiti sa sariling kalokohan.
Nagpalit na ako ng damit upang umuwi na. Suot ang isang faded jeans at isang puting t-shirt na may print na "I Love Baguio" ay lumabas na ako ng restaurant.
Sinilip ko ang wallet ko at napa-buntong hininga na lamang. Gaya ng nakagawian, maglalakad na lamang ako at siguro ay bibili na lang ng isaw kung may madadaanan.
Bente pesos. Saan ako dadalhin ng bente pesos ko? Wala bang lalabas na James Reid d'yan o kaya naman ay Joshua Garcia?
Naks! Lakas maka- Corneto.
Hindi pa naman ako nakakalayo sa restaurant ay bumuhos na ang malakas na ulan. Kung suswertihin ka nga naman! Sinilip ko ang backpack ko ngunit wala doon ang payong. Wala na bang imamalas 'tong gabing ito?
Tumingala ako sa langit at hindi na ininda ang ulan. What's the use? E basa na din naman ako.
Lord, wala po bang isang oppa d'yan na papayungan ako?
Napabuntong hininga ako at bagsak ang mga balikat na nakatayo pa rin sa gitna ng ulan.
Hindi pa naman ako natatapos magdasal ay naramdaman kong hindi na ako nababasa pero malakas pa din ang ulan.
Huh?
Lumingon ako sa aking likuran at doon nakita ang isang lalaking pinapayungan ako. Basang-basa na ito dahil sa ulan, madilim man ay malinaw pa rin sa aking mga mata ang kaniyang kagwapuhan. Mataman itong nakatingin sa akin na tila tumatagos sa buong pagkatao ko.
Ngumiti ako sakaniya. Akmang hahawakan ang kamay niyang nakahawak sa payong na siyang nagsisilbing silong ko.
"Hoy, taba tigilan mo na pagtunganga mo d'yan, nilalamig na ako. Feeling mo yata ay nasa music video ka. Nananaginip ka na naman ng gising. Umuwi na tayo"
Imbis na kamay niya ang naisin kong hawakan, parang mas gusto kong isampal na lang sa makapal niyang pagmumukha ang malalapad kong palad.
Lord, oppa po yung hinihingi ko, bakit naman po ang isang ito ang ibinigay ninyo? Gusto ko nalang po siyang oppa-kan. Huhu
Since wala naman akong choice, sumilong nalang ako sa payong niya. Tumigil kami sa isang waiting shed at doon pala nakaparada ang kaniyang tricycle.
Tumigil ang sinasakyan naming tricycle sa isang lugawan. Tumila na rin ang ulan at tanging malamig na hangin nalang ang natira sa paligid.
"Hoy Artemeo, ano gagawin natin dito?" Tanong ko sakaniya ng bumaba siya ng tricycle niya.
"Magmo-motel tayo dito Guada" pilosopong sagot niya sa akin.
"Bastos talaga 'yang bunganga mo ano?" Inis na sabi ko sakaniya.
Naglakad siya patungo sa isang lamesang kulay berde na may dalawang monoblock na upan na berde din ang kulay. Itinaas niya ang kaniyang kamay at tila nakuha na iyon ng serbidora.
"Malamang sa malamang Guadalupe, kakain tayo ng lugaw rito. Minsan gamitin mo din 'yang common sense mo ha? Tsaka tigil-tigilan mo nga kakatawag sa'kin ng Artemeo. So old. Nakaka-kilabot" umakto pa itong nanginginig at parang diring-diri talaga sa sarili niyang pangalan.
"It's Guada." Ganti ko lamang sa mahaba niyang lintanya.
"It's Guada. " panggagaya niya pa sa akin at inilabas pa ang dila upang lalo akong asarin.
"Bakit ka nga pala nandon kanina?" Tanong ko na lamang at 'di na pinatulan ang pang-iinis niya.
"Sinusundo kita"
What?
"B-bakit mo naman ako susunduin?"
Wait! Bakit ako nauutal? Bakit bumibilis ang t***k ng puso ko? May sakit ba ko? 'Di naman ako natagalan maulanan ah? Lord, ano po ibig sabihin nito huhu.
"Joke lang, napadaan lang ako haha. Uyyy, kinikilig, umaasang susunduin ko talaga siya"
Akala ko mawawala inis ko sakaniya. Ayun na e, magpapasalamat na sana ako. Pero lalo lang ako ininis ng gago.
"Tse. Una na ako. Maglalakad nalang ako." Tumayo na ako. Ngunit hinawakan niya ang kamay ko upang pigilan ako.
"Hep! Bakit ka aalis e kakain nga tayo?"
"Ikaw nalang kumain. Busog pa ako" pagtanggi ko sakaniya. Hindi totoong busog pa ako dahil hindi pa ako kumakain mula kaninang umalis ako sa palengke.
"Hoy! Anong busog? Walang aalis! Kakain tayo."
"Ano ba Art, wala akong pera" pag-amin ko sakaniya.
"Sows! 'Yun lang pala e. Sagot ko na 'to Guada. Sagot kita" sabi niya at kinindatan pa ako ng gago.
"Ayoko nga kumain, kung gusto mo ikaw nalang kumain" pakikipag-talo ko pa sakaniya. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Tila naiinis na siya sa akin ngunit talaga namang nahihiya akong ililibre na naman niya ako.
Dahan dahan siyang naglakad papalapit sa akin at huminto lamang ng ilang inches na lang ang layo namin sa isa't isa.
"Mamili ka Guada. Kakain ka o kakainin kita?"
Sabi niya sa akin habang naka-ngisi. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil doon.
WHAT? DID I HEARD IT RIGHT?
ANG BASTOS TALAGA NG TABAS NG DILA NG LALAKING ITO!!
"Bastos" ani ko sakaniya habang masama ang tingin at mabilis na naupo na silya. Ganon rin naman siya.
Ang kaninang napaglarong ngisi sa kaniyang labi ay biglang naglaho. Naging seryoso ang kaniyang mga mata.
Unti-unting gumalaw ang kaniyang kamay upang abutin ang kanang kamay ko na naka-patong sa lamesa. Nang maglapat ang aming mga kamay ay nagdulot ito ng kakaibang kuryente na mabilis na dumaloy sa aking katawan. Katulad kanina ay bigla na namang bumilis ang t***k ng puso ko sa hindi malamang dahilan.
"Bastos lang ang bibig ko, Guada. Pero seryoso ako sa iyo" seryosong sagot niya at direkta sa mata akong tinitigan.
Kung kanina ay gustong-gusto ko siyang suntukin, ngayon ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan. Hindi kayang iproseso ng isip ko.
"A-ano bang sinasabi mo? P-paanong seryo-?"
Mabilis niyang inalis ang pagkaka-patong nang kaniyang kamay sa kamay ko. Napatingin ako roon at muli ring tumingin kay Art.
"G-grabe ang seryoso mo ngayon, Guada. Biro lang!" aniya na sinabayan pa ng tawa habang nakaturo sa mukha kong siguro sa ngayon ay hindi na maipinta.
"Asadong-asado ka naman d'yan, Guada! Hindi tayo talo 'no! Hahaha" dagdag pa niya at nagsimula nang kumain.
Ilang segundo akong nakatitig sa kaniya, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang kaninang mabilis na t***k nito ay mas tumindi, ngunit may kahalong sakit. Parang gusto nitong kumawala sa tila mahigpit na pagkakapisil habang tinutusok ng napakaraming karayom.
Tumayo na ako at nagsimulang humakbang paalis.
"H-Hoy! Teka, san ka pupunta? Hindi ka pa kumakain" muli ay hinawakan niya ang pulso ko upang pigilan ako sa pag-alis. Huminga ako ng malalim at marahas na tinanggal ang hawak niya sa braso ko.
Mabilis akong naglakad at swerte dahil may tricycle kaagad na napadaan. Sumakay ako kaagad bago pa niya ako muling mapigilan.
Nagwawala pa rin ang puso ko ngayon. Hindi ko alam kung dahil sa inis, galit o sa sakit.