Nanggigil pa rin si Thea hanggang sa makauwi siya sa bahay niya. Ang walanghiyang Calvin na iyon, hindi talaga tumigil sa pang-aasar sa kanya. Pati ang pamangkin niya tuloy na walang kamalay-malay ay nadamay sa kalokohan nito. "Is there something going on between the two of you?" naalala niyang tanong ng kuya David niya matapos magtanong ang anak nito tungkol sa pagiging "pakipot" niya. "Nothing, he's just-" hindi na niya alam kung paano dudugtungan ang sinasabi niya. "I was just annoying her, masarap pa rin palang pikunin itong baby sister mo, bud," agap na sagot ni Calvin sa tanong ng kapatid niya. "Kayo talagang dalawa. Baka kayo pa ang magkatuluyan niyan!" natatawang muling biro ni Michelle sa kanila. Umasim ang kanyang mukha at hindi na niya itinago iyon. Gusto niyang ipakita na

