"Stop it!" naiinis na niyang saway kay Calvin. At talagang balak pa yata talaga nitong mabuko sila ng pamilya niya. Ang hudyong ito, matapos siyang paasahin at lokohin ay may balak pa yata itong magtapat sa mga magulang at kapatid niya. "Thea, are you hiding something? At bakit si Calvin pa yata ang nakakaalam?" tanong ng kanyang mommy. Lihim na naman niyang namura ang katabing lalaki. Wala siyang balak na umamin sa pamilya niya at hindi rin siya makapapayag na ang dating kasintahan pa ang magbubuking sa kanya. "Mag-isip ka, Thea!" aniya sa isip. Pesteng lalaki talaga 'to. Umalis na nga siya sa bahay niya para iwasan ito pero nakasunod pa rin sa kanya ang mokong! "Thea?" tawag ulit sa kanya ng kanyang mommy. Ang daddy niya ay nakatingin lang din sa kanya bagama't alam niyang naghihi

