Tinititigan ni Thea ang kaibigang si Gabby na abala sa ginagawa nito. Mahina siyang natawa nang maalala ang reaksyon ni Calvin na iniisip pa yatang lalaki ang binabaeng ito. Muli niyang tinignan ang kaibigan. Gwapo, matangkad, maputi at chinito ito. Idagdag pang palagi itong nakaporma at neat na neat tignan. Papasa nga itong modelo kung tutuusin. Pero for goodness' sake! Mas malandi pa sa kanya si Gabby. Marami na nga itong naging lalaki sa buhay kumpara sa kanya na si Calvin lang ang naging boyfriend. Sinipat-sipat pa muli niya ito pero mukhang nakaramdam na ito at lumingon sa kanya. Huling-huli nito ang ginagawa niya. OA ang pagtaas ng isang kilay nito sa kanya. Natawa siyang muli. Paniguradong msasabunutan siya nito kapag nalaman nitong napagkamalan itong dyowa niya. At si Calvin p

