Inalalayan ni Thea ang mommy niya papunta sa kwarto ng mga ito. Naawa siya sa itsura ng ina na halatang nanggaling sa magdamag na pag-iyak. Isang araw pa itong nanatili sa ospital kung nasaan din ang kuya niya na dahil tumaas ng husto ang blood pressure nito sa sobrang pag-aalala sa kapatid. Ang kuya naman niya ay nananatili pa rin sa intensive care unit matapos ang operasyon. Halos mabuwal siya nang malaman mula kay Calvin na comatose ang kapatid. Ngunit kahit paano ay may pag-asa pa rin sila kesa tuluyan na itong nawala sa kanila. Hindi talaga niya mapapatawad ang sarili kapag nangyari iyon. Nangako ang nobyo na pababantayan ng husto ang kapatid niya sa ospital at maging ang pamilya niya ay bantay sarado na rin ng mga tauhan ni Calvin. "Anak..." tawag ng mommy niya na pumutol sa kany

