“Maupo ka, sister Blessy.” “Napatawag niyo po ako, mother superior?” kinakabahang tanong ng batang madre. Sa isip ni Blessy ay napatawag siya dahil hindi niya naalagaan si sister Teresa. Itong bata na ito, hindi pa nadala. Palagi nalang kami nagkikita sa bawat araw. Iniangat ni mother superior ang kaniyang tasang may kape at sumimsim dito. “Anong huli niyong usapan ni sister Teresa?” “Tungkol lang po iyon sa pag-iiba ng pakiramdam ko at sa panaginip.” Mahinahong sagot ng dalaga. “Anong eksakto niyong napag-usapan?” Napakamot naman sa belo si Blessy na para bang nangangati na ang kaniyang ulo sa tanong ng superior. “Wet dreams po.” Walang alinlangang sagot ng dalaga. Nasamid naman si sister Aurora sa sinabi ni Blessy at nagsalubong ang kaniyang kilay. “Ano??” “Mother superior, da

