“Ha? Anong ibig mong sa---” Tinawid ng binata ang pagitan ng mukha nilang dalawa. Dahil sa pabukas ang labi ng batang madre ay agad na nalasap ni Vaun ang loob nito. Napapikit ang bilyonaryong binata habang hinahalikan ang dalaga. Nangyayari ba ‘to? Gising ba ko? Tanong ni Blessy sa kaniyang isipan. Nakatingin siya sa mukha ng lalaking humahalik sa kaniya. Sa paraan pa lang ng paghalik ni Vaun ay ramdam niya nang sabik ito sa kaniya. Ayoko sa iba. Sigurado akong sa kaniya lang ako hindi magsasawa. Bago tuluyang mapapikit ang dalaga ay may butil pa ng luha ang pumatak. Patawarin Niyo po ako. Unti-unting naramdaman ni Blessy na lumuluwag na ang pagkakahawak sa kaniya ni Vaun. Sa hindi niya malamang dahilan, kusang pumunta ang kaniyang kamay sa batok nito. Shit. Is this real? Usal ni V

