KAPITULO: TREINTA Y DOS III

1832 Words

“Ano po ito?” Tanong ng batang madre. “Pirmahan mo nalang agad. Kailangan ko na ‘yan.” Iritableng sagot naman ni sister Nimfa. Hindi na binasa ni Blessy ang mga papel dahil ayaw niyang mas mainis sa kaniya si sister Nimfa. Masyado pa namang bugnutin ang madre, at baka siya pa ang mapagdiskitahan. Sa halos benteng papel, may isang kulay dilaw na papel ang nakakuha ng atensiyon niya. Iaangat na sana ni Blessy ang mismong papel, ngunit mabilis siyang pinigilan ni sister Nimfa. “Pirmahan mo nalang. Kanina pa kita hinihintay. Ang kupad mo.” Pasaring ng madre kaya hindi na binuksan ni Blessy ang kakaibang kulay ng papel. “Tapos na po.” Iniabot ng batang madre ang papeles kay sister Nimfa. Bago pa man ito nakaalis ay binulungan siya nito ng ‘salamat’. Nagiging weirdo na si sister Nimfa. Nung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD