Sa makalipas na isang buwan, bumalik si Vaun Arc Valderama sa Maynila para magpagamot. Habang parang bulang nawala nalang ang kaibigan nitong si Tristan Iyel Ledesma. Magmula nang madatnan ni sister Blessy si Mr. Valderama na puno ng dugo ang ulo at nakahandusay sa sahig, ay hindi na naalis sa kaniyang isipan ang imahe nito. Noong una, naging aligaga siya at halos mawala na sa ulirat nang dahil sa alam niya ang posibleng salarin sa nangyari kay Mr. Valderama. Ngunit nabigyan si Blessy ng kapanatagan ng loob nang malaman nilang nadulas lang ang binata sa paglilinis nito ng silid. “Sundin ang loob mo, dito sa lupa gaya ng sa langit…” sabay-sabay na kanta ng mga madre at bata na nasa loob ng kumbento. Nakangiting umaalalay si Blessy sa pari na siyang nadestino sa Angels Home Orphanage. Naka

