SA SUSUNOD na araw ay muling babalik na sila sa Maynila. Tapos naman na ang photoshoot at commercial. At ang nalalabing araw ay pwede nilang gamitin as free time. Masayang-masaya roon ang ibang empleyado. Ngayong araw naman ay napagpasyahan nilang mag-beach. At siyempre, kasama ang kapatid niya. Naglalangoy na ang ibang katrabaho at si Giuseppe. Sila ni Rocco ay naiwan sa cottage dahil sila ang magluluto. Bumili ang mga lalaki kanina ng mga pusit, hipon at bangus. Bumili rin ang mga ito ng gulay. Busying-busy pa silang naguusap ni Rocco nang hindi niya sinasadyang napatingin sa dagat. Kahit ilang beses nang may nangyari sakanila ng asawa ay hindi niya pa rin maiwasan na hindi mapakagat-labi dahil napakagandang lalaki talaga ni Giuseppe. Talagang takaw-tingin ito kahit nasaan pa man. Na

