MAAGANG NAGISING kinabukasan si Roxanne. Puyat pa siya at kulang sa tulog, pero pinilit niya pa rin ang magising para i-check ang kalagayan ni Giuseppe. Tulog na tulog pa rin ito at parang bata sa ayos nito ngayon. Nakanguyngoy ang ulo nito sa unan at balot na balot ng comforter. Sa tagpong iyon ay napangiti ang babae. Mukhang inosenteng-inosente ngayon ang asawa niya. Malayo sa walang puso, dominante at maawtoridad na Giuseppe. Hinawi niya ang kortina at binuksan ng bahagya ang bintana. Pinatay na ang aircon at hinayaan ang natural na hangin ang pumasok sa loob ng silid. Halos wala siyang naging tulog kagabi dahil minomonitor niya ang kalagayan ni Giuseppe. Kaninang madaling araw ay kinokombulsyon ito kaya naman nataranta rin siya. Naghilamos at nagtoothbrush lang si Roxanne at buma

