NANLAKI ANG mga mata ni Roxanne nang makapa kung gaano kainit ngayon ang asawa. Inaapoy ito ng lagnat! Tinapik niya ang asawa pero umungol lang ito at ni hindi magawang dumilat ng mga mata. Napakamot siya sa kilay. Hindi malaman ang gagawin. Sa tinagal-tagal nilang nagsama ni Giuseppe sa isang bubong, ngayon niya lang ito nakitang nagkasakit. Hindi naman kasi ito sakitin. Pinatay niya na ang aircon sa kwarto at binuksan nalang ng bahagya ang bintana para magkaroon ng kaunting hangin. Wala sa loob na pinadaan niya ang kanyang kamay sa buhok nito. Pinagpapawisan ito ng malapot. At talagang halatang masama ang pakiramdam. "Sige, kahit huwag ka nang magdinner. Ihahanda na lang kita ng mainit na sopas," aniya kahit alam niyang hindi siya nito maririnig. Lumabas na siya ng kwarto at nagaal

